"Sa dami ng upuan, tatabi ka talaga sa akin?" Tanong ko sa kanya nang maupo siya sa tabi ko. Siya yong babae sa BCA na iniwan ng jowa. Eh, maganda naman. Kawawa.
"Sa'yo 'to, 'te?" Panggagaya niya sa linya ko kaninang nasa labas kami.
Aba! Maldits din. Hindi ko alam kung bakit parang naiinis siya sa akin at tila nahahighblood siya. This is just the second time we met!
At sa pagkakaalam ko, wala akong atraso sa kanya. Inaano ko siya?
"What's wrong with you?" Di ko napigilang itanong. Pinagtaasan ko siya ng isang kilay. Pero tinaasan din niya ako ng dalawang kilay. Nyerpek! Di siya marunong. Gusto kong tumawa pero nahinto nang marinig ang sinabi niya.
"Ayoko sa hilatsa ng mukha mo." She honestly said.
"Ayoko din sa tabas ng dila mo." Bawi ko. We have something we don't like with each other.
"Lumayas ka nga dito. I'm here to relax. Ini-stress mo ako lalo." Pagtataboy niya sa akin.
Ang kapal ng feslak niya. Di naman pantay yong cheek tint niya. Di marunong. Tss!
"Mukha ka namang stress kahit wala ako dito." Pang-iinis ko pang lalo.
Sasagot na sana siya nang bigla akong may naalala. "Wait! May kinalaman ba ito sa ex mo?" Hula ko kahit alam ko namang oo ang sagot.
"Ano sa palagay mo?"
"Sa palagay ko, masarap yong jowa mo. I mean yong EX mo." Pinagdiinan ko talaga yong ex part para asarin siya. Halos magsalubong na ang mga kilay niya.
"What? Anong sabi mo?"
"Ah, mga Ma'am, drinks po. Pampalamig ng ulo." Singit ng barista bago inilapag ang dalawang baso ng cocktail drinks sa harapan namin.
"Nakakalasing ba 'to, kuya?" Tanong niya. Mukhang masama talaga ang loob at gustong magpakalasing. She's quite a beauty. Hindi nga lang lumaki yong boobs.
"Hindi po, ma'am." Magalang na sagot ng bartender.
"Bigyan mo 'ko ng mas matapang." Dinig kong request niya.
I think this is her first time in a bar. Based on her actions. But I'm amazed she knew a lot about alcoholic drinks and beverages.
"First time mo, girl?" Isinatinig ko ang hinala, nilangkapan ko pa iyon ng malanding pagtawa to add an insult. Wala, gusto ko lang siyang inisin. Alam niyo yon? Pagtritripan lang, ganon.
"Oh, ano ngayon? Happy ka na niyan?" Sarkastiko niyang pahayag.
"Yong mga kagaya mo yong madaling ma-scam. Kaya ka siguro iniwan." Parang batang pang-aasar ko sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/219118244-288-k911121.jpg)
BINABASA MO ANG
Conquering Love over Lust
Fiction généraleMETANOIA SERIES 4 (COMPLETED) "When I'm ready to trust and gamble again. I'll definitely choose you."" -Ivana I am Ivana Mayumi Samonte. Just playin', seeking fun. Until I met Him. Until He proved me that Love conquers all. And that includes lust. D...