Entry 16: Ano raw?

6 0 0
                                    

Katherine Menchie Briones

Two weeks passed. Natapos na ang OJT ko, pero nandito pa rin si Hiro sa hospital. But unlike his past hospitalization, ay hindi ito tumatakas kahit na nga ito na ang pinaka mahabang panahon na nagstay ito dito sa hospital ayon kay Tyro. Ayon kay Doc Lopez ay baka sa susunod na lingo pa ito pwedeng lumabas dahil kailangan pa nito ng multiple test to ensure na hindi na ito basta-bastang magco collapse.

Siguro ay isa na rin sa dahilan kaya hindi ito tumatakas ay dahil palagi kaming nandito sa room nito. Nawawalay lang ito sa paningin namin kapag nandito ang ate Aileen nito. Hanggang ngayon kasi ay ayaw niyon na may bumibisita kay Hiro. May allowed naman, si Tyro nga lang.

And speaking of Tyro, today’s his birthday. Nandito kaming lahat sa hospital room ni Hiro maliban kay Tyro. Nagsimba ito kasama ng pamilya nito dahil nga daw birthday nito. Pero hindi na daw ito maghahanda dahil nandito pa raw sa hospital si Hiro.

And right now we’re talking about Hiro’s birthday surprise for him. Yes, tuloy iyon. Actually, kahapon pa namin na prepare yong venue. Sa rooftop ng Point 88 Street, ayon na rin sa kagustuhan ni Hiro. Matagal naming pinagdebatehan ang venue na iyon dahil nga tutol si Stienn. Ayaw nitong lumabas ng hospital si Hiro at sa garden na lang daw nitong hospital namin gawin iyong party. Pero sa bandang huli ay napapayag rin ito ni Hiro because he said that this surprise is the least he can do for his cousin.

At ngayon nga ay pinagpaplanuhan namin kung paano namin maitatakas si Hiro dito sa hospital at paano namin madadala si Tyro sa rooftop ng bar na hindi ito naghihinala. Kanina pa nga kami nahihirapang mag isip ng paraan dahil nga simula ng maospital si Hiro ay laging dito natutulog si Tyro pag gabi. At gabi lang namin pwedeng gawin yong party dahil pag umaga ay laging dumadalaw ang ate Aileen ni Hiro. And knowing her sister ay mas mahirap makatakas doon.

“Paano kung ipakidnap na lang natin si Tyro kila Allan tapos sila na ang magdadala sa kanya sa rooftop.” suggestion ni Stienn na ikinataas ng kilay ko. Ayan, ang hilig kasing manuod ng mga action movie kaya kung anu-ano na ang naiisip.

“Black belter iyon. Sa tingin mo makakaya siya nila Allan?” si Hiro.

“Ang weird mo.” anaman ni Maggi.

“Wag kayong magalit. Suggestion lang.” defensive naman na anito.

“Kanina pa walang kwenta yang mga suggestion mo Mr. Chua. Anong oras na, maya-maya ay narito na yon wala pa rin tayong plano.” sabi pa ni Maggi. “Tsk fine. Aayain ko na lang ng date dahil birthday nya naman. How ‘bout that?”

Sa sinabi nito ay napatango-tango ako. Bakit kanina pa walang nakaisip non? Oo nga pala, si Maggi lang ang pwedeng pangtapat kay Tyro. Wala pa yatang ginusto si Maggi na hindi sinunod ni Tyro.

“Ay date? Kayo na? Ba’t ngayon ko lang nalaman? Ouch ang sakit. Busted ako!”ani Stienn sabay hawak sa dibdib at kunwari’y nasasaktan.

Napamake face naman si Maggi. “Siraulo. Pareho kayo ng utak ni Tyro no? Tagilid.” resbak ni Maggi ‘saka inirapan si Stienn.

“I think that’s the better idea Mags.” singit ko na at ng matigil na sila sa pagbabangayan. Alas sais na ng hapon at malamang ilang sandali lang ay nandito na si Tyro.

“It’s settled then.” ani Hiro.

“Ako na ang sasama kay Hiro papuntang bar. You can go now Mags, baka mamaya papunta na dito si Tyro.” I said.

“Okay then. I’ll go ahead. See you later guys.” pagpapaalam ni Maggi at derecho ng tinungo ang pintuan palabas ng silid.

“Teka!” sigaw ni Stienn. “What am I supposed to do? Anong task ko?”

Walking In The WindWhere stories live. Discover now