Kabanata 21

98 16 119
                                    

"Who's up for an overnight?" Tanong ni Shaza.


"Me!" saad agad ni Dionne bago ako tinignan. Kulang na lang ay sabihan akong "mag-yes ka din".


"Pass." Sagot ko kaya inignan niya ako nang masama. 


"May ibang ka-overnight. Friends over flings, di ba?." Parinig pa niya.


"I don't have flings." tanggi ko. Wala naman talaga.


"Boyfriend, then?" panghuhuli niya.


"Or a suitor." pangchi-chika din ni Shaza na taas-baba ang dalawang kilay. "Anong feeling na maligawan?"


"Ligaw? Alas-dose ng gabi? Humor me." Sarkastikong saad ni Dionne.


"Ganoon kasigasig." pagtatanggol naman ni Shaza.


"I don't have one." Napailing ako sa tanong ni Dionne.


"Eh sino yong bumubukol last last night?" tila-batang paalala ni Shaza. Napamasahe ako sa sentido. Biglang sumakit yong ulo ko nang ipaalala niya ang gabing iyon.


"Just something..." balewala kong sagot.


"Saka sino yong nakakotseng sumundo sa'yo kahapon sa harap ng school?" intriga no Dionne. "Iba yon sa sundo mo noong isang linggo." Pagkukumpirma pa niya. The other one she's referring was Giovanni.


"Just someone." simpleng sagot ko. Wala silang makukuhang kahit ano mula sa akin. I don't intend to disclose any info about my personal life. Sekretong malupit.


We're at Shaza's house at the moment, hanging out just near their pool under a big umbrella while enjoying our fruit shakes. Sinundo ako ni Dionne kaninang alas-siyete sa apartment.  Aish! Ang aga tapos walang pasabi, inistorbo pa ang tulog ko. Wala sana akong balak sumama pero napakakulit. Mapilit. Halos hilahin nga niya ako pasakay ng kotse niya.


I still have to work later on. Then, Sai will fetch me around 9 PM.  Ang hirap namang maging in-demand, walang pahinga. Iba talaga kapag people's choice. Aish! Buti na lang talaga at magaling magluto si Nana Mercy. Kaya ibinawi ko na lang sa kain. She cooked my favorite tiramisu.


Ang bilis kong nakagaanan ng loob ang matanda dahil naaalala ko si Nanay Betty sa kanya. Nanay Betty was my grandparents' yaya kahit noong bata pa si Mama. Ngunit umuwi na siya sa probinsiya nila noong eight years old ako dahil na rin sa gusto na niyang mag-alaga ng mga apo niya. 


Ako lang halos ang umubos ng inilapag niya sa mesa kanina. Samantalang si Shaza ay binanatan ang Pistachio oat bars.


"Healthy living na Sha?" tanong pa nga ni Dionne nang makita ang kinakain nito.


"No."Tanggi niya. "Sayang kasi. Walang ibang kakain. Kaya uubusin ko na." paliwanag niya.


"Oh, eat some. Para naman magkalaman ka." Shaza offered Dionne but she refused. Kontento na daw siya sa fruit shake niya.

Conquering Love over LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon