Katherine Menchie Briones
Kagat-kagat ko ang pang ibabang labi ko habang pilit na iniiwas ang tingin kay Hiro na mukhang hindi rin mapakali. Dala lang ng matinding emosyon ko kanina kaya ko ito niyakap at ngayon nga ay hindi ko alam kung anong sasabihin ko dito dahil sa naging aksyon ko. Ipinagpasalamat ko na lang na hindi nito napansin ang mga luha ko dahil mabilis ko iyong napunasan pagkatapos ko itong itulak.
Bumalik lang ang tingin ko dito ng umalis na ito sa harapan ko at tinungo ang barandilya ng rooftop. Inilagay nito ang dalawang kamay sa bulsa ng suot na pantalon at tu
mingin na naman sa kawalan. At dahil nakatalikod ito sa akin kaya malaya ko itong napagmamasadan.Napakagwapo talaga ng isang to. Kahit likod ay ang hot tignan.
Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa mga imaheng pumapasok dito. Pagkatapos ay niyakap ang sariling lumapit ako dito.
“Ayos ka lang ba?” tanong ko. Dahil alam ko namang ang mga nalaman nito mula sa doctor nito ang nasa isip nito ngayon. Kaya nga nag aalala ako dito dahil a
lam kong nalulungkot ito ngayon kahit hindi nito sabihin.
“Anong ginagawa mo dito?” sa halip na sagutin ako ay ulit nito sa tanong kanina.
“Obviously, sinasamahan ka.” sagot ko at tumigin rin sa kahabaan ng metro na pinagmamasdan nito. Sa itsura nito ngayon, alam kong wala itong balak magkwento. Sabagay, ayaw nga nitong ipaalam sa akin iyong nalaman nito kaya kay Stienn nito sinabi iyon. But I bet na may ideya na itong alam ko na ang mga sinabi nito kay Stienn dahil na rin sa nangyari kanina.
Nilingon ako nito at kinunutan ng noo.
Okay, sabi ko nga. Wala itong alam. Tss…
“Sinabi na sa akin ni Stienn. Ayos ka lang ba?” muli kong tanong.
Pero sa halip na sagutin ako ay lumakad ito papunta sa sofang iyon na favorite spot nito at pasalampak na naupo. Sinundan ko naman ito ng tingin. Nakayuko ito kaya hindi ko makita ang mukha nito at hindi ko mabasa kung natutuwa o naiinis ba ito dahil nandito ako. Pero dahil makulit ang lahi ko kaya hindi ko ito tinantanan at lumapit uli dito.
“Hoy, ayos ka lang ba?” muli kong tanong at dinutdot pa ang balikat nito na dahilan kaya nag angat ito ng mukha habang masama ang pagkakatingin sa akin.
“Hindi ka ba marunong makiramdam? Hindi kita pinapansin kaya obviously ayaw ko ng kausap at ayaw ko ng kasama, kaya pwede ka ng umalis.” naiinis na sabi nito.
Sa halip na mainis rin sa sinabi nito ay pasalampak akong naupo sa floor at nangalumbabang humarap dito na muling ikinakunot ng noo nito.
“I said pwede ka ng umalis.” muling sabi nito na masama pa rin ang pagkakatingin sa akin.
“Dito lang ako. Inform mo lang ako pag ready ka ng magkwento.” sagot ko naman at umayos ng pagkakaupo.
Alam ko namang wala rin itong magagawa kahit anong pilit nitong paalisin ako. May isang bagay kasi akong nadiscover kay Hiro. It’s you can have his attention if you’re going to be persistent. And that’s what I’m doing right now. May katigasan ang ulo ni Hiro at totoong napakasungit talaga nito but deep inside I know he’s a soft hearted person. And I do understand why he keeps being distant.
Matagal itong hindi nagsasalita habang ako ay nakatitig lang dito. Pero ilang sandali pa ay muli ako nitong binalingan.
“Paano mo nalamang nandito ako?” tanong nito.
Napangiti naman ako. “oh, ready ka ng magkwento?” excited na tanong ko at mas nilawakan pa ang pagkakangiti. Sabi ko naman eh, hindi kami mapapanisan ng laway dito.
YOU ARE READING
Walking In The Wind
Ficção GeralWe have some good times didn't we? We have some good tricks up our sleeve Goodbyes are bitter sweet But it's not the end, I'll see your face again... You will find me Yeah you will find me In places that we've never been The reasons we don't under...