Katherine Menchie Briones
Alas kwatro na ng umaga ng maisipan naming bumalik sa metro. Hindi ko alam kung nasaan na kami ngayon pero I'm sure na nasa labas na kami ng metro. Ilang oras din kaming bumabyahe. At ngayon nga ay kailangan na naming bumalik. Buti na lang at sabado ngayon kaya wala akong pasok sa ospital.
Pero bago kami umuwi ay dumaan muna kami sa gotohan para kumain. Nadaanan namin iyon kanina at sabi ni Hiro na gusto daw nitong kumain noon. Kaya heto kami ngayon at masayang kumakain habang nagkukwentuhan. Hindi ko alam pero para bang bigla na lang kaming naging close.
Hindi ako aloof dito kagaya ng ipinapakita ko sa iba. At hindi rin ito nagsusungit katulad ng lagi nitong pinapakita. I think that road trip helps alot sa kung ano man ang samahan namin ngayon.
Natapos kaming kumain na maayos pa rin ang mood nito. At ngayon nga ay nasa sasakyan na kami ulit. Si Hiro na ang nagdadrive.
"Daan muna tayo sa bar ni Stienn bago kita ihatid. Nakalimutan ko yong phone ko doon." sabi nito.
"Sige."
At sa byahe nga ay natulog lang ako. Napagod rin kasi ako. Buong magdamag akong nagdrive. Hinayaan lang naman ako ni Hiro. Ginising lang ako nito nong nasa bar na kami.
Sikat na ang araw ng makarating kami ng bar. Bumaba na ito ng sasakyan. Hindi na sana ako susunod kung hindi ko lang nakita ang mga taong nakaabang sa amin.
Naroon si Stienn at Tyro at pati na rin si Maggi. Ganoon pa rin ang suot ng mga ito so I guess hindi pa sila umuuwi. Nakalimutan nga pala naming magpaalam kagabi bago kami umalis. Nakalimutan kong itext si Maggi kagabi bago ko i off ang phone ko.
At hindi lang sina Maggi ang naroon. Naroon rin si Mrs. Martin... At kung hindi ako nagkakamali ay yong ate nito ang mabilis na sumalubong dito at...
Sinampal nito si Hiro!
Napabilis ang lakad ko palapit sa mga ito. At parang nawala ang antok ko.
"Anu?! Papatayin mo kaming lahat sa kakaalala sayo? Bakit ka ba ganyan Hiro?" sigaw ng ate nito. Pulang-pula ito sa galit. "Saan ka nanggaling? Alam mong bawal sayo ang magpuyat diba? Wala ka sa bahay ni Stienn at iniwan mo dito ang cellphone mo! Sabihin mo, saan ka nanggaling? Nagpapakamatay ka ba talaga?!"
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kasalanan ko lahat to. Ako ang nag aya kay Hiro na mag road trip. Hindi ko naisip yong mga taong mag aalala dito. But on the other hand sumaya naman ito kaya hindi ko rin sisisihin ang sarili ko sa galit ng ate nito.
Hindi naman umimik si Hiro. At akala ko tapos ng magtalak ang ate nito ng mapatingin ito sa direksyon ko. At base sa pagkakatingin nito ay hindi ito natutuwang makita ako.
"Ikaw? Hindi ba't ikaw yon?" mas lalo akong kinabahan ng lumapit ito sa kinaroroonan ko. "Ikaw yong OJT na nagtakas kay Hiro sa ospital three weeks ago!"
What? Paano nila nalaman? Nakita ba nila kami?
Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya nagyuko ako ng ulo. Ramdam ko na lahat sila ay nakatingin na ngayon sa akin. Wala naman akong pakialam kung ano ang iisipin nila. Kaya lang nahihiya ako kay Mrs. Martin. Mabait kasi ito sa akin — sabagay, lahat naman sila mabait sa akin.
"Akala mo hindi nakita sa CCTV ang ginawa mo? At ngayon anu, ikaw na naman ang kasama ni Hiro? Sino ka ba hah?"
Nanatili akong tahimik at nakayuko. Naiintindihan ko naman kung bakit ito nagagalit. Alam kong nag aalala lang ito para kay Hiro.
"Alam mo na pwede kitang isumbong sa ospital na iyon na nagtatakas ka ng pasyente. Do you want that? Hah?"
Sa sinabi nito ay napaangat na ako ng tingin. No. Hindi pwede. Importante sa akin ang OJT ko.
YOU ARE READING
Walking In The Wind
General FictionWe have some good times didn't we? We have some good tricks up our sleeve Goodbyes are bitter sweet But it's not the end, I'll see your face again... You will find me Yeah you will find me In places that we've never been The reasons we don't under...