Kabanata 10

112 15 122
                                    

(Warning: There are languages that might be sensitive to minors and innocents. Read at your own risk.)


I stayed for about 2 minutes in the bed, remembering the strange room around me, when I woke up. Kinusot ko pa ang aking mga mata at naupo sa kama. Nahulog ang puting kumot hanggang sa baywang ko. Dama ko ang may kalakasang hangin na nagmumula sa bintana at malayang inililipad ang puting kurtina. Tanaw ko mula roon ang puting buhangin sa dalampasigan at mangasul-ngasul na tubig-dagat.


Hanggang sa mag-flashback lahat ng kaganapan kahapon at akagabi. I look at the empty space and pillow beside me. Walang bakas o anino man ni Sai. Hindi man lang niya ako ginising pagkatapos niya akong pagurin kagabi. Wala talaga siyang utang na loob. Puro muscle lang 'yon, kulang sa puso.


Hindi pa gaanong sumisikat ang araw. Alas-sais pa lang nang tignan ko sa screen ng phone ko. I replied to Giovanni's messages bago ako dumiretso sa CR para magpalit ng damit. Nagshower ako at nag-ayos. I choose to wear the high-waisted white shorts and a white bikini top. 


Lumabas ako ng cottage with the straw mini-bag he bought as well. Iginala ko ang paningin sa ilang mga nipa hut na nasa malapit. May mga establishments na nagtitinda ng pagkain at souvenirs.


Pumunta ako sa ikatlong nipa hut which is offering meals for tourists like me. I ordered coffee dahil wala pa akong ganang kumain. Coffee makes my day. Ayos na ako dito. Later na lang siguro kapag nagutom ako sa pamamasyal. Mukhang maraming magandang pwedeng pasyalan dito. Instagrammable ang mga views and sceneries. Makapagpalit nga ng DP.


I took my coffee in a paper cup at lumapit sa mga nagtatayugang puno ng mga niyog di-kalayuan sa dalampasigan. May mga bakanteng makukulay na duyan doon na nakasabit sa mga puno. Chill muna ako dito habang inuubos ang kape before I'll go for a dip.


What a nice morning to start the day! A beautiful white sand beach with crystal-clear water plus coffee. Nyerpek!


I am slowly sipping my hot coffee while observing my surroundings and the people when I spotted a hot guy in black trunks. Umangat siya mula sa dagat at nag-brush up ng buhok  gamit ang dalawang kamay. Nakatalikod siya sa direksiyon ko kaya tuloy kitang-kita ko yong well-toned muscles niya sa likod. 


Yum... I smirk at an evil thought that crossed my mind.. Nakakabusog talaga ng mata ang magpunta sa beach. I suddenly missed Cebu. Halos hobby ng circle of friends ko ang maglagi at mamasyal sa mga beaches. Kaya I learned to love the Langub Beach in Malapascua Island and the Pescador Island in Moalboal. If I have something na gusto kong balikan doon, those are the islands with azure waters and the white-sand beaches with torquoise waters.


"Hmm. Not bad. Pwede na." mahinang komento ko. Humigop ako ng kape. 


"I am more delectable, promise," anas ng malalim na tinig na Sai mula sa likuran ko. Halos naibuga ko ang kape sa harapan sa sobrang gulat.


"Kape pa nga." pang-aasar niya nang makabawi ako. Tumabi pa siya sa akin at halos magkadikit na kami sa upuan. Kulang na lang ay kalungin niya ako.


"Do'n ka nga sa kabila. May bakante pa-"


"What for?"

Conquering Love over LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon