Katherine Menchie BrionesYakap-yakap ko si Max habang sinusundan ng tingin ang stretcher na kinalalagyan ni Hiro na papasok na ng emergency room. Hihintayin ko lang na dumating si Stienn at lalabas rin ako dahil nga bawal ang aso dito sa hospital.
Ipinagpasalamat ko na nagawa kong tumawag sa ospital kanina bago ito tuluyang mawalan ng malay.
Unang beses kong makita na mawalan ng malay si Hiro since nakilala ko ito kaya hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon. Naitawag ko na rin kay Stienn ang nangyari kaya malamang na papunta na iyon.
Bitbit pa rin si Max na mukhang nakikisama sa sitwasyon dahil tahimik lang rin ito, na umupo ako sa bleachers na naroon sa tapat ng emergency room.
Aaminin kong kinabahan ako kanina habang sakay kami ng ambulance at kitang-kita ko ang hirap na paghinga ni Hiro. Alam kong kasalanan ko kaya nandito ito ngayon. Kaya nga naguguilty ako.
Ilang minuto akong nakaupo doon at hindi mapakali habang yakap-yakap si Max ng mamataan ko na si Stienn na humahangos.
"Kachi, what happened? Si Hiro?" humihingal na tanong nito ng makalapit. Kitang-kita ko ang pag aalala sa mga mata nito.
"Nasa ER. He lost consciousness."
"Hindi pa lumabas ang doktor? What did he do this time that he ended up here again? Tinawagan ko kanina hindi naman...."
Hindi ko na naintindihan ang mga sumunod na sinabi ni Stienn dahil sa pagkakatingin ko dito ay unti-unting nanlalabo ito sa paningin ko. Feeling ko rin ay ang bigat-bigat ng ulo ko at anytime now ay pwede akong bumagsak sa kinauupuan ko.
I know I'm having this moment again. But I can't collapse here. Nasa ER pa si Hiro at ayokong dumagdag sa alalahanin ni Stienn lalo pa't mag isa lang itong dumating. Kaya pinilit kong inayos ang pagkakaupo at madiin kong kinurot ang braso ko. Baka sa paraang yon ay umayos ang nararamdaman ko.
"Kachi? Hey, Kachi? Are you okay?"
"Y-yes."
"You're pale. Are you—"
Hindi na nito natuloy ang sasabihin ng sabay kaming napalingon sa pagbukas ng ER at lumabas si Dr. Lopez.
"How is he Doc?" nag aalalang tanong ni Stienn.
"Hindi naman gaanong malala but he's not okay. We need to confine him again para mamonitor ang status ng heart nya. Itatransfer na sya sa room nya. You can see him after that." sabi ni Doc at tinapik si Stienn sa balikat.
Paalis na ito ng mapansin ako.
"Ms Briones, you're here?"
Pinilit kong inayos ang sarili ko kahit na umiikot ito sa paningin ko. Nanatili akong nakaupo at ngumiti kay Doc.
"H-hello Doc. Ako po yong nagdala kay Hiro Martin dito."
"Oh. Are you okay?" nakakunot noong tanong nito. Siguro ay napansin din nito ang pamumutla ko.
"Y-yes Doc." pilit ang ngiting sabi ko.
"ah,okay. I'll go ahaed na." he said and left.
Pagkaalis ni Doc Lopez ay nilapitan ako ni Stienn.
"Kachi let's go."
"uh, where to?" tanong ko habang pasimpleng hinilot ang sentido. Pilit ko pa ring pinapakalma ang sarili ko.
"Sa room ni Hiro. Are you sure you okay?" nag aalalang tanong nito at umupo na katabi ng inuupuan ko at kinuha nito si Max na nagsisimula ng maglikot.
YOU ARE READING
Walking In The Wind
General FictionWe have some good times didn't we? We have some good tricks up our sleeve Goodbyes are bitter sweet But it's not the end, I'll see your face again... You will find me Yeah you will find me In places that we've never been The reasons we don't under...