23

20 1 0
                                    

Nagmaneho ako papunta sa bar. Uminom, yan naman ang lagi kong ginagawa kapag may problema.

"Nadadalas ata pagbabar mo ah?" Tanong ni Axel

"Bigyan niyo na lang ako ng maiinom."

Agad naman nila akong inabutan at pinaupo kasama sa table nila. May mga babae rin silang pinakilala sa akin.

"Hi. What's your name?" Tanong ng isa sa akin

"Seb." Walang gana ko naman sagot habang patuloy pa rin sa paginom.

"Pre, mukhang type ka ni Seah ah? Kanina pa nakadikit sayo yan."

Ngumisi lang ako bilang sagot kay Axel, pilit kong nilulunod ang sarili ko sa alak para makalimot.

Tumayo na ako pero napaupo ako sa dala ng sobrang kalasingan. "Kaya mo bang umuwi?" Tanong ni Seah, yung babaeng katabi ko kanina.

"Kaya ko." Nakakaisang hakbang pa lang ako ng tumumba na naman ako

"Ipagddrive na kita pauwi."

Hindi ko alam kung paano niya nalaman kung saan ako nakatira dahil buong biyahe natulog lang ako. Nagising na lang ako ng nasa harap na kami ng bahay. Medyo nahimasmasan na ako, kaya medyo kaya ko na ang sarili ko.

Pababa pa lang ako ng makita ko si Meg na nakatayo sa may gate. Unang lumabas si Seah at inalalayan ako pababa.

"Kaya ko na." Sabi ko sa kaniya at hinapit ang bewang niya palapit sa akin habang naglalakad palapit kay Meg.

I'm sorry Meg. I know this will hurt the both of us but this is for the better.

"Seb..." Napatigil siya sa sasabihin niya at napatingin sa kamay ko na nakapulupot sa bewang ni Seah

Tumango siya ng marahan "kaya pala ginabi ka." Pabalik-balik lang ang tingin niya sa akin at sa mga kamay ko "Hindi ako magagalit, magpaliwanag ka muna." Matigas niyang sabi, nakikita ko na ang pamumuo ng luha sa mata niya

Pilit kong pinipigil ang sarili ko sa paglapit sa kaniya at pagyakap, hindi kita gustong saktan pero kailangan.

"Wala naman ako dapat ipaliwanag. Nakikita mo na naman siguro diba?" Hinarap ko si Seah sa akin at hinalikan "si Seah girlfriend ko."

*paaakkk* sampal niya sa kaliwang pisngi ko "doon ka muna sa sasakyan" bulong ko kay Seah at tsaka bumalik ang tingin ko kay Meg

"Eh ano mo pala ako ha?!" Nag-umpisa ng tumulo ang luha sa mata niya, this is hurting me twice the hurt that she is feeling right now

"Ayoko na."

Gusto ko ng matapos ang oras na to

"Ha?! Pagkatapos ng lahat?! Anong ayaw mo na Seb?!" Pagalit na tanong niya, habang patuloy pa rin ang pagtulo ng luha niya

"Napakalaki ng posibilidad na magkapatid tayo Maegan!" Pabalik na sigaw ko sa kaniya

Lumapit siya sa akin at yumakap, rinig na rinig ko ang malakas niyang paghikbi. Hindi naman ako nag-abala na alisin ang yakap niya sa akin, gusto ko yung ganitong pakiramdam.

"Akala ko ba ipaglalaban mo kung anong meron satin?" Bulong niya sa may balikat ko

"Tama na! What if ang nararamdaman lang pala natin sa isa't-isa e lukso ng dugo?"

Kumalas siya sa pagkakayakap at pinunasan ang luha sa pisngi niya "I don't care, kaya nga sinisikreto natin diba?"

"This is incest Maegan! I'm tired of us."

Tumalikod na ako para bumalik sa sasakyan "pumasok ka na sa loob."

**

Hinampas ko ng malakas ang steering wheel at napasabunot sa ulo ko.

"Balak mo pa akong gamitin?" At doon ko lang naalala na nandito pala si Seah

"I'm sorry."

"Who is she?" She crossed her arms and waiting for my answer

"Ex ko."

"Na nakatira sa bahay niyo?"

"Na kapatid ko pala."

"What? Paano..."

Nairita na ako, wala ako sa mood magkwento. Ayoko ng maalala ang nangyari.

"Wag ka na ngang madaming tanong. Saan ka ba nakatira? Ihahatid na kita."

Itinuro niya naman sakin ang daan, she's living alone at the condominium.

"Bye. Thanks..." Isasara niya na dapat ang pinto ng iharang ko ang kamay ko

"Ohmygosh, don't tell me may masama kang pinaplano..." I stop her by pushing the door

"Can I sleep her? Just tonight?"

"Why would I allow you e ngayon lang kita nakilala?"

Do I really have to explain to her? Just by seeing what happened tonight siguro naman somehow she is aware on what's happening.

Pumasok na lang ako sa loob ng condo niya and check the rooms. Dumiretso ako sa tingin kong guest room. I was half asleep ng batuhin ako ni Seah ng unan. "Pumayag na ba ako ha?"

I just shot her a death glare and continue sleeping.

The next day, umuwi agad ako sa bahay. Nag-iwan lang ako ng note sa table sa living room to tell Seah that I already left.

Binilisan ko ang paglalakad papunta sa kwarto ko, I was about to open my room ng lumabas si Maegan ng kwarto niya.

"You do DNA testing?"

Instead of answering dumiretso na ako sa loob ng kwarto. Hindi ko na siya sinagot, cos I know na kapag nag-usap kami iiyak lang siya and I don't want that to happen.

Kumatok siya sa pinto ng limang beses, I'm trying to make it easier for us kaya lumalayo ako. I hope you do understand.

Naligo muna ako bago lumabas ng kwarto, akala ko wala na siya but she's still there standing with the envelope on her hand.

I just walk passed by her. "Seb..." Her voice is broken, I want to turn back at her and hug her tight but this can't be.

"Nagsasawa ka na ba sakin kaya ka nagpaDNA?"

I compose myself bago ako lumingon sa kaniya, she is crying. Her sobs become louder as she waits for my answer.

Hinagis niya sa mukha ko ang envelope na naglalaman ng DNA result. Where did she get this?

"Akala ko iba sa kanila. You are worst than my two ex-boyfriends." And she left

Happily Ever After is just for Fairytale (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon