Entry 2: Reason

72 3 0
                                    


...lahat tayo ay may pinagdadaanan sa buhay na hindi naiintindihan ng iba. May kanya-kanya tayong issue sa buhay na mas gusto nating i handle sa paraan natin na hindi ma gets ng iba.

...pero anu ba naman kasi kung anu ang sasabihin nila?... Ang importante naman ay masaya ka.

Sarili mo naman mismo ang unang nakakaintindi sa kung anu ang nararamdaman mo at kung anu ang magpapasaya sayo.

...pero minsan kasi kailangan mo ring isaalang alang yong mga taong nakapaligid sayo...lalo na yong mga taong importante sayo. Kailangan mong isaalang alang yong mararamdaman nila.

...pero paano naman kung may isang taong makakaintindi sayo katulad ng pagkaintindi mo sa sarili mo?

...o may isang taong makakarelate ka hindi dahil pareho kayo ng pinagdadaanan, kundi naiintindihan mo yong nararamdaman niya?

...posible kaya iyon? May tao pa bang gayon na nag eexist sa mapanghusgang mundong ito? Sana...

---Katherine Menchie Briones

"Katherine hanap ka ni Miss Dionisio."

Natigil ako sa pagkakalikot ng chart ko ng dumating si Aira. Isa sa kasamahan kong OJT.

Nasa nurse's station ako at kararating ko lang galing lunch break.

"uh, sige..."

Kinipkip ko na ang chart ko.

"Nasa pedia ward siya."

Tumango na lamang ako at saka lumakad na patungo sa pedia ward kung nasaan si Ms. Dionisio na Head Nurse ng ospital na ito.

Tatlong linggo na akong nag oOJT. Siguro ay iaassign na ako ni Ms. Dionisio sa isang doktor na iaassist ko. The past three weeks kasi ay more on observe pa lang kami. Pero tingin ko naman kaya ko ng mag actual.

Patuloy lang akong naglalakad ng biglang magkagulo sa hallway.

Madadaanan muna yong emergency room bago makarating sa pedia ward.
Kaya may emergency na naman for sure.

Agad akong tumabi dahil nga tama ang hinala ko.

May dumarating na mga nurse tulak-tulak ang isang stretcher.

Tumabi na muna ako. Aantayin ko na lang na makadaan iyon bago ako tumuloy. Gayon din naman ang ginawa ng ibang kasabayan kong naglalakad sa pasilyong iyon.

Nakatingin lang ako habang papalapit na yong mga taong nagtutulak sa stretcher.

Ngunit agad na kumunot ang noo ko ng makita ko na naman yong pamilyar na babaeng yun na nakasunod sa pasyenteng dumaraan.

Saan ko naman ba iyon nakita?

Mas lalong kumunot ang noo ko ng mapatingin naman ako sa isa pang babaeng kasama...

Si Mrs. Martin?

Ow! Yong ate ni takas boy yong isang babae!

Nang marealize kong tama ang hinala ko ay automatic na dumapo ang tingin ko sa stretcher na saktong nakalampas na sa kinaroroonan ko. Pero kitang kita ko kung sino ang naroon.

Si takas boy!

Wala itong malay at maputlang maputla ito.

Sinundan ko ito ng tingin hanggang lumiko na ang mga ito sa pasilyong patungo sa emergency room.

Anu kayang nangyari doon? Parang nakaraang linggo lang iyong huling pagkikita namin kung saan tumatakas ito ah.

Hindi kaya nadisgrasya kasi tumakas na naman?

Walking In The WindWhere stories live. Discover now