Kabanata 16

99 14 135
                                    

"Ano na?" I checked my phone for the ninth time. Panay ang chat sa akin ni Dionne kung anong update sa paghahanap ko ng substitute model. 


"Wait." I replied. Kulang na lang pasabugin na niya yong chatbox kakatanong ng balita. Ayaw talagang bumagsak, eh. Pati si Lois nangangamusta din sa GC.


Napatingin ako sa wall clock. It was already 8:00 PM. Ibinalik ko ang tingi sa inuming inilapag ni Angel kanina. Tinanggihan ko naman dahil baka ibawas na naman sa sahod ko. May matitira pa kaya? Baka sa halip na kumita ako ay magkautang pa ako dito. 


Ipinagmamalaki ko pa naman to kay Giovanni tapos malalaman niya baon na ako sa utang. Pero ang sabi naman niya sagot daw iyon ng shop. Kaya tinanggap ko na. Sayang naman.


Napabuntong-hininga ako. Kanina pa ako aligaga kung icha-chat ko si Sai o hindi. Pero may choice ba ako para mag-inarte? Wala. Wala na din akong gagawin. Kanina ko pa pintay yong desktop. Ayaw din naman ni Mitch na makialam ako sa counter. So. I started typing my speech.


Pero nagbura ako ng ilang beses, not really sure what to say. Kagat-labi at pikit-mata akong sinend ang text message kay Sai. Nanatili akong nakasandal sa likod ng sofa. Nakaangat din ang mga paa ko at nakapatong sa kabilang bahagi ng sofa.


"Sai..."


I counted up to thirty but I got no response. I checked if he's online. At online nga! His latest post was two minutes ago. So I am sure na nabasa niya yong text message ko. Tapos hindi man lang nagreply? I decided to chat with him.


"Hey!..." 


No reply. I sent him another one.


"Uy..." Wala pa ding reply. Hindi rin siya nag-seen.


"Knock-knock!" Naisip kong kulitin siya gaya ng kung paano siya mangulit kapag sinasadya kong hindi mareply.


Dahil wala siyang response, ako na din sumagot ng knock-knock ko.


"Who's there?" Nagpatuloy lang ako sa pagtipa hanggang sa mag-seen siya.


"Sai..." sagot ko sa sariling tanong. Ang epic pa lang replayan yong sarili mong chat. Ngayon ko lang napagtanto.


"Sai who?" reply ko ulit. Para na akong tanga. Pero sige, alang-alang sa mga kagrupo ko. Alang-alang sa grades. Lunukin ko na lang muna tong kahihiyan na to.


"Sabi nila ang daming guwapo sa BCA. Ang dami nga!" I replied again. I saw the sign that he's typing something. Napatakip ako ng bibig. Pinipigil ngumiti!


"Sa'n yong Sai dyan?" He responded. May kasama pang masungit na emoji. Gusto kong tumawa. Sinadya ko naman talagang walang Sai doon para magreply siya.


"Nasa isip ko na..." I even put heart emoji. Napafacepalm ako pagkasend non. Buset! This is not me. Mas sanay akong ako yong sinusuyo. I've never done this kind of kabaduyan before. Okay na sa mga guys yong kindat at ngiti. Di naman ako highschool.

Conquering Love over LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon