Chapter 9

98 5 0
                                    

Maegan's POV

* ding dong *

"ui Vanessa bakit ka naligaw? Pasok ka"

"wala lang, teka sino siya?"

"ah si Seb bestfriend ko, uy Seb si Vanessa nga pala"

Tumingin lang siya kay Nessa at nagpatuloy na sa panonood, anong trip nito? Ang suplado lang ng peg eh. Umupo naman si Nessa sa tabi ni Seb

"wait lang ikukuha lang kita ng maiinom"

"ako nga kanina pa nandito hindi mo man lang inaalok ng inumin" -Seb

"hindi ka na kailangan alukin, kapal kaya ng mukha mo"

Pumunta na ako sa kusina sumunod namn sa akin si Nessa (an: si nessa ay hs friend ni Maegan)

"so siya pala yung napag-usapan natin dati."

"yes." Tipid kong sagot sa kaniya

Dumiretso na kami sa sala tapos umuwi na si Seb, ano kayang problema niya?

"magkakilala ba kayo ni Seb? Para kasing hindi siya komportable sayo eh"

"hindi, ngayon ko lang siya nakita"

Tumango na lang ako "ano nga ba pinunta mo dito?"

"wala, masama bang bisitahin kita?"

"yung may sakit lang ang binibisita no"

"so si Seb lang ang pwedeng bumisita sayo ganun?"

"drama mo ha, lagi iyon nandito. Kulang na nga lang dito na tumira eh"

"type ka nun sis"

"type ka diyan, we're bestfriends kaya lagi siyang nandito.Imposible na may gusto siya sa akin"

"imposible ka diyan, madami na kayang mag-bestfriends na nagiging mag-jowa parang si Marasigan at Chua"

"sino naman iyon?"

"paano na kaya, Kimerald"

Binatukan ko naman siya, pati ba naman palabas isama sa usapan namin? Patawa eh. Basta ang alam ko never akong maiinlove kay Seb.

Talaga never?!

Yup, never as in N-E-V-E-R

Kahit na gwapo siya, mabait, gentleman, trusthworthy, at kung anu-ano pang positive attitude ay nasa kaniya?

Ay ewan! Peste naman tong utak ko eh, ginugulo ako. Umuwi na si Nessa at ginugulo na naman ako ng utak ko ngayon, dapat kasi hindi na siya nagpapakita sa akin eh. Lagi niya lang ako ginugulo.

"haay! Anniv pala dapat namin ni Jaxon bukas, ano kayang gagawin ko?"

I'm talking to myself, haist nababaliw na naman ako eh. Naglakad-lakad muna ko sa park malapit sa bahay. 6 PM na tumingin ako sa langit, bakit ba kahit saan ako tumingin naalala ko si Jaxon? Ang hirap talaga mag move-on.

Unti-unti ng dumilim, I mean yung dilim na parang uulan. Tumingin ulit ako sa taas, isa na lang ang bituin na nakikita ko. Nabilang ko na ang bituin na nasa langit. Goodbye Jaxon.

Tumungo ako, kasabay ng pagtungo ko ang pagpatak na naman ng luha ko. Gaano karaming luha na ba ang naubos ko sa kaniya?

This is the sign to move-on right?

Right move-on.

MOVE ON!

Bumuhos na rin ang ulan, good nakikisabay sa akin ang panahon. Pero hindi ko nararamdaman ang pagpatak ng ulan sa akin, tumingala ako at nakita ko ang isang payong na hawak ni

Happily Ever After is just for Fairytale (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon