3 days since the last time we talked, 3 days since the last time I went home.Wala din naman ang parents ko sa bahay, si Meg lang with the maids but I'm still checking her by asking the maids.
Lagi lang daw siya nakakulong sa kwarto, doon na rin siya kumakain but most of the time she's not eating.
I decided to go home now, It's 9 in the evening, I make sure na hindi ko muna makikita si Maegan, the last time we talked still hurts me. I'm the worst for her.
Naalipungatan ako at bumaba sa kusina para uminom ng tubig, pababa ako ng makasalubong ko si Maegan sa hagdan.
Pagewang-gewang siya sa paglalakad kaya inalalayan ko siya papasok sa kwarto niya. Tumingin siya sa akin at doon niya lang na realize na ako yung may hawak sa kaniya "ano ba?!" Inalis niya yung kamay ko sa balikat niya at lumayo sa akin.
"Are you drunk?!"
She smirk at me "ano bang pakelam mo?!" She say almost shouting
"Uminom kang mag-isa? Look at you, paano kung..."
"Oh shut up!" Duro niya sa akin
"Bakit ka ba naglasing?" Lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya pero agad siyang umatras palayo sa akin
"Ikaw naman nagturo nito diba?" Yung galit niyang boses kanina, biglang humina at unti-unti na naman tumulo ang luha niya. "Sabi mo, *sobs* mas mabuti pang magpakalasing ako kesa saktan ko yung sarili ko diba? *sobs* pero bakit ganoon?! Bakit hindi nababawasan yung sakit?"
Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya, pilit ko rin pinipigilan ang sarili ko, hindi tama na umiyak ako. Not on her face.
Ng maramdaman kong tumigil siya sa paghikbi ay hiniga ko na siya sa kama niya "trust me, this hurts me too."
**
Kumakain na ako ng breakfast ng bumaba si Meg from her room."Manang may gamot ba kayo diyan for hangover?"
Nakita niya akong nakaupo pero parang hindi niya lang ako nakita "kumain ka na rin" yaya ko sa kaniya
Good thing umupo naman siya sa harap ko para sabayan ako kumain. My phone rang at agad kong sinagot yun, it's from unregistered number.
"Hello?"
"This is Seah."
"Oh Seah, why?"
Tumayo bigla si Meg ng marinig niya ang pangalan ni Seah. "I'll call you later." Tumayo din ako at sinundan si Maegan.
Nakatayo lang siya sa terrace sa taas, parang ang lalim ng iniisip niya. Lumapit ako sa kaniya "tapos ka na bang kumain?"
Instead o f answering she asked "ganoon ba talaga ako kadali palitan? My first boyfriend cheated on me, Si Jaxon naman pagkatapos namin magbreak kinabukasan may girlfriend na. Tapos ikaw wala pang isang araw nung naghiwalay tayo may kapalit na agad ako?"
She is really hurt, I can see it in her eyes. She doesn't deserve any of these.
"Kung hindi lang sana kita kapatid..."
Umiling siya "alam ko naman na darating tayo sa ganito e. Pero sana hindi ka na lang nangako, mas nasaktan lang ako."
Ngumiti ako sa kaniya, a bitter one "doon ata ako magaling e. Sa hindi pagtupad ng pangako."
She step closer to me, tinititigan ko lang siya. I can still feel my heart beating fast. Kung kapatid ko siya bakit ganito yung nararamdaman ko?
"Yun na nga e. Masyado akong nagtiwala sayo, pero wala na sinira mo na ang tiwala ko sayo."
Dumating naman si papa at pumagitna sa amin "nakapag-usap na ba kayo?"
Lumakad lang palayo sa amin si Maegan. "What happened?" My father asked
"We broke up."
He pats my shoulder "I'm glad you do what's for the best." I just smile at him
If this is for the best why I am still hurting? Akala ko nahanda ko na ang sarili ko dito, pero iba pala talaga ang reality sa mga naiisip mo lang.
BINABASA MO ANG
Happily Ever After is just for Fairytale (ongoing)
Teen FictionPaano ko sasabihing mahal kita, eh kung ang nararamdaman ko sayo eh higit pa sa salitang mahal kita? -Sebastian Guttierez