Kabanata 12

107 15 134
                                    

"Pahiram ako ng notes."


"Di ka nag-take notes sa discussion?"


"Manghihiram ba ako kung oo?" sarkastikong balik tanong ko kay Dee.


"At least ask with sincerity."


"Pahiram ako ng notes, WITH SINCERITY." 

"Mukha mo. Wala man lang please." pagmamatigas niya. Nasa food court kami ngayon. Katatapos lang ng lecture ni Prof. Aguirre sa Business Ethics namin.

"Uy! Naka-chat ko si Sef kagabi, nangangamusta-"

"Anong sinabi niya?!" tanong niya agad. See? Marupok award goes to Dionne Jacinto. With slow clap. Patay na patay pa din sa ex.

"Notes..." inilahad ko ang palad sa harap niya. Inirapan niya ako bago inilagay doon yong kikay niyang kulay golden na binder. In the business world, you don't get something for free, learn to use all the possible resources. Yan ang natandaan kong bilin ng prof namin sa Resource Management. 

And for almost one semester na magkakasama kami, I knew their weaknesses already. Except kay Jem na di kayang i-infiltrate ng Intel ko. Sobrang malihim at maingat. At kay Cleofe na kahit caught in act na, hindi pa rin aamin. Taas ng pride, di ko reach. Si Dionne at Shaza lang talaga ang kaya ng powers ko. Madaling utuin, madaling takutin. Pero madalas naman, dama kong pinagbibigyan lang talaga nila ako.

Hinintay niya ang sasabihin ko. Dahil nga hindi siya makamove on sa ex niya. Panay stalk ang ginagawa kapag may free time. And dami ko na tuloy nasagap na chika. But I never told her the part that his ex has still something for him. Pwede naman kasing magbago iyon. They are million miles away from each other. Saka wala akong balak magpaka-kupido. Wala akong swerte sa pag-ibig.

"He said he's okay."

"Tapos?"

"Tapos!"

"Yon lang?" dismayado niyang tanong.

"OK. Two letters. Ang tipid magchat. Baka may pinag-iipunan." paliwanag ko.

"Walang kuwentang info." pasaring niya na tila nagsisising pinahiram yong notes niya. Naitago ko na sa loob ng bag ko kaya hindi na niya mababawi.

"Oh, eh di ikaw na magchat." I suggested.

"Anong sasabihin ko?"

"I missed you? I still love you? Come back?" Tinignan niya ako nang masama. Kaya minabuti ko nang tumayo para kunin ang order naming pagkain nang tawagin ng counter yong number namin sa pila. Break time kaya mahaba ang pila kanina.

"Wow! Fries! Penge!" Shaza exclaimed. Bigla na lang siyang sumulpot from nowhere nang mailapag ko ang tray sa mesa. Ang nyerpek ng timing! Nakiupo na din siya sa bakanteng mesa sa tabi ni Dionne.

"Sa'n yong dalawa?" tanong ko. Si Dionne ang sumagot. Puno na yong bibig ni Sha eh.

"Si Jem, nag-excuse nang maaga. She said something about check-up."

"At si Cleofe?"

"Thaash. Ghazshevoo." saad ni Sha na puno pa ang bibig. Ang gross talaga nitong kumain. Pagkatapos ay sumipsip sa fruit tea ko. I crossed my hands in front.

"Ang eww. Laway mo." sita ko sa kanya na pinunasan pa ang straw na ininuman niya.

"Nagtotoothbrush naman ako, ah." parang bata niyang saad, nagpout pa siya. Okay. She's a bit cute, the chubby type na ang sarap pisilin ang pisngi. Sarap panggigilan.

Conquering Love over LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon