14

56 5 2
                                    

I run as fast as I could, tapos pumara ako ng taxi. This is too much for me to handle. Dumiretso ako ng SB and texted Zeus, kailangan ko ng makakausap ngayon.

After an hour dumating na rin siya.

"kilala mo pa pala ako?" umupo siya sa harapan ko, I don't have time for his joke right now.

"ano problema mo Meg?" instead of saying anything tumulo lang yung luha ko.

"I can't Zeus"

Lumapit lang siya sa akin at niyakap ako "I'm your bestfriend remember so tell me what happened?"

"I just can't tell you Zeus, not now"

Pinunasan lang ni Zeus yung luha ko at tumango, then nag ring yung phone niya.

"yes insan?"

He's talking with Seb, bago pa man mabanggit ni Zeus na magkasama kami sinenyasan ko na siya na wag sabihin na nakita niya ako. Not now please. Wag muna kami magkita ngayon.

"Maegan? I don't know where she is...ah okay...Bye"

Pagkababa niya ng phone tinananong niya agad ako "so nag away na naman kayo?"

"sana nga nag-away na lang kami"

"I can't understand you Meg. Why don't you just tell me what's happening?"

"sana ganoon lang kadali yun Zeus! But it's not, it's not as easy as what you think"

Tumayo na ako, I was about to walk out when I feel Zeus arms wrapped around my waist.

"just tell me kung niloko ka niya, just tell me. I can be a rebound, I can fix the broken pieces kahit gaano kasakit. I'm going to catch you"

Inalis ko yung yakap ni Zeus sa akin at tuluyan ng umalis. Bakit pagkatapos ng nalaman ko si Seb pa rin ang gusto ko? Bakit after mag confess ni Zeus sa akin mas lalo kong gustong yakapin si Seb at sabihin na mahal na mahal ko siya?

Damn this life, damn this heart and fvck this so-called "tadhana" you're a great player. Congratulations you won.

Pagkauwi ko ng bahay, hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng bahay may panibago na naman problema. May mga lalaki na naghahakot ng gamit namin palabas ng bahay.

Agad ako tumakbo palapit sa kanila

"wait, bakit niyo nilalabas yung mga gamit namin?"

"miss yung bahay niyo kasi ay nakasanla at ngayon na remata na. Eto naman yung mga personal mong gamit" inilapag niya lang sa harapan ko yung 5 kahon kung nasaan ang mga gamit ko

Cool! Quota ako sa kamalasan ngayon, napaupo na lang ako. Nanlulumo ako sa mga nangyari sa akin, paano na ako ngayon?

I called Nessa at nagpasundo ako sa kaniya.

"pwede bang sa inyo muna ako for the mean time? Kapag nakahanap na ako ng trabaho lilipat na agad ako"

Pumayag naman siya, buti na lang kilala ko na rin ang parents niya kung hindi saan na ako pupulitin ngayon?

Habang inaayos ko yung gamit ko, kumatok si Nessa sa pintuan ng kwarto. Ang kwartong gagamitin ko muna ay iyong kwarto ng ate niyang nagttrabaho sa ibang bansa.

"pasok"

"Maegan, nandiyan si Seb sa baba"

"just tell him na natutulog ako"

Tumango lang si Nessa and after a few minutes bumalik siya dito sa taas

"wala na siya. Nag-away ba kayo?"

Happily Ever After is just for Fairytale (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon