28.

46 0 0
                                    

28.

I'm crying the whole time na nandito ako sa condo ng kung sinoman na lalaking ito. I drink too much that I didn't remember anything happened last night. Basta ang naalala ko lang nagpakalasing ako at tumabi siya sa kinauupuan ko.

"I'm Ed by the way."

Inilahad niya yung kamay niya sa akin pero agad ko iyon tinapik palayo sa akin. I can't stop crying, paano kung nabuntis ako ng lalaking to?

"Sino nagpalit sa akin?"

Pinilit kong magsalita. Ayoko man isipin na may nangyari sa amin ay mukhang malabo, he is just wearing boxer shorts habang ang damit naming suot kagabi ay nakakalat lang sa sahig.

At sa itsura pa ng lalaking ito ay mukha siyang babaero. Gusto ko ng umuwi at i'undo kung anuman ang nangyari kagabi.

"Huwag ka ngang mag-isip ng masama."

Umupo siya sa sofa at kumain mg chips. How can he manage to be calm kung halos mamatay na ako dito kakaisip.

"I use protection okay?"

Mas lalo akong napahagulgol sa sinabi niya. Tinakpan ko ang mukha ko habang umiiyak. Narinig ko naman ang malakas niyang pagtawa kaya napatigil ako sa pag-iyak at binato siya ng unan, hindi ako kagaya ng mga ibang babae sana lang alam niya yun.

"I was just kidding okay?"

"Hindi nakakatawa."

Umupo naman siya sa tabi ko at nagpaliwanag. Inabutan niya ako ng tubig para rin tuluyan na akong kumalma.

"Walang nangyari okay?" He assured me pero hindi ko mapigilan magtanong. How can I be sure na hindi siya nagsisinungaling e kagabi ko lang naman siya nakita?

"Eh bakit nakakalat yung damit natin sa sahig? Bakit iba na suot ko? Bakit hindi mo na lang ako pinabayaan sa bar?" Napahagulgol na naman ako dahil sa mga naiisip ko. Mababaliw na ako, I swear.

"Pinalitan kita ng damit but I swear I close my eyes. Hindi ko na naayos ang mga damit natin 'cos I am also drunk and lastly..." Lumapit siya sa akin at bumulong "I am gay, hindi tayo talo."

Parang umurong lahat ng luha ko at nag-umpisa na akong tumawa. Nakakatawa dahil hindi halata sa kaniya, kung titignan mo kasi siya para siyang babaero plus his handsome face and err I must admit he also has a nice body.

"What's funny?"

Another thing, yung boses niya is so manly. Everything about him is so manly tapos? Nevermind! Nothing's wrong in being gay naman sadyang hindi halata lang sa kaniya kaya natawa ako.

"Wala, hindi lang kasi halata sayo." Tinaasan ko siya ng kilay at lumapit sa kaniya, I look closer to him "sigurado kang nagsasabi ka ng totoo?"

Tinulak niya ako palayo sa kaniya "lumayo ka nga. Ofcourse I am! 'Yun yung dahilan kung bakit ako naglalasing kagabi, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa parents ko."

I feel sad for him, then I remember may problema din naman ako. Kinuha ko na yung damit ko at pumasok sa cr para makapagbihis ulit.

"Yuck! You're going to wear that again? May suka na kaya yan."

Tinawanan ko naman siya "eh ano susuotin ko?"

Inabutan niya ako ng isang paper bag "wear it."

Natatawa ko naman inabot yun, I can't imagine him wearing dress. "Bakit ka ba tawa ng tawa?"

"I just can't imagine you will wear this."

Kumunot yung noo niya sa akin "that's supposedly for my sister. Sayo na lang."

Right after na makapagbihis ako ay hinatid niya ako sa bahay. Seb is there standing outside, papasok siya ng kotse niya pero tumigil siya ng makita niya kami.

"Where have you been? At talagang hindi ka pa umuwi?"

"Don't act like you care."

Tumalikod na ako at papasok sa bahay ng pigilan niya ako "I care okay? I always do."

Agad ko naman binawi ang kamay ko. "I'm tired of your lies."

Humakbang naman palapit si Ed sa akin at humalik sa pisngi ko. Agad naman siyang tinulak palayo ni Seb.

"Can't you see we're talking?!" Galit na tanong ni Seb kay Ed pero ngumisi lang si Ed bilang sagot kaya agad ko siya hinila papasok sa loob ng bahay.

"Akala ko bakla ka?"

Agad naman niyang tinakpan ang bibig ko "baka marinig ka ng ex mo."

Inalis ko yung kamay niya na nakatakip sa bibig ko at tinignan siya ng masama "paano mo naman nasabing ex ko yun?"

Tumayo siya at naglakad pabalik-balik sa harap ko. "Bitter kayo sa isa't-isa e."

Umalis na si Ed ng nakita niyang pumasok si Seb. Galit na galit siya sa akin, inaano ko ba siya? He should be happy.

"Who's that guy?!"

Tumayo lang ako at hindi siya sinagot, dumiretso ako sa kwarto ko. Kailangan ko ng magpahinga.

"Meg, open the door!" Kinalampag niya ang pintuan hanggang sa binuksan ko ito.

"Ano ba problema mo?!"

"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Bakit ba hindi ka mawala sa sistema ko?"

Sinampal ko siya dahil sa inis. Pagkatapos kong magmakaawa sa kaniya kagabi at hindi niya ako pinagbigyan sa gusto ko ay sasabihin niya to? Nasisiraan na ata siya ng ulo.

"Simula kagabi, pinasok ko na sa utak ko na hindi na ako magpapaloko sayo! Simula kagabi, inalis ko na lahat ng pakielam at nararamdaman ko sayo. Lumabas ka na!"

Lumuhod siya sa harap ko habang nakayuko "hindi na ako magmamahal ng kagaya sayo. Pero bakit ganoon? Bakit naging kapatid kita?"

Pinatayo ko siya at hinarap sa akin, kinuha ko ang adoption paper na nakapatong sa lamesa at hinagis sa kaniya.

"Hindi tayo magkapatid! Ang dali mo lang naniwala sa DNA na wala ka naman kasiguraduhan."

Itinulak ko na siya palabas ng kwarto at tsaka ko sinara ang pinto ng ubod ng lakas.

Ano ba talaga ang tunay, ang DNA result ba o ang adoption paper? I need to know it myself.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Happily Ever After is just for Fairytale (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon