CHAPTER 14
"Expulsion!?" hindi makapaniwalang sabi ko.
"Yes, I want that kid expelled," confident na sabi ni Mrs. Falcon.
"And, what reason do you have, to have him expelled?" taas kilay na tanong ko.
"His rudeness. I know my request would be granted. Kilala ko ang may-ari ng GMIA," nakangising sabi niya.
"And, sino naman sa kanila ang kilala mo?" taas kilay pading tanong ko.
"I personally know the owners, the Grandes," nakangisi pading sabi niya.
Nagkatinginan kami ni Gio pero hindi namin pinahalata na may alam kami. Pareho kaming walang emosyon buong magdamag.
"And, who among the Grandes do you personally know?" walang emosyong sabi ko.
"Well, kilala ko ang buong pamilya nila. Close nga kami ni Mariz Grande, eh. Yung asawa ng pinaka-head ng family," pagmamayabang niya pa.
You're lying. My mother's name is not Mariz. Ang layo ng 'Mariz' sa 'Savannah Amor'.
Nagkatinginan ulit kami ni Gio habang wala padin kaming pinapakitang emosyon.
"Well, then, send them my regards," sarkastikong sabi ko.
Bumaling ako sa principal.
"Madam Principal, we are just wasting time here. Why don't you ask these kids, they are witnesses on David Falcon's bullying scene and on how he rudely answered me," may diing sabi ko.
"Mr. Jake, Mr. Miko, and Mr. Sean, what did happen?" tanong ng principal sa tatlong bata.
Si Sean na ang sumagot. Tinignan ko naman ang pamilyang Falcon para panoorin ang reaksyon nila.
"Madam Principal, Mrs. Arellano and Giovaris are telling the truth po," panimula ni Sean. Agad na rumehistro ang pagkapahiya ni Mrs. Falcon.
"David threatened Giovaris a few days ago po. Sabi niya po kung hindi daw po siya papakopyahin ni Giovaris sa mga quiz, sasabihin niya daw po sa magulang niya na ipapa-expell niya daw po nila siya," pagpapatuloy niya pa. Sumang-ayon naman ang dalawa, sina Jake at Miko.
Natahimik ang pamilya ng Falcon. Tahimik na nakikinig si Mr. Falcon, bakas ang pagkapahiya sa mukha ni Mrs. Falcon, at si David naman at nakatungo lang.
"David also answered Mrs. Arellano rudely earlier po, when she came near us to stop him," sabi ulit ni Sean.
Tumingin ulit ako sa principal.
"I hope you give them the right consequences for their wrong actions, madam principal," sabi ko.
"I'm really sorry for this incident, Mrs. Arellano and Mr. Fernandez." Bumaling siya sa apat na nasa kabila. "Mr. David, Mr. Sean, Mr. Jake, Mr. Miko, please apologize to Mr. Fernandez," sabi naman niya sa apat.
Nag-sorry naman ang tatlo ng maayos, habang si David ay masama ang tinging nag-sorry.
"I hope your apologies are sincere since this will be Mr. Fernandez' last day in the campus," sabi ni Madam Principal.
Nakita kong napangisi si Mrs. Falcon.
"Why, madam principal? Will he be expelled?" nakangiting tanong niya sa principal.
"No, Mrs. Falcon. He is actually an exchange student from the main campus. It would be embarrassing if the heads there find out about this incident," pag-eexplain naman ni principal.
Nawala ang nakakalokong ngiti nito.
"I hope you will have a safe travel back home, Mr. Giovaris Alejandro Fernandez," sinserong sabi ng principal.
YOU ARE READING
Running Away From Downfall
Teen FictionAll Cassandra wanted was a father for her baby. She was wrong when she thought her boyfriend would take responsibility. Instead, he wanted the child gone. Cassandra left the Philippines and returned to her country. But she had to run away from her c...