CHAPTER 20
Nakatulog din si Zav sa tabi ni Eli. Nakita kong naglalaro si Gio sa phone kaya hinayaan ko muna siya. Umupo muna ako sa table ng mini sala para i-review ang ilang papeles ng isa sa malls ng pamilya ko. Hindi ko na namalayan ang oras.
Natigil ako sa pagbabasa nang masinagan ako ng malagintong ilaw. Napatingin ako sa veranda ng kwarto namin. Nakita kong nakaupo si Gio sa isang wooden bench habang pinapanuod ang paglubog ng araw.
Nilingon ko muna ang dalawang mahimbing paring natutulog. Nang masiguro kong hindi sila magigising, nilapitan ko si Gio at umupo sa bench na kinauupuan niya.
"Beautiful, isn't it?" sabi ko habang nakatanaw sa araw.
"Yes po," maikling sagot niya.
Tahimik naming pinagmasdan ang isa sa mga magagandang tanawin na pinapakita ng kalikasan. Umihip ang malamig ngunit maaliwalas langhapin na hangin. Pinikit ko ang mata ko upang pakiramdaman ang lamig nito.
Nang imulat ko ang mata ko, dumapo ang tingin ko kay Gio. Tahimik lang ito habang tinatanaw parin ang dagat.
"How has life been in Chaiovia, Gio?" tanong ko.
"It's good, tita. I don't really know much about issues or things like that. They give me a different schedule that I have to follow." Napabuntong hininga siya.
Napatitig ako sakanya.
Kahit hindi niya sabihin sa akin, alam ko ang pinagdadaanan niya. Kung si Eli na nandito kasama namin, ay swimming at martial arts lang ang inaaral maliban sa pag-aaral ng mabuti, hindi ganun kay Gio.
Kailangan ni Gio na sumunod sa schedule na binigay sakanya. Kailangan niyang aralin ang history ng bansa namin. Kailangan niyang mag-aral ng iba't-ibang lenggwahe. Kailangan niyang mag-aral ng mabuti sa school. Kailangan niyang matuto ng martial arts, at kung paano ipagtanggol ang sarili niya.
Wala pa diyan ang mga royal duties niya. Hindi din yan ang kumpletong listahan ng kailangan niyang aralin.
At that early age in our family, you have to start learning about every knowledge and skill that you need to know as a royal.
"Gio..." hinawakan ko ang kamay niya, napatingin din siya sa akin. "I'm really sorry. I know it's unfair for you that Eli gets to have more freedom than you." Napatungo ako.
Naitikom niya ang bibig niya. Tinitigan niya lang ako. Naramdaman kong tumayo siya. Nagulat ako nang yakapin niya ako. Wala siyang sinabi pero ramdam ko ang pag-alo niya sa'kin sa yakap niya, na para bang sinasabi niyang 'It is okay'.
"Babe?" narinig ko ang boses ni Zavie sa likod namin. Bumitaw sa yakap si Gio.
"I'll go inside na po," aniya bago tumalikod.
Hinintay kong lumapit sakin si Zavie.
"Babe, should I take her back to Chaiovia? Should I tell her the truth about her identity now?" nag-aalangang tanong ko.
Yinakap niya ako mula sa likod, nakaharap sa langit na unti-unting nilalamon ng kadiliman.
"I don't really know, babe. Kahit nga ako hindi pa nakakarating sa Chaiovia. I also don't know how your royalty life works. And, it's up to if you decide to tell her now."
"Nakaka-guilty kasi Zav eh. Gio is in Chaiovia, doing all the things a royal should be doing, learning everything he has to learn. Isa pa, pakiramdam ko din hindi sapat yung mga pag-train ko kay Eli. There are many more things that she needs to learn than just martial arts trainings and being multilingual," mahinang sabi ko.
YOU ARE READING
Running Away From Downfall
Teen FictionAll Cassandra wanted was a father for her baby. She was wrong when she thought her boyfriend would take responsibility. Instead, he wanted the child gone. Cassandra left the Philippines and returned to her country. But she had to run away from her c...