chapter 6

63 5 0
                                    

Seb's POV

"ano bang problema Maegan, bakit hindi mo na naman ako kinakausap?"

"masyado lang akong busy Seb"

"alam kong hindi iyan yung dahilan, sabihin mo sa akin kung ano ang dahilan mo"

Umalis lang siya pero agad ko siyang pinigilan nakita kong tumutulo yung luha niya, kahit kelan talaga iyakin siya "Seb, wag mo ng gawing mahirap para sa akin to."

"huh? Hindi kita maintindihan"

"hindi mo talaga ako maiintindihan"

"ipaintindi mo kasi sa akin Maegan!"

Lumingon siya sa akin at pinunasan ang luha niya "ayos na kami ni Jaxon, ayoko ng nag-aaway kami. Kaya please lumayo ka na sa akin yun ang gusto ni Jaxon"

"hindi ko kayang gawin yun"

Ngumiti siya sa akin "I know you can, isa pa hindi na rin naman kita kailangan eh, kami na ulit ni Jaxon yun ang importante sa akin"

"wala ka bang ibang iniisip kundi si Jaxon lang? kung mahal ka niya talaga may tiwala siya sayo"

"wag mo na kung lapitan. Please"

Lumakad ulit siya palayo, patuloy lang ako sa pagsunod sa kaniya

"please Seb"

"gaano ka ba nakakasigurado na mahal ka talaga ni Jaxon?"

"mahal niya ako, nararamdaman ko iyon"

"okay Maegan, fine! Pero kapag iniwan ka niya ulit lagi mong tatandaan na nandito lang ako"

**

"Seb aalis na ulit ako, I'm sorry."

"it's okay maghihintay ako. Babalik ka naman diba?"

Umiling lang siya habang nakatungo, hinawakan ko ang dalawang pisngi niya at hinarap ang mukha niya sa akin "hindi na ako babalik Seb"

Tumulo na ang luha niya, bakit ba lagi niya akong iniiwan? Wala na nga si Maegan bakit pati siya aalis?

"bakit ka pa bumalik kung aalis ka din pala?'

Maglalakad na ako palayo ng yakapin niya ako mula sa likod

"bumalik lang talaga ako para magpaalam sayo, I'm getting married Seb"

"WHAT?!" inalis ko ang pagkakayakap niya sa akin "kung ikakasal ka na bakit bumalik ka dito at umarte na girlfriend ko pa rin? You're kidding right? Tell me." Hinawakan ko siya sa magkabilang braso at inalog alog

"I'm sorry"

Fvck! Bakit pa kasi siya nagpakita ulit eh. Okay na ako eh, nabuhay na ako ng wala siya then she came back at pinaramdam na naman sa akin kung gaano ako kaswerte because I have her then iiwan niya na naman ako? This is so stupid of her.

"akala ko ba nandito ka to make everything right? Pero paano mo gagawin yun kung aalis ka na naman?"

"I know this is the right thing, to say goodbye to you personally. I'm flying to London & I'm going to marry..."

"ma'am Emman aalis na po tayo, baka po kasi mahuli pa kayo sa flight niyo"

"I have to go Seb I'm really sorry"

Then she left me standing here alone outside our house, naglakad-lakad muna ako. Nagpakabait na naman ako ah, hindi na ako nag-iinom, hindi na ako naninigarilyo at hindi na rin ako nakikipag-away. Bakit kung kelan tumino ako at tsaka naman ako iniiwanan ng mga malalapit sa akin?

Happily Ever After is just for Fairytale (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon