Entry 7: Start

26 0 0
                                    

Katherine Menchie Briones

Bitbit ang isang bote ng tubig at isang sandwich ay nanghihinang umupo ako sa waiting lounge sa may lobby ng ospital. Breaktime ko at mas pinili ko na lang bumili ng tubig at sandwich sa cafeteria. Babalik na rin sana ako sa nurse's station pero nakaramdam ako ng pagkahilo at itong waiting lounge ang pinakamalapit sa kinaroroonan ko. Sapo-sapo ang ulong sumandal ako sa pader. Umiikot ang buong paligid ko at ramdam ko na rin ang unti-unting pananakit ng ulo ko. And I know why. Hindi ako nakatulog ng buong magdamag nitong nagdaang gabi. Umatake na naman kasi ang insomnia ko kagabi.

Pumikit ako ng mariin. This is what I hate the most kapag umaatake ang insomnia ko because the next morning ay tiyak na sasakit ng bonggang bongga ang ulo ko. And it's happening right now.

Matagal ako sa ganong ayos ng maramdaman kong may tumabi sa akin. Wala akong balak pansinin iyon dahil hindi pa rin humuhupa ang sakit ng ulo ko. At isa pa iniisip ko na isa lang iyon sa mga pasyente ng ospital...not until that someone spoke.

"That's so careless of you to sleep here."

Agad kong iminulat ang mga mata ko ng marinig ko ang pamilyar na tinig na iyon.

Umayos ako ng upo ng mabungaran ko ang walang emosyong mukha ni Hiro Martin.

It's been a week since that incident in front of Stienn's bar, and it's been a week since I last saw him. Hindi na kasi ako bumalik sa bar after nitong masampal ng ate nito dahil sa roadtrip na iyon. It's not that sinunod ko ang sinabi ng ate nito na wag na akong magpapakita sa kanila. Pinapahupa ko lang ang sitwasyon. At isa pa, medyo masama ang pakiramdam ko nitong nagdaang linggo kaya binawasan ko ang pagpupuyat.At natutuwa akong makita ito dito...pero anung ginagawa nito dito?

"What are you doing here?"

"I'm with my mom."

Wait, nandito ba ito para magpagamot na? Ang bilis naman atang umepekto ng plano ko. Wala pa nga akong ginagawa eh.

"Kala ko ba ayaw mo ng ospital?" nakakunot noong tanong ko.

"I didn't say that I don't like hospital."

Mas lalong nangunot ang noo ko. Talaga lang hah? So ibig sabihin payag na itong magpagamot?

"Magpapagamot ka na?"

"No!" mabilis naman nitong sagot. "Check up ni Mommy ngayon. Sinamahan ko lang."

Well, anu ba naman ang aasahan ko. Sa maikling panahon na nakilala ko si Hiro Martin alam kong hindi ganon kadaling magbabago ang desisyon nito.

"Bakit ba kasi ayaw mong magpagamot?"

"I remembered you said you understands me and you don't need to know my reason?"

Tss. Wala talagang kwentang kausap. Tumayo na ako. Medyo nawala na rin ang pananakit ng ulo ko. Kahit na gusto ko pa sana itong makausap pero baka malate na ako dahil thirty minutes lang naman ang break ko.

"Jan ka na nga. Babalik na ko sa trabaho." tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad.

"Wait up!"

"O bakit?"

"A-are you coming t-tonight?"

Muli na namang nangunot ang noo ko. Di ko magets. Saan naman ako pupunta?

"Hah? Saan?"

"Sa bar." mabilis nitong sagot.

Oo nga pala. It's been a week na nga pala since the last time I went there. Nakaraang araw pa nga tawag ng tawag sina Stienn at Tyro at tinatanong kung bakit hindi ako nagagawi doon. Iniisip pa nga ng mga yon na baka nagtampo na ako sa kanila dahil sa mga nasabi nila at ng ate ni Hiro. Lagi ko lang naman sinasagot na busy pa ako.

Walking In The WindWhere stories live. Discover now