Katherine Menchie Briones
"Hah? Yon na yon?"
Gusto kong matawa sa itsura ni Maggi ng sabihin ni Hiro dito kung ano ba'ng plano nito para sa surprise birthday party ni Tyro.
Nandito kami ngayon sa shop at wala si Tyro dahil sinamahan daw nito ang Daddy nito na mag golf kaya malaya naming napag uusapan ang tungkol sa surprise ni Hiro kay Tyro. Kahapon, matapos kaladkarin ng ate ni Hiro ang huli ay hindi na ito bumalik kagaya ng sinabi nito kaya hindi natuloy iyong pagpaplano namin.
At dahil pare-parehong libre ang araw namin ngayon ay napagkasunduan na nga naming ngayon magplano. Timing na wala si Tyro sa shop.
Kanina ng sabihin namin ni Hiro kay Stienn at Maggi ang plano ni Hiro na surprise kay Tyro ay tuwang-tuwa ang mga ito. Specially Stienn dahil eversince bata daw sila ay hindi talaga dumadalo si Hiro sa birthday party ni Tyro kahit anong pamimilit nila. Even his own birthday ay hindi daw nito sinicelebrate. Kaya nga tuwang-tuwa si Stienn na ito pa mismo ang nakaisip na isurprise si Tyro sa 24th birthday ng huli.
"What?" kunot noong tanong naman ni Hiro sa naging reaksyon ni Maggi sa sinabi nito.
"Bibilhan mo lang si Tyro ng cake at ng gift? Yon na? Walang effort?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Maggi habang tinititigan si Hiro na animo'y isa itong alien.
"What's wrong with that? Hindi ba masusurprise si Tyro non? I bet he will because I've never give him any gift before during his birthdays." katuwiran naman nito. He really had no idea tungkol sa mga birthday celebration.
Pero may point din naman ito. Feeling ko masusurprise din naman si Tyro because he never experience a birthday celebration with Hiro before.
"Bud ano ka ba naman? Pang 24th ni Tyro yon hindi pang seventh birthday." komento naman ni Stienn na mukhang nawiwirduhan din sa suggestion ni Hiro.
"What, I think kids birthday is always the best." komento ko naman.
Para sa akin sa lahat ng uri ng party ay ang kids birthday party ang the best. And it's the most happy one. Ang sarap kayang maging bata.
Ang dalawanag pares ng matang nawiwirduhan na kanina ay kay Hiro nakatingin ay bumaling sa akin.
What? Sobrang weird ba talaga ng suggestion na yon?
"Bagay nga talaga kayong dalawa." ani Maggi na nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Hiro.
Napanguso naman ako at tumahimik na lang at nakinig sa mga suggestions ni Maggi at Stienn na sa tingin ko naman ay mas may kwenta kesa sa mga suggestions namin ni Hiro. What can I do e hindi rin ako mahilig sa mga birthday party katulad ni Hiro. Mabuti na lang talaga at nandito tong dalawang to para gawin iyong pagpaplano na sinang ayunan na rin namin ni Hiro.
Natapos ang kalahating araw at puro pagpaplano ang ginawa naming apat. At ngayon nga ay hindi namin iyon maituloy dahil dumating na si Tyro. Kaya naman napagpasyahan ko ng magpaalam sa kanila na uuwi na dahil wala na rin naman akong gagawin doon. Si Maggi ay magpapaiwan dahil mukhang wala silang plano ni Stienn na tigilan ang ginagawa. Engross na engross talaga ang mga ito sa pagpaplano ng birthday surprise para kay Tyro.
Si Hiro naman ay mukhang aalis na rin kaya naisipan kong sumabay na lang dito. Sobrang init ng sikat ng araw kaya tinatamad akong maghintay ng masasakyang taxi sa labas.
Nakatayo ako sa may pintuan habang hinihintay ito. Maya-maya pa ay palabas na rin ito. Alam kong nakita ako nito pero hindi ako pinansin at derecho lang na lumabas ng shop. Napairap na lang ako at sumunod na rin dito. Nang nasa tapat na kami ng kotse nito at akmang papasok na ako ng balingan ako nito.
YOU ARE READING
Walking In The Wind
General FictionWe have some good times didn't we? We have some good tricks up our sleeve Goodbyes are bitter sweet But it's not the end, I'll see your face again... You will find me Yeah you will find me In places that we've never been The reasons we don't under...