Entry 5: Maybe the Night

27 1 0
                                    

... Being the reason of someone's happiness is fullfilling. Nakakagaan ng pakiramdam... At oo, masaya sa puso.

-Katherine Menchie Briones

At katulad nga ng sinabi ko na kikilalanin ko si Hiro Martin kaya heto ako at nagpapabalik-balik sa Point 88 Street kung saan gabi-gabi itong tumutugtog. I'm doing everything to know him. Kasi hindi naman dahil pumayag ito na kilalanin ko ito ay ganoon na lang kadali iyon. Dahil mas mahirap pa pala sa inaasahan ko ang makilala ito. Hindi naman dahil sa pumayag ito na kilalanin ko ito ay magiging mabait na ito sa akin. Para lang kaming bumalik sa dati. Stranger pa rin ang tingin nito sa akin at hindi ako nito kinakausap.

Pang ilang araw ko na bang nagpapabalik-balik dito?

Tatlo. Tatlong gabi ko ng binabantayang matapos ang huling set nito pero hanggang ngayon bokya pa rin ako na makausap ito. Pagkatapos kasi ng set nito ay bigla-bigla na lang itong nawawala.

Maagang natatapos ang set nito. Exactly 10:00 pm ay tapos na ito. At ayon kay Stienn ay nagpapahinga na raw talaga ito after ng set nito dahil bawal itong magpuyat. Bawal sa sakit nito.

Naiintindihan ko naman iyon. Kaya lang kasi wala naman akong schedule na magsakto sa schedule bago ito magperform. Kaya nga kumukuha pa rin ako ng timing na makausap man lang ito kahit saglit after ng set nito. Malaking tulong na nag uusap kami kahit saglit sa isang araw para makilala ko ito.

Nitong mga nakalipas na araw kasi ay loaded ang schedule ko sa shop at nasa ospital naman ako ng umaga kaya hindi ko ito mapuntahan sa shop nito kung saan daw ito laging naglalagi ayon naman kay Tyro.

Nakakainis nga ito. Bakit ayaw nitong makipag usap e pumayag naman na ito na magkakilala kami?  Kahit na nga ayoko ay pinilit ko ang sarili kong makipaglapit kina Stienn at Tyro para lang malaman ko ang schedule nito. At kahit na rin ayaw ko ay gabi-gabi ko nang kasama si Maggi na magpabalik-balik sa bar na ito. Ayoko kasing pumunta ng mag isa dito. At isa pa close naman na nito sina Stienn at Tyro kaya sila ang laging nag uusap at hindi ako napipilitang makipag usap sa dalawang yon. Hanggang ngayon kasi ay akward pa rin ako sa kanila kahit na mababait naman ang mga ito. Hindi lang kasi talaga ako sanay na may mga tao ng napapalapit sa akin ngayon after three years na mag isa lang ako. Nag aadjust pa ako.

Yeah, I'm willing to adjust para maintindihan ko si Hiro. Feeling ko kasi kailangan talaga nito ng isang taong makakaintindi dito. At feeling ko ako ang kailangan nito. Hays...

"Patapos na ang set ni Hiro, kachi. Bantayan mo ng maigi baka bigla na namang mawala."

Napalingon ako kay Maggi ng magsalita ito.  Busy lang ito kaninang kausap si Stienn at hindi ko namalayan na umalis na pala si Stienn sa table namin at pareho na kami ng tinitingnan ni Maggi ngayon.

"Ano ba kasi ang kailangan mo kay Hiro at kailangang personal pa talaga? Pwede mo namang itext na lang."

Pang ilang tanong na iyan sa akin ni Maggi pero laging alanganing ngiti lang ang sagot ko. Hindi ko pinapaalam dito ang totoong plano ko. Kahit naman kasi lagi kaming magkasama nito ay hindi pa rin kami close. Ayoko pa rin. Tama na munang si Hiro lang ang hahayaan kong makapasok sa buhay ko.

"Sabi sa akin ni Stienn na palagi raw doon sa bahay niya natutulog iyang si Hiro. Kung urgent talaga yang kailangan mo e di puntahan mo na lang doon kina Stienn. Sasamahan kita —..."

"Ah hindi na." putol ko sa sasabihin nito. "Ayos na. Kakausapin ko na lang after nitong set nila. Baka free na sya."

Sa ilang gabi at araw na palagi kong kasama si Maggi ay nadiskubre ko na mabait talaga ito. Yon nga lang masyadong mausisa. Lagi itong may tanong. Lagi ko rin namang iniiwasan ang mga tanong nito. Pero parang balewala lang naman dito ang pagiging aloof ko. Lagi itong nag aact na parang close na close talaga kami kaya naman hindi na rin ako masyadong akward dito. Pero syempre hindi ko naman hinahayaan ang sarili kong mapalapit ng husto dito.

Walking In The WindWhere stories live. Discover now