26

30 0 0
                                    

* flashback *

It's a lazy Tuesday and I have nothing to do so I decided to go to the mall all by myself, Seb insisted to come with me but I refuses.

Gusto ko rin magkaroon ng time just for myself. Masyado na akong na ssuffocate sa existence ni Seb plus all the bullshits that's happening in my life right now.

Pumasok ako sa isang boutique when I accidentally bump into someone "sorry po."

"Maegan ikaw ba yan?" Napatingin ako kung sino ba yung nakabangga ko. It's tita Maria, ka work ni Mama before sa isang office. "Dalaga ka na iha, kamusta ang mama mo?"

Napansin niya siguro na lumungkot ang mukha ko "wala na po si mama." Nakita ko sa mukha niya na parang naawa siya sa akin kaya naman ngumiti ako ng peke.

Inimbitahan niya muna ako kumain saglit sa isang resto, wala rin naman daw siyang kasama kaya pumayag na lang rin ako.

"Gaano na ba katagal wala ang mama mo?" Tanong niya, ayoko sanang pag-usapan si mama dahil nakakadagdag pa iyon sa depression na nararamdaman ko.

"1 taon na rin po."

"Eh saan ka nakatira ngayon?"

"Sa papa ko po." Nagulat siya sa naging sagot ko, muntik niya na rin maibuga ang iniinom niya.

Marahan muna siyang nagpunas ng labi bago sumagot sa akin "nakilala mo na si Ernie?"

Mas nagulat ako sa naging tanong niya sa akin, sino ba si Ernie? Hindi ba't Joseph ang pangalan ng tatay ko?

"Joseph po ang pangalan ng tatay ko." Marahil ay naguluhan lang siya kaya nilinaw ko na lang, mas lalo naman kumunot ang noo niya sa sagot ko. Hindi ba kami nagkakaintindihan?

"Si Joseph na kasintahan ng mama Sophia mo noon ang ama mo?" Umiling siya "iha...kailangan ko ng umalis, baka kung ano pa ang masabi ko sayo na hindi naman dapat."

Agad siyang umalis at hinabol ko na lang siya ng tingin. Ano bang nangyayari? Naguguluhan na ako.

* end of flashback *

Ininom ko ang juice na nakapatong sa center table. Kanina pa ako hindi mapakali. Tumayo ako at kinuha ko ang cellphone ko tsaka ko tinawagan si Nessa.

"Hello?" Sagot niya makalipas ang tatlong ring.

Pinapunta ko siya sa bahay at agad naman siyang pumunta. Kinuwento ko sa kaniya lahat ng nangyari noong mga nakaraan araw.

"Kung may DNA test na positive, bakit ka pa umaasa na hindi kayo magkapatid?"

Oo, umaasa ako na hindi kami magkapatid. Pagkatapos ng narinig ko kay tita Maria. Nagkibit balikat lang ako bilang sagot sa tanong ni Nessa.

"Gago rin si Seb e' parang pinapaasa ka pa rin niya."

Napatingin kami pareho sa bumukas na pinto, nakita namin si Seb na nakaakbay sa isang babae habang tumatawa. "Gago nga."

Nawala ang ngiti ni Seb ng makita niya kami ni Nessa, dahan-dahan niya rin inalis ang pagkakaakbay sa babaeng kasama niya. Kung hindi ako nagkakamali siya si Seah, yung babaeng binuhusan ko ng juice.

Umakyat sila sa kwarto ni Seb at sinundan ko na lang sila ng tingin. "Okay ka lang?" Tanong ni Nessa na nakapag pawala ng kaninang pagkatulala ko.

"Hindi e' hindi ako okay."

Hinimas niya ang likod ko "okay lang yan Meg."

"Pakiramdam ko kasi lahat to ginawa lang ni Seb para magkahiwalay kami."

Hindi na sumagot si Nessa, at inabutan na lang ako ng maiinom para kumalma.

Ako na rin ang nagprepare ng pagkain namin para sa hapunan, sinabi ko kasi kay Nessa na dito na siya kumain.

Wala na naman ang tatay namin, masyado na naman nagpapayaman.

Inihain ko na ang mga pagkain ng umupo na sa harapan ko si Seah at sa harapan naman ni Nessa nakaupo si Seb.

Sumubo si Seah ng niluto ko "sinong nagluto?" Tanong niya

"Ako. Hindi ka ba natatakot na baka nilagyan ko ng lason yang pagkain mo?"

"Meg..." Pigil ni Seb sa akin

"Just kidding, go on dear. Just eat." Ngumiti ako ng peke at nag-umpisa ng kumain. Nakatingin lang sa akin si Nessa.

"Bakit ka ba nagagalit sa akin ha?!" Tumayo si Seah habang dinuduro ako, pinapaupo naman siya ni Seb pero binabalewala niya lang ito.

"Pati yung pagtapon mo sa akin ng juice, akala mo ba nalimutan ko na iyon?!" Panay pa run ang sigaw niya sa akin kaya tumayo rin ako

"Bakit dapat ba kitang gustuhin?" Tinaasan ko siya ng kilay at tumingin kay Seb "eto pinalit mo sa akin?" Tanong ko sa kaniya, napatungo siya sa tanong ko. Pinapakalma na rin ako ni Nessa.

"Wag naman kayo sa harap ng hapag-kainan mag-away, please." Saway ni Seb

"Sabihin mo yan sa girlfriend mo. Hindi ata naturuan ng manners." Paakyat na ako ng tawagin ako ni Seb sa pagalit na tono.

"What?!" Bulyaw ko sa kaniya

"Say sorry to Seah." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya "say sorry to her." Pag-uulit pa niya

"I won't, not now not ever." At tsaka na ako dumiretso paakyat ng kwarto

Happily Ever After is just for Fairytale (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon