Chapter 4

20 3 0
                                    

CHAPTER 4

Adrian's POV

Kasalukuyan akong nakaupo sa harap ng desk ko. Nagche-check ako ng emails ng negosyo namin. Tahimik at payapa akong nagbabasa ng emails nang may isang email na kumuha ng atensyon ko.

Napatulala ako sa email sa gulat ko. Nakabawi din ako, maya-maya.

Ano kaya ang sasabihin nito? Ano kaya ang kailangan niya? Tanong ko sa sarili ko.

Pinindot ko ang message nito.

Kapag nabasa mo ito, mag-reply ka agad sa account na 'to. This is important. If you will not reply then wait for the written letter that will be handed to you by someone in your office.

I'll be giving you one week to reply. Exactly next week. Same day as today. We will wait 'til midnight.

This will be your second chance, Adrian. A second chance to see and meet your daughter. If you don't reply within one week, then that means you wasted that second chance.

-Cassandra

Damn. Ano 'to? Ano ang gustong sabihin ni Cassandra?

I was supposed to exit and ignore it nang pumasok sa opisina ko ang secretary ko.

"Sir, may nagpapabigay po dun sa labas." sabi niya sabay abot ng puting sobre sa akin.

Ito na ba yung written letter na sinasabi sa email?

Binuksan ko ang sobre at kinuha ang papel.

Adrian,

It has been years now. As I have stated in the email, this will be your second chance.

Masakit sakin yung nangyari almost 4 years ago. That was really hard. Luckily, nairaos ko. Walang nasira at nawala sa mga mayroon ako noon. Sa totoo lang, nadagdagan pa nga eh.

I was able to give birth to my daughter. She's beautiful, healthy, and happy. 

As I was saying, this is your second chance. What happened years ago, was your first but, you decided to hurt me and abandon us. That was really really painful. Then, here I am again, almost 4 years later, giving you a second chance. A second chance to meet her.

We will wait 'til midnight next week. And this time, kung mas pipiliin mong sayangin yung pagkakataon na 'to. Then, I'm sorry, but what you heard from me back then, will stand. Stay away from her.

-Cassandra Chua

Nakaramdam ako ng kaunting tuwa sa mga nalaman ko tungkol sa anak ko. Pero kahit na panglawang pagkakataon 'to at maaaring huli na, hindi ko parin kayang magpakaama sa batang 'yon.

Sa pangalawang pagkakataon, tatanggihan ko siya. Ang dahilan ko? Hindi ko siya kayang panindigan. Hindi ko kayang isakripisyo ang posisyon ko sa kumpanya. Hindi pa ako tapos sa mga pangarap ko. Hindi ko kayang isakripisyo ang matagal ko nang pinaghihirapan. Hindi din ako handang tanggapin ang galit na maaaring manggaling ko mula sa pinakamamahal kong pamilya, kung malaman nila ang tungkol sa pagkakaroon ko ng anak.

Dumaan ang mga araw na hindi ko pinansin ang mga sulat ni Cassandra.

Cassandra's POV

Lumipas ang panahon mula nang nagsimula si Calvin sa panliligaw sakin. Plano ko na rin siyang sagutin mamaya.

Napatunayan niya na ang sarili niya sakin at kay Eli. Nakikita ko rin namang mahal siya nung bata.

Running Away From DownfallWhere stories live. Discover now