Chapter Fourteen

391 13 2
                                    

Third Person POV

UNEDITED

ANG mga sumunod na araw na halos hindi sila maghiwalay ni Marc ay isang malaking pagdurusa para sa dalaga. Marc was so sweet, thoughtful, and loving. Hindi niya kayang paniwalaan na ang lalaking ito ang pumatay sa kanyang Ate Wendy.

At sa mga pagkakataong magkasama sila ay iginalang siya ng binata. He kissed her, made love to her.

"You've made this far, baby. Having you this close and not making you officially mine is like hell," hes aid huskily.

"Thankyou, Marc. I---- I want you too," aniya sa gumagaralgal na tinig. Hinaplos ng palad ang mukha ng lalaki habang nakahilig siya sa kanang balikat nito.

"Marc...."

"Hmm..."

"Gusto kong paniwalaan mong --- mahal kita."

Tinitigan ng binata ang mga mata niyang kumikislap sa mga luhang hindi niya gustong pumatak.

"Pre-wedding melodrama, baby?" Nakangiting wika nito bagaman nagsasalubong ang mga kilay. She tried to smile.

"Yes, nanniwala akong mahal mo ako. Kahit marahil hindi mo sabihin. I could feel it, Les, from your kisses, from your touch, and the way you lovingly gazed at me sa tuwing nililigon kita. No one could have shown so much love,"

Nagsikip ang dibdib niya. May kung anong bagay na humaplos sa dibdib niya. Kung may choice siya, pipiliin niyang mamatay sa mga sandaling iyon.

---

Gabi ng bisperas ng kasal ni Lesllie. Inilagay niya sa maleta sa trunk ng kotse niya ang padlocked her unit. PAgkatapos ay sumakay sa kotse at pinatakbo ito sa highway.

Kung binigyan ni Marc si Wendy nang sampung araw bago ito umurong sa kasal, siya ay oras lang. Bukas ng alas-dies ng umaga ang kasal nila ni Marc.

She should be glad dahil wala ng tsansang umurong pa ang binata. Hindi nito mababawi pa ang mga ivitation card. Nakalagay na ang balita ng kanilang kasal sa mga news paper at magazines.

Playboy millionaire Marc Dela Fuente to wed pretty and famous newscaster, Lesllie Tantunco.

Hindi ilang shower parties ang tinanggihan ng dalawa ayon narin sa kagustuhan niya. May mga articles sa pambabaeng magazines tungkol sa kanilang dalawa bagaman hindi siya pumapayag na ma-interview.

At kahit nagtataka si MArc ay hindi ito nag-uusisa sa mag pagtanggi niya. At bukas at sa susunod na mga arw ay magpi-piyesta ang mga press sa balitang lilikhain niya.

Marc Dela Fuente, the groom that never was.

At kung sakaling hanapin siya matutukoy ng binata ang San Ignacio.

Yes, she should be glad, naipaghiganti niya ang mahal niya sa buhay. Pero bakit umaaagos ng mabilis ang mga luha niya at nahihilam na siya? Bakit kahit hindi niya gustong umiyak tuloy-tuloy sa pag agos ang mga luha na kung hindi niya babagalan ang pagpapatakbo ay mababangga siya.

Alas dies ng gabi nang umalis siya sa unit. Darating siya sa San Ignacio bago mag alas-tres ng madaling araw bukas. Hindi siya ituturo ni Coreen doon dahil hindi niya sinabi sa kaibigan na may bahay pa sila roon.

Hindi niya gustong ma contact siya kahit sino. At hindi na rin niya kailangan pang magbalik sa trabaho. Malaki na rin naman ang naipon niya at sapat na iyon para sa isang simpleng buahy sa probinsiya.

Ano mang negosyo na maaari niyang gawin doon ay makukuntento siya. Kasama iyon sa mga plano niya. ISa sa mga araw na darating ay babalik siya ng Manila upang ipagbili ang unit niya. Pero maytagal pa iyon.

Sa pagkakataong ito ay tuluyan na siyang mag iisa.

Nang gabing iyon ay naka ilang tawag si MArc sa unit ng dalaga subalit walang sumasagot sa telepono.

Nagsalubong ang mga kilay ng binata. Imposibleng lalabas ng ganitong oras si Les, lalo na ata bukas na ang kasal nila. Wala ring sumasagot sa Cellphone nito.

Hindi sya makatulog at inisip na dala iyon ng pre wedding exitement. At baka ganoon din ang kasintahan kaya naisip niyang tawagan ito.

Iisa ang sinasabi ng taped voice sa Cellphone ng dalaga: The subscriber you're calling is outside the coverage area or has turned its unit off.

To be continued...


A/N:

Maikling update. Ako ay kasalukuyang dumadanas ng stress sorry po. Babawi ako next time promise. Ganito talaga siguro ang mag isa sa Valentines Haha. But seriously I'm so busy hindi ko po mapagsasabay ang aking thesis at ang story na ito. Wait for my updates nalang po. 

Her Beloved EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon