Entry 10: Sudden

13 0 0
                                    

Katherine Menchie Briones

Nakapangalumbaba ako habang titig na titig sa text bar na nawawala-wala sa screen ng laptop ko. Tinatype ko ang To-do list ni Hiro at kanina pa ako stuck sa number nine. Dahil dalawang oras na ang lumipas ay hindi ko pa rin maisip kung ano ba ang isusulat ko sa number ten nito. Napakahirap naman kasing magdecide ng isang bagay na hindi ko naman sure kung magugustuhan ba nito.

Maraming mga posibleng bagay na pumapasok sa utak ko pero hindi ko naman alam kung makakapag pasaya ba iyon dito. Iniisip ko na ngang tawagan si Stienn o kaya naman si Tyro para tanungin ang mga ito kung ano ba yong mga gusto ni Hiro. Kaya lang naisip ko naman na mag uusisa ang mga ito ng kung anu-ano kaya inalis ko na sa utak ko ang ideyang yon.

Naisip ko rin na magpatulong kay Maggi kaso baka tulog na ang isang yon. Hating gabi na kasi. Nakakahiya naman kung iistorbuhin ko pa ito.

Bumuntong hininga ako at nag stretch ng konti pagkatapos ay humawak na naman sa keyboard. I have this thing in mind but I doubt kung gagawin ba ni Hiro ang bagay na iyon. But I have the feeling na magpapasaya talaga dito ang bagay na iyon.

Muli akong bumuntong hininga. At kahit na may pag aalinlangan ay tinipa ko na sa keyboard ang kanina pang nasa isip ko…

10. Play again for musical show.

Feeling ko talaga ay isa iyon sa magpapasaya kay Hiro base na rin sa mga naikwento sa akin ni Tyro. Hindi ko lang talaga alam kung ano ang naghoholdback dito na gawin iyon.

Kung ano man iyon, I will try my best na matulungan ito na muling magperform sa isang musical show.
Muli kong chineck ang To-do list nito. And when I was about to send it to him through email ay may ideyang pumasok sa utak ko. Muli akong tumipa sa keyboard.

11. Fall inlove.

Napangiti ako sa naisip kong iyon. Hindi ko alam kung gagawin ba nito ang bagay na iyon pero mas maganda kung gagawin nito.

Ng masiguro kong ayos na ay sinend ko na iyon dito. Pagkatapos ay inoff ko na ang laptop at pabagsak na humiga sa kama.

Hays! So much for today.

                                ***

Hiro Martin

Kanina pa ako titig na titig sa screen ng laptop ko at nakakunot noo. Pinakatitigan ko ang To-do list na kanina pa sinend sa akin ni Kachi.

Hindi ko alam kung sure ba ako na gagawin ko nga ang mga nakasulat doon. Noong pumayag ako sa gusto nito na gumawa ako ng listahan ng mga bagay na makakapagpasaya sa akin, I was certain. Pero ngayon na muli kong binabasa ang mga nakasulat doon, hindi ko alam kung sasaya nga ba ako kapag ginawa ko ang mga iyon.

At ang dahilan kaya nakakunot ang noo ko ay dahil sa pang number 11 na nakasulat doon.

11.Fall inlove.

Hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa utak ni Kachi ng isulat nito iyon. Sa lahat ng nakasulat doon ay itong pang number 11 ang pinaka imposibleng mangyari.

Imposible dahil kahit sa panaginip hindi ko nakikita ang sarili ko na gawin ang bagay na iyon. And one thing is, I only have one goal. That’s to make everyone accept the fact that I’ll be gone.

I took a deep breathe, pagkatapos ay sinara ko ang laptop ko at tumayo ako at kinuha ang jacket at susi ng kotse ko. Lumabas ako ng silid ko. 10:00 na ng gabi kaya sigurado akong tulog na lahat ng tao dito sa bahay at kung aalis man ako ay si manong guard lang ang makakaalam.

Lumabas nga ako ng bahay and drove my car. I know bawal akong magpuyat. Paulit-ulit iyong sinasabi sa akin ni ate Aileen. But what’s the point? Magpuyat man ako o hindi ay mamamatay pa rin ako. At isa pa,mag stay man ako sa bahay ay hindi pa rin ako makakatulog. At sa mga panahong to, I know kung kanino dapat ako pumunta…

Walking In The WindWhere stories live. Discover now