Seb's POV
Nakarating na ako sa bahay nila Maegan
"bakit po?"
"kanina ko pa kinakatok si Maegan sa kwarto niya hindi siya sumasagot, hindi ko naman mahanap yung spare key. Nag-aalala na ko sa kaniya"
Agad-agad akong umakyat at buong pwersa kong tinulak ang pintuan ng kwarto ni Maegan, nabuksan ko naman ito. Napaka wasted ng itsura niya magang-maga yung mata niya. Iinom na sana siya ng mga gamot, buti na lang napigilan ko siya.
"Maegan, ano bang ginagawa mo?"
"anak, ano bang nangyayari sayo? Nag-aalala na ko sayo" sabi ng nanay ni Maegan habang umiiyak
"leave me alone"
"paano ka namin iiwanan kung ganyan ang ginagawa mo?" -ako
"i said LEAVE ME ALONE!"
"anak?!" lumapit na yung nanay ni Maegan sa kaniya at tsaka siya niyakap
"just leave me alone pls?! I wanna die" umiiyak na rin si Maegan
Nilayo ko muna si Tita Sophia (Maegan's mom) kay Maegan "ako na po munang bahala sa kaniya"
"take care of her" at tsaka na siya lumabas
"what are you thinking Maegan?"
"akala ko ba naiintindihan mo ako? Sobrang sakit Seb, dito oh" sabay turo niya sa dibdib niya habang patuloy sa pag-iyak
"alam kong nasasaktan ka, kahit ako nasasaktan pa rin sa paghihiwalay namin ni Emman, pero kahit kelan hindi magiging solusyon ang pag-iyak at ang pagpapakamatay"
"bakit hindi?! Kapag patay na ako hindi ko na..."
Niyakap ko na lang siya at pinutol ang mga sinasabi niya "wag na wag mo ng gagawin iyan, napaka tanga niya ng pinakawalan ka pa niya. Sige na magbihis ka na"
"huh?"
"sabi ko magbihis ka na o baka naman gusto mong ako pa magbihis sayo?"
Binato naman niya ako ng unan "bwisit ka talaga kahit kelan!" at tsaka siya ngumiti
"san ba tayo pupunta?"
"sa bar? We have to celebrate dahil wala ng parasite sa buhay mo"
Bigla naman nagbago yung expression ng mukha niya "don't call him parasite I still love him"
"fine!" sabi ko ng nakataas ang dalawang kamay na para bang sinasabi na suko na ako, lumabas na rin ako para makapag bihis na siya
*bar*
"ano ba kasing gagawin natin dito Sebstian?"
Okay tinawag na naman niya akong Sebastian. Ganyan ata talaga yan kapag nagagalit sa akin eh, nanay ko kasi bakit ba iyon pinangalan sakin? Tss
"baka mag sswimming?"
"osige goodluck sayo!"
Akma na sanang lalabas siya ng bar pero pinigilan ko siya "masyado ka naming hb eh, iinom tayo dito malamang"
"bakit?"
"kasi sa palagay ko it's better na uminom tayo para malimutan mo iyang sakit na nararamdaman mo kesa naman sinasaktan mo ang sarili mo ng pisikal. Oh" at tsaka ko siya inabutan ng inumin
Nakakarami na rin siya ng naiinom, mejo may tama na rin siya.
"isha *hik* pa"
"halika na iuuwi na kita, lasing ka na eh"
BINABASA MO ANG
Happily Ever After is just for Fairytale (ongoing)
Teen FictionPaano ko sasabihing mahal kita, eh kung ang nararamdaman ko sayo eh higit pa sa salitang mahal kita? -Sebastian Guttierez