I pressed the cancel icon again for like a hundred times! Pang-ilang tawag na niya iyon sa linggong ito. I successfully avoided and ignored him. It was an Isaiah-free week. Less stress, less complications. I believe titigil din siya, mapapagod, magsasawa. Ganoon naman di ba?
Hindi ko na mabilang kung ilang beses siyang tumatawag sa isang araw. Minsan nga hinahayaan ko na lang ma-dead batt yong phone ko para hindi ako makulitan. I haven't confronted him yet about what he did the last time we slept together.
I don't know kung paano niya akong nalagyan ng kiss mark sa leeg without me waking up! May lahi ba siyang ninja? Aswang? Bampira? What? Either way, I'm pissed! Bahala siya sa buhay niya! Mangi-Sai sana siya!
He's always waiting for my class dismissal outside the campus. I remembered he took a photo of my schedule when he was inside my room. Kinalkal niya yong gamit ko sa bag. Ang galing talaga ng diskarte ng lalaking iyon.
Pero mas magaling ako. I can always ask Cleofe, Jem, Sha and even Dionne, kahit sino sa kanila para makisabay. Tapos bumababa na lang ako sa may kalyeng patungo sa apartment ko.
"Sino bang tinitignan mo at mukha kang giraffe diyan?" curious na tanong ni Jem. Sa kanya ako nakisabay ngayon. May library works pa kasi yong tatlo. Grabe, maaaral mga friends ko dito. Ibang-iba sa circle of friends ko sa Cebu. Nakakapanibago. After a month with them, feeling ko ang brainy ko na din! Kakabahan na ba ako?
"Wala," sagot ko, nakahinga nang maluwag nang hindi ko makita ang sasakyan niya. I leaned back on my seat. Katabi ko si Jem na tila sinusulyapan din ang kalsada sa labas.
Tinignan niya ako nang matagal pero hindi nagbago ang facial expression niya. "Umamin ka nga... May tinataguan ka no?" panghuhuli niya.
"Sa ganda kong ito?" pambabara ko.
"Lagi kang nakikisakay. Parang may tinitignan pagkalampas ng gate. Tapos-"
"Wala nga!" giit ko.
"May pinagkakautangan ka ba?" nagdududang tanong niya. Natawa ako.
"Sa ganda kong ito?" ulit ko sa rason ko kanina.
"Kapag maganda di puwedeng magkautang?" balik-tanong niya with her usual poker face.
"Laging libre, ganon." simpleng sagot ko.
"Buti na lang di ka kagandahan." Panlalait niya sa tonong tila pinipigil matawa kasabay ng paghugot niya sa isang piraso ng papel sa bulsa ng bag niya at iniabot sa akin "Here!'
"Ano to?" kunot-noo kong tanong nang tanggapin iyon bago binuklat at binasa kung anong nakasulat doon. Laglag ang panga ko nang balikan siya ng tingin.
"Seryoso ka dito?" di-makapaniwalang tanong ko. Putek! Nilakad ko na sana!
"May 20% discount na iyan, since student ka naman. Plus 5% discount kasi ka-org kita."
"How about a friend's discount?" hirit ko at tinitignan pa rin yong stoic facial expression niyang hindi talaga nagbabago. Magbiro man siya or manakot, ganoon pa din! She's unbelievable. Tapos, maniningil pa ng mileage. Ano 'yon?

BINABASA MO ANG
Conquering Love over Lust
General FictionMETANOIA SERIES 4 (COMPLETED) "When I'm ready to trust and gamble again. I'll definitely choose you."" -Ivana I am Ivana Mayumi Samonte. Just playin', seeking fun. Until I met Him. Until He proved me that Love conquers all. And that includes lust. D...