Chapter 16

8 1 0
                                    

CHAPTER 16

Zavie's POV

Late na ako nakauwi dahil tinapos ko ang mga kailangan kong tapusin bago kami magbakasyon nina Cass.

Pagod akong lumabas ng kotse. I entered our unlocked front door, and locked it immediately.

I took off my shoes and wore an inside slippers. Sandali muna akong umupo sa sofa at hinilig ang batok ko sa sandalan. Matapos ang ilang minuto, umakyat na ako.

Pagbukas ko ng kwarto namin, wala si Cassandra. Napagdesisyunan kong maligo at magbihis bago ko siya hanapin.

Nang matapos, agad akong lumabas ng kwarto para hanapin si Cass. Tinanaw ko ang veranda sa dulo ng hallway, ngunit wala siya dun.

Pumunta ako sa kwarto ni Eli, dahil baka dun ito nakatulog. Pagkabukas ko ng pinto, nakita ko ang anak ko na mahimbing na natutulog. My lips immediately formed a smile at the sight of her. Pumasok ako at nilapitan siya. Hinalikan ko siya sa noo bago ko inayos ang kumot niya at lumabas.

'Asan kaya siya?' tanong ko sa isip ko.

Inisa-isa ko din ang mga guest rooms. Sinimulan ko sa pinakamalayo na guestroom mula sa kwarto namin. Ngunit wala.

Nang nasa pinakamalapit na ako at pinakahuling kwarto, huminga muna ako bago ko ito buksan. Dahan-dahan ko itong binuksan hanggang sa tumambad sakin si Cassandra na may kayakap na bata. Mabilis niya akong nilingon at sinenyasan na tumahimik.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at humalik sa pisngi. Tinignan ko din ang batang nakayakap sakanya ngunit hindi ko ito makilala.

Sino ang batang 'to?

"Sino 'to, babe?" kuryosong pabulong na tanong ko.

"Mamaya na, Zav. Kakatulog palang niya. We'll talk later. Dyan ka muna sa couch," sabi niya sakin.

Tahimik naman akong sumunod habang pinapanood siyang haplusin ang buhok ng bata.

Napakatahimik ng gabi. Tahimik ko siyang pinapanood.

She's caressing the child like it's a beautiful and delicate vase. Ang sarap lang panoorin ng harap-harapan yung pagmamahal ng isang ina.

Napapangiti ko siyang pinanood hanggang sa makita ko siyang dahan-dahang humihiwalay dun sa bata. Napatayo ako at lumapit.

Inayos niya muna ang kumot nito bago ito halikan sa noo at tumango sakin, nag-aayang lumabas. Tahimik at dahan-dahan kaming lumabas ng kwarto.

Nang maisara niya ang pinto, nakangiti ko siyang niyakap.

"Oh, bakit?" nakangiting tanong niya.

"It just amazes me to watch a scene of motherly love," nakangiting sabi ko.

Mahina siyang humagikgik.

"Who's that kid, by the way, babe?" tanong ko.

"Gio," maikling sabi niya. Huh?

"Sino'ng Gio?" takang tanong ko.

"Giovaris Alejandro Lucian Fernandez Grande," mabagal na sabi niya. Napatahimik na ako, pangalan palang.

"He's Giovaris Alejandro Lucian Fernandez Grande?" gulat na tanong ko habang papasok kami sa kwarto namin.

"Uhuh."

"Yung pamangkin mo?" paninigurado ko.

"Yeah."

"What is he doing here, babe?"

Running Away From DownfallWhere stories live. Discover now