CHAPTER 3
"Cassandra. Hi. Dito ka din mag-aaral?" tanong niya sakin.
"Yeah. I didn't expect to see you here, huh?" sabi ko naman.
"Oo nga eh." napatingin siya sa phone niya bago tumingin ulit sakin. "I'm sorry, but I have to go. I'll see you soon, then?"
"Yeah. Bye, Calvin." I said before waving my hand.
Lisa and I walked away. Pero siyempre, iba ang tingin ng katabi ko sakin. Yung bang tingin na nang-aasar.
"Ayie. Sino yun, ha?" nangaasar na sabi niya.
"What the heck, Lisa? Na-meet ko lang siya nung pumunta tayo ng park with Eli last time."
"Nilapitan ka? Bakit kaya?" nangaasar padin.
"Nahulog nga kasi yung cap ng milk bottle ni Eli nung buhat ko siya. Binigay niya lang sakin tas nagpalitan kami ng-"
"Number?!" putol niya sakin.
"Hindi, sira. Pangalan kasi. Pa-nga-lan." sabi ko. "Ang issue neto." bulong ko pa.
"Hoy! Narinig ko yon! Hindi ah!" angal niya naman kaagad.
"Okay. Sabi mo eh."
Nakarating kami kaagad sa SB. Bumili nalang kami at umuwi. Aba! Wala akong planong magtagal, noh? I really miss my Eli.
Pagkarating namin ng bahay, sinalubong agad kami ni Paula at pinapasok. Naabutan namin sa sala si Linda na buhat-buhat si Eli. Lumapit agad ako para kunin ang baby ko. Humagikgik siya pagkabuhat ko sakanya.
"Hi, baby. Did you have fun with Ate Paula and Ate Linda, today?" malambing na tanong ko, na sinagot niya ng hagikgik.
Pumanhik agad kami nila Lisa sa taas. Nagbihis ako bago ko bihisan si Eli. Nilaro ko siya sa kama bago patulugin. Pinanood ko lang siyang matulog ng tahimik. Then, I secured her on the bed before kissing her and going down to cook dinner.
-------------
Patapos na akong magluto nang marinig ko si Eli na umiyak. Katatapos lang din ni Paula na mag-ayos ng table kaya naman siya ang pinakiusapan ko.
"Paula, pakitapos naman nitong niluluto ko, titignan ko lang si Eli sa taas." sabi ko sa kanya bago umakyat sa taas.
"Hi baby. Let's go down na. It's time for dinner." sabi ko sakanya habang binubuhat siya at pinapatahan.
Nang tumahan siya, bumaba na kami. Naabutan namin si Lisa na kumakain. Hinila ko yung high chair ni Eli papunta sa tabi ko. Inupo ko siya dun at nagsimula na ding kumain. Sinusubuan ko siya paunti-unti.
Binigay ko si Eli kay Lisa bago umakyat at naglinis ng katawan. Lumabas ako ng balcony para tumingin sa langit saglit. Wala pa mang limang minuto na nakatunghay ako, narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko. Liningon ko si Lisa na hawak-hawak si Eli.
"Cass, matutulog na ako, eh." sabi nya, sabay abot kay Eli sakin.
Tinanguhan ko siya bago tahimik na kinuha si Eli. Kinandong ko siya ng paharap sakin habang sinusuportahan ko ang likod niya.
Eli, whatever happens, I hope you will be strong and kind when that time comes. Kung dumating man yung oras na malaman mo ang tungkol ama mo, I hope you will be able to handle it. Sana hindi ka magalit sa akin for what I did, yung paglayo ko sakanya. I hope you will understand, mommy. I love you so much, Eli. And I will protect you as much as I can.
Ngumiti ako habang nakatingin sakanya, ngumiti naman siya pabalik kaya nagpakita yung dimple niya sa kanan na pisngi.
How cute. Nakakagigil 'tong batang 'to.
YOU ARE READING
Running Away From Downfall
Teen FictionAll Cassandra wanted was a father for her baby. She was wrong when she thought her boyfriend would take responsibility. Instead, he wanted the child gone. Cassandra left the Philippines and returned to her country. But she had to run away from her c...