"Aga-aga, init ng ulo teh."
"Tantanan mo ako." Napairap ako sa pang-iinis ni Dionne. Ginising nila ako para lang sa early jog na ito. I am never the body-concious type. Di naman ako yong tataba na agad kapag napadami ng kain. Di din ako yong tipong papayat na kapag nag-skip ng meals. Saks lang. Wala masyadong effort. Natural lang.
Mamayang alas-nuebe pa ang klase ko. At sila mamayang 10 pa. My gulay! It's only 5 in the morning! Dapat naghihilik pa ako sa kama ko.
"Biruin mo na ang lasing wag lang ang babaeng may gising pero kulang sa ka-fling." Mala-makata niyang pagpaparining. "Either kulang sa tulog. O kulang sa dilig. What do you think, Jem?" Aniya na idinamay pa si Jem na nagsisimula nang mag-stretching.
"The latter one."
It's too early but she's already on her usual make up. I haven't seen her bare face. Kaya hindi ko alam kung talagang maganda siya o nadadaan lang sa magic ng make up. Hindi na ako magtataka kung pati sa pagtulog, ganyan pa din siya. I got curious but I never asked.
I know she has her reasons. She was never the type who easily opens up. Ayos lang naman sa akin. I don't have issues with her. Basta wag lang siyang araw-araw naniningil. Nagtutunog-teacher ko siya noong Grade 8 ako na umagang-umaga ay naniningil na ng mga pautang niya ng Avon products tapos dismissal na, wala ng klase.
"Or both." Sabad naman ni Cleofe na busy sa pag-i-sketch ng mga designs sa sketchpad na hawak. Maliwanag naman dahil tumapat siya sa ilalalim ng lamp post. Nasa BCA Obstacle Course kami ngayon. It was just a few meters away from the college building. May mangilan-ngilang naroon na tumatakbo din. Ang iba ay nagtetraining. They are Brethrens too just like us.
She's not wearing a jogging outfit so I guess, she's not joining us to run. She's making a new collection items para sa Fashion Summit ng boutique niya. She really put efforts when achieving her goals.
"Ka-stress yong maarteng prof sa Design. Ang sungit pa. Ewan. Mukhang mainit ang dugo sa akin." pag-oopen up ko. Third year na kami. After ng semester na ito, magfo-fourth year na. Lapit nang matapos ang paghihirap ko! Pwede nang lumandi sa wakas! Malapit na akong maging ready.
"Mabait naman siya sa akin." Komento ni Cleofe nang hindi nilulubayan ng tingin ang ginagawa. Naki-stretching na din ako kahit na wala pa ako sa mood.
"Favoritism." I said. Lahat naman ng prof namin ay gusto siya. Yong iba nga nagkakagusto pa sa kanya. Kiber lang siya. Not affected at all.
Napalingon kami sa kabilang direksiyon nang makita si Shaza na tumatakbo palapit sa amin. May mga dala-dalang- foods! Of course. I look for a coffee when she arrives pero nada!
I want my coffee! Kape na lang nagpapakilig sa akin nitong mga nakalipas na tatlong linggo. Mas lalo akong nanlumo nang walang makita.
"Kailangan ko ng kape-"
"Baka dilig?"
BINABASA MO ANG
Conquering Love over Lust
Fiksi UmumMETANOIA SERIES 4 (COMPLETED) "When I'm ready to trust and gamble again. I'll definitely choose you."" -Ivana I am Ivana Mayumi Samonte. Just playin', seeking fun. Until I met Him. Until He proved me that Love conquers all. And that includes lust. D...