Chapter 19

9 1 0
                                    

CHAPTER 19

Third person's POV

Nang makaalis sina Zav at Cassandra, nagkwentuhan na naman ang magpinsan.

"Talaga?" sabi ni Eli nang magkwento si Gio tungkol sa palasyo ng pamilya nila.

Kahit pa man palasyo ito, bahay lang ang sinasabi ni Gio. Sa edad niyang iyon, kaya niyang ikwento ang lahat ng walang bakas ng pagiging dugong Maharlika nila.

"Yes. But, I'm always alone. I don't have a sibling," malungkot na sabi ni Gio.

"How about cousins? None din?" tanong ni Eli.

Sandaling natahimik si Gio.

"I have a cousin. But she lives far away."

"Oh. Bakit hindi nalang sila umuwi dun para may kasama ka na?" si Eli.

"They can't. May inaasikaso kasi yung parents niya dun sa malayo, eh."

"Ah..." tatango tangong sabi ni Eli. "Let's play muna sa playground?" aya niya kay Gio.

"Let's go."

Naglaro silang dalawa sa slide. Sa gitna ng paglalaro, biglang inaya ni Gio si Eli na mag-swimming.

"Eli, Eli, let's go swimming? Baka mamaya pa dadating sina tito at tita," sabi ni Gio kay Eli.

"Tara. Where's your goggles?" si Eli.

"It's there." Tinuro niya ang kinauupuan nilang beach beds kanina.

Nag-unahan silang tumakbo sa beach beds. Nagpahinga sila saglit. Pero dahil sa ingay nila, nabulabog nila si Nicky na nakaupo sa beach bed na dalawang bed ang layo sakanila. Nagnonood ito sa hawak niyang phone.

Napatingin si Nicky sa dalawang bata na naglalakad palapit sa medyo malalim na pool. Bumaba naman ang tingin niya sa hawak na goggles ni Eli. Kapareho ito ng goggles niya na hindi niya alam, ay nahulog na pala sa sahig.

Tinignan niya ang pinagsabitan nyia ngunit wala ito. Agad niyang nilapag ang phone sa beach bed bago tumayo at lumapit sa babae na dalawang hakbang nalang ay nasa gilid na nung pool.

"Hey! That's mine!" sigaw niya dun sa babae.

Nalilitong lumingon sina Gio at Eli.

"What?" nagtatakang sabi ni Eli.

Tinuro ni Nicky ang goggles na hawak ni Eli.

"That's mine!" sigaw niya ulit.

Tinaas ni Eli ang goggles.

"Huh? These goggles?" si Eli.

"Yes! Sa akin yan!" sabi ulit ni Nicky.

"Sorry. But this goggles are mine," sabi ni Eli.

"Akin yan! You took that from my chair!"

"What? Kinuha ko to dun sa upuan ko. This is mine," si Eli.

"She's right, kid. She owns that goggles," sabi naman ni Gio

"Akin nga yan!" inis na sigaw ni Nicky.

Lumapit ito at sinubukang hilain ang goggles pero hawak padin ito ni Eli.

"Let go of it! Akin to!" inis na sigaw ulit ni Nicky.

Hindi ito pinakawalan ni Eli. Naiinis naman si Nicky dahil ayaw bitawan ni Eli ang goggles.

Dahil sa inis, malakas na tinulak ni Nicky si Eli patalikod. Nabitawan ni Eli yung goggles dahil sa lakas ng tulak ni Nicky. Napaatras siya at na-out balance. She fell into the pool with her back hitting the water hard.

Running Away From DownfallWhere stories live. Discover now