Katherine Menchie BrionesNagising ako dahil pakiramdam ko ay maraming mata ang nakamasid sa akin. Iminulat ko ang mga mata ko.
At hindi nga ako nagkamali. Dahil sa ngayon ay tatlong pares ng mga mata ang nakatitig sa akin.
Napabalikwas ako ng bangon at luminga-linga sa paligid. Maliwanag na.
Malapit na malapit sa akin ang mukha nina Stienn, Tyro at Maggi. Tinitignan nila ako na animo'y sinisiguro kung ako ba talaga ito.
"W-what?" alanganing tanong ko.
Tinignan ko ang sarili ko. At doon ko narealize na dito nga pala ako natulog sa hospital room ni Hiro kagabi. Pero nagulat ako ng mapagtanto kong hindi ako naroroon sa upuang tinulugan ko kagabi. Sa halip ay nandito ako sa bed ni Hiro!
Nanlalaki ang mga mata kong inilibot ang paningin ko. I'm searching for this one particular person pero hindi ito matagpuan ng mga mata ko.
Dali-dali akong bumaba sa kama at mabilisang inayos ang sarili ko.
"N-nasaan si H-hiro?" nahihiyang tanong ko.
"Nasa CR." mabilis na sagot ni Stienn habang mapanghusga ang mga matang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.
Gosh, nakakahiya talaga! Bakit ako natutulog sa bed ni Hiro? Paano ako napunta don? Tapos naabutan pa ako ng mga 'to. Anong iisipin nila? Na daig ko pa si Stienn dahil ako, buong magdamag inagawan ng tulugan si Hiro?
Wait—mag isa akong natulog sa bed o nagtabi kami?
Nanlaki ang mga mata ko sa naisip.
Kung nagtabi kami ni Hiro tapos naabutan nila kami...
Gosh ano ng iniisip nila ngayon?
Tinignan ko ang tatlo. Lahat sila ay mapanghusga ang pagkakatingin sa akin. Napakagat labi ako at palihis na nagyuko ng ulo.
Gosh! Nakakahiya!
"Wag kang mag alala Kachi, ikaw lang ang natulog jan sa kama. Pag gising ko kasi ay nasa sahig na ako tapos si Hiro yong nandyan sa sofang tinutulugan ko kagabi." naiinis na ani Tyro na mukhang disoriented pa. Bahagya naman akong nakahinga ng maluwag sa sinabi nito, and I feel bad for him.
Ngunit bigla namang binatukan ni Maggi si Tyro. "Siraulo. Ang sabi mo sa kama ni Hiro natulog si Kachi kaya nga kahit wala pa'ng almusal ay dali-dali kaming pumunta ni Stienn dito!" naiinis na sabi ni Maggi.
"Oo nga! Can't you see? Sa bed nga ni Hiro natulog si Kachi." anaman ni Tyro na hinaplos-haplos ang ulong binatukan ni Maggi.
"E hindi mo naman dinetalye na hindi naman pala nagtabi. Ang fake news mo." si Stienn.
What the hell? Anong pinagsasabi nila?!
"Kasalanan ko pa? E nagulat nga rin ako na pag gising ko nandito si Kachi kaya napatawag agad ako sa inyo. Saka bakit hindi ko namalayan na bumalik ka kumareng Kachi?" baling sa akin ni Tyro.
"Tulog mantika ka, paano." si Stienn ang sumagot.
"Bakit nga ba dito ka natulog Kachi?" pang uusisa naman ni Maggi.
"Oo nga. Dito ka ba natulog o kararating mo lang tapos nakitulog ka saglit? Di kita namalayan kagabi eh." segunda naman ni Tyro.
"O baka si Hiro ang nag sabi na dito ka matulog?" si Stienn.
Tiniganan ko sila isa-isa at muling napakagat labi.
Bakit ba ang chichismoso ng mga 'to?
YOU ARE READING
Walking In The Wind
General FictionWe have some good times didn't we? We have some good tricks up our sleeve Goodbyes are bitter sweet But it's not the end, I'll see your face again... You will find me Yeah you will find me In places that we've never been The reasons we don't under...