CHAPTER 22
Cassandra's POV
Agad na nakatulog ang dalawa sa likod habang nasa byahe kami pabalik ng Pagudpud.
"Babe, you look so stressed. Are you really okay?" Pangatlong tanong na niya 'yan.
"Yes, I'm okay." Ngumiti ako.
"Ano ba kasi ang pinag-usapan niyo ni Adrian?"
I sighed.
"Gusto daw niyang malaman ang mga nangyari noon, pagkatapos ko siyang iwan sa clinic."
Natahimik siya.
"Hayaan mo na, Zav. Iidlip muna ako, ah?"
Sumandal ako, bago ko pinikit ang mga mata. Ilang sadali pa, nakatulog na ako.
-------------------
Ginising ako ni Zav pagkarating naming ng Nirvana. Binuhat niya ang dalawa sa magkabilang braso. Nakaalalay lang ako sakanya.
Nang makarating kami, maingat silang nilapag ni Zavie.
"Babe, huwag na natin silang gisingin. Ikaw na magpalit kay Gio. Here." Inabot ko sakanya ang pares ng pajamas.
Sabay naming silang pinalitan bago kami magkasunod na naligo. Umupo muna kami sa couch ng mini sala.
"Tomorrow is Gio's 7th birthday, babe," sabi ko pagkalabas ni Zavie ng bathroom.
"Oh? What do you want to do then?"
"I can't think of something. I know he likes watching and playing soccer though."
"Why don't we get him a soccer cake, bond with him, then let's just give him gifts when we get back home?" he suggested.
"That's a good idea. Ano naman kaya ang ireregalo ko?" Napaisip ako.
"Bola?"
"Babe, sa titulo ng batang yan, hindi malabong may koleksyon siya ng bola na may pirma ng iba't-ibang soccer players at soccer teams. I'm sure my brother already gave him a soccer ball collection even before he was born." I laughed.
"Come on. Hindi naman siguro siya mapili. Sobrang bait nga niyang bata eh."
"Right. I'll just go down, then. Magpapagawa ako ng cake. You sleep ahead," sabi ko.
"Samahan na kita," alok niya.
"No, matulog ka na. I can manage. Goodnight," malumanay kong sabi.
"You sure?" Tumango ako. "Goodnight, then."
Mabilis niyang hinalikan ang labi ko bago siya tumungo sa kama. Lumabas naman ako ng kwarto at nag-elevator pababa.
Tahimik akong naglakad papuntang restaurant. Agad akong lumapit sa front desk.
"Good evening, ma'am. How can I help you?" magiliw na tanong ng personnel na nakapwesto doon.
"Good evening. I just want to ask something. Can you make a custom-made cake?"
"Yes, ma'am. Kailan niyo po ba kailangan?"
"Tomorrow sana. Just a small cake. Kaya ba?"
"Uhm... wait lang po, tatawagan ko lang po yung nagba-bake ng cakes." Tinanguhan ko lang siya.
Ilang sandal pa, dumating ang isang lalaki na tingin ko ay yung baker na sinasabi ng personnel.
"Good evening, ma'am. I'm Jose," bati at pagpapakilala niya.
"Good evening, can you make a last-minute cake? Just a small birthday cake. Soccer ball design. All edible."
"Pwede naman po, ma'am. Mga hapon po bukas, tapos na po," nakangiting sabi niya. "Ano po bang pangalan at pang-ilang birthday po?"
"Andro. 7th birthday," tipid na sabi ko.
"Sige po, ma'am. Bukas po ng hapon."
"Thank you."
Binayaran ko muna ang cake bago ako lumabas ng restaurant. Habang naglalakad pabalik ng hotel, dumapo ang mata ko sa kakarating na kotse. Nakita ko sina Adrian na bumaba ng kotse. Saglit na nagtama ang mata namin bago ako nag-iwas ng tingin at naglakad pabalik.
------------------------
7 am.
Inunahan kong magising yung tatlo ngayon para gisingin ko ang mag-ama bago pa magising si Gio. I quickly washed up and changed into a beach dress before waking up Zav.
"Come on, babe. Wake up," mahinang panggising ko sakanya.
"Mmm," inaantok niya pang ungol.
"Gising na, Zav."
Unti-unti niyang minulat ang kanyang mga mata bago bumangon at dumiretso sa bathroom. Tahimik kong tinanaw ang dalawang batang natutulog bago ako lumapit kay Eli para ginisingin ko na din siya pero dahil madali palang magising si Gio, siya ang nagising.
"Hm?" Kinukusot niya ang mga mata niya.
"Well, good morning, handsome. Happy birthday," nakangiting bati ko sakanya.
"Good morning, tita. Thank you po."
Saktong lumabas si Zav mula sa bathroom. Nakabihis na din siya at nagpupunas nalang ng mukha.
"Happy Birthday, Gio," bati niya nang magtama ang paningin nila.
"Thank you po."
"Come on. Magbihis ka na din. We'll do everything you want today," sabat ko.
Tumango siya bago tumayo at naglakad patungo sa banyo. Pinanood ko lang siya. Nang makapasok na siya, nilingon ko si Eli at ginising. Medyo natagalan pa.
"Hey, Eli. Wake up." Tinatapik ko ang hita niya. "Come on, love. Wake up." I showered her face with kisses.
"Mom?" natatawang bulong niya habang kinukusot ang mga mata.
"Wake up, love. It's Andro's birthday."
Mabilis niya akong nilingon.
"It is?" she asked with wide eyes.
Tumango ako.
"Wake up. Greet him when he comes out from the bathroom. How's your back?"
"It's fine, mom. It doesn't hurt anymore."
Ilang sandali pa, lumabas si Gio. Eli entered the bathroom after she greeted Gio. Mabilis siyang nag-ayos kaya agad kaming nakababa para kumain ng breakfast.
----------------
Lumipas ang buo naming araw sa paglalaro sa may pampang. We played different physical games while enjoying the beach. We played kickball, frisbee, built sand castles, flew a kite. It was a fun day.
Eli and Gio's giggles were imprinted in my mind. Even Zavie was laughing with them, and I can say he really enjoyed playing with them.
Sinulit naming ang mga oras na magkakasama kami sa lugar na iyon. Nilibot naming ang mga tourist spots nila. We took just enough pictures for us to remember the moment we came here together.
Kitang-kita ko ang mga ngiti ng dalawa. It was so pure and innocent. Their lips just show pure and innocent happiness. Napangiti ako sa bagay na iyon.
Seeing them both reminded me of my adventures with my brother when we were still little kids. When we have free time, we'll be running around the palace gardens, being chased by our guards and nannies. And it made us really happy that even our parents couldn't get mad at us, instead they just laugh.
"Mommy, let's go!"
I giggled one more time at that memory before my daughter successfully pulled me.
YOU ARE READING
Running Away From Downfall
Fiksi RemajaAll Cassandra wanted was a father for her baby. She was wrong when she thought her boyfriend would take responsibility. Instead, he wanted the child gone. Cassandra left the Philippines and returned to her country. But she had to run away from her c...