Hiro Martin
I'm still looking at Kachi habang hindi ito magkaugaga sa pag check kung ayos na ba ang lahat para sa surprise namin kay Tyro.
Her eyes, those stares still bothers me. Hanggang ngayon ay hindi ako mapalagay knowing na malulungkot ang mga mata nito. And I'm guessing it's because of me. Hindi ko alam kung kailan pa nagsimula ang lungkot sa mga mata nito pero nito ko lang napansin. I always saw her crying pero binalewala ko iyon nong una because I'm certain that time na hindi dahil sa akin yon. But now seeing those stares, pakiramdam ko ay nadagdagan na naman ang taong dapat kong i-consider sa pagdedecide ng kalalagyan ng buhay ko.
Hindi ko kasi alam, hindi ko namalayan na unti-unting napasok ni Kachi ang buhay ko. I'll admit it, kapag ito ang kasama ko pakiramdam ko ay normal ang lahat sa buhay ko, na hindi ako hinihintay ni kamatayan. And now unti-unti kong narerealize na sobrang maling hinayaan kong makapasok si Kachi sa buhay ko. I want to try my best to let her out but this little voice in my mind keep on telling me to make her stay. I want her beside me until my last heart beat. And I know I'm so stupid in wanting those. Kung hindi ba naman kasi ako duwag at pinili na lang magpaopera maybe I can have her. But it's too late for that now.
"Guys nasa baba na raw sila, everybody take your place!" anunsyo ni Stienn na nagpawala ng isip ko kay Kachi. Lumapit sa akin si Stienn at ibinigay ang cake na kanina pa nito inaayos. Kinuha ko iyon at tumayo na ako mula sa sofa at kumubli na sa likod ng mini stage na naroon. Ang mga kabanda ko naman ay pumwesto na sa mini stage at nagsimulang tumugtog. Si Stienn ay tumayo sa tapat ng mesa at nagsimulang uminom ng wine na naroon. Si Kachi naman ay dinampot ang camerang dala nito kanina at nagsimulang kumuha ng mga larawan. At sina Allan, Dan at Anton ay nakaabang na sa may bungad ng rooftop.
Maya-maya pa ay naroon na si Tyro kasama si Maggi. Agad na kumunot ang noo nito. Inilibot ang tingin sa paligid tapos ay tumingin sa mini stage kung saan tumutugtog ang mga kabanda ko.
"Ano to?" nakakunot noong tanong nito. "Stop playing Tom." iniangat pa nito ang kamay at pinapatigil sa pagtugtog ang mga kabanda ko na agad namang sinunod ng mga ito.
Si Stienn at Maggi ay mabilis na nilapitan si Tyro na nakakunot noo pa rin.
"Happy birthday Tyro!" tili ni Maggi.
"Surprise Sir!" magkakapanabay na wika nina Allan, Dan at Anton.
"Mags, mauuna ang 'Surprise!' bago ka magbati ng happy birthday kay Tyro. Hindi ka naman nakikinig ng instruction." ani Stienn na sinimangutan si Maggi.
Napailing ako. Kahit kailan talaga tong mga 'to.
"Ay sorry. Naexcite ako." nakapeace sign na ani Maggi.
"Ihh. Panira ng plano." anapa ni Stienn.
"That's enough guys." saway ni Kachi sa mg kasama. "Anyways, happy birthday Tyro."
"Happy birthday Boss!" sigaw naman ng mga kabanda ko.
"Happy birthday Bud." ani Stienn at niyakap si Tyro, ngunit nakakunot noo pa rin ang huli.
"Bud, hindi ka man lang ba nasurprise? Nag effort kami oh. Hindi masakit ah!" reklamo ni Stienn ng wala pa ring makuhang reaction kay Tyro.
"Sana man lang nagtago kayo at pinatay ang mga ilaw bago kayo sumigaw ng surprise diba? Baka iyakan ko pa kayo." sarkastikong anaman ni Tyro.
"Huy, grabe ka naman. Ikaw na nga tong binigyan ng party eh." sabad ni Maggi.
"Guys diba sabi ko naman sa inyo, as much as I love parties ay hindi ako maghahanda ngayon dahil nasa ospital si Hiro." ani Tyro na nagpangiti sa akin.
YOU ARE READING
Walking In The Wind
General FictionWe have some good times didn't we? We have some good tricks up our sleeve Goodbyes are bitter sweet But it's not the end, I'll see your face again... You will find me Yeah you will find me In places that we've never been The reasons we don't under...