Third Person POV
"HI, DERRICK! Ano ginagawa mo rito?" Gulat niyang tanong na nagpahinto sa pagbubukas niya ng sariling sasakyan.
"I want to talk to you, Les" wika ni Derrick sa galit na tono. Hinawakan sa kamay si Lesllie at hinila papasok sa loob ng sariling kotse nito.
"H-hey!"
Isinara ni Derrick ang pinto at umikot sa driver's seat at pumasok. "Hindi ako makapaniwalang pinabayaran mo kay Marc ang pagiging magkaibigan natin!"
"Oh!" Napapikit si Les, Hindi niya gustong madamay si Derrick sa mga ginagawa niya. Totoong kaibigan ang turing ng binata sa kanya pero ipinagkamali iyon ni Marc na magkasintahan sila.
At si Derrick, rebelyon sa kapatid ay hindi maniniwala ang huli. Hindi uri ni Marc ang maniwala na maaaring maging malapit ang lalaki sa isang babae sa isang platonic relationship.
"Anong gusto mong gawin ko Rick? Cry or slap your fucking brother like you have seen in a movie, Para sa mga ganoong uri ng insulto?"
"But you didn't have to..."
"Didn't have to what? Hindi ko dapat tinanggap ang tseke, ganoon ba? Well, I did not! Iniwan niya ang tseke sa mesa ko." Hindi sumagot si Derrick na pinukpok ng kamay ang manibela.
"Iniisip mo bang pupunutin ko sa harap ng kapatid mo ang tseke o di kaya ay sabihing hindi ako napapabayad? Hindi ba gasgas na ang mga ganoon paraan, Rick? At magiging napaka-trite nang anumang sasabihin ko o ng sasabihin sa isa't isa? Isa pa, nasa isip na ni Marc na ganoong uri ako na babae, why dissapoint him?"
"Matagal bago makasagot si Derrick
At sumagot ay sarkastikong ngumiti.
"Why indeed? Anyway, he's rich. Bale-wala ang 5 million. Kung gumasta nga iyon sa mga babae niya'y ganoon na lang. Well go ahead, Les, spend the money he gave you. Tuldok lang iyon sa pera Marc Dela Fuente. Ang ikinagagalit ko lang ay iyong akin," hindi nito ikinaila ang pagdaramdam sa tinig.
"Oh, Rick..." halos madurog ang puso niya sa narinig. Paano sasabihin binata ang katotohanan. Paano niya sasabihin ditong ginamit niyang tuntungan si Derrick upang mapansin siya ni Marc.
Paano niya sasabihin ditong sadyang inilapit niya ang sarili kay Derrick nang malaman niyang kapatid nito si Marc. Isang party ang dinaluhan niya and they were introduced by a common friend.
"Hindi ko sinabi kay Marc na bayaran ako, Rick. Sinagot ko lang ang sinabi niya and dared him if he was willing to pay me a million. He ask me asking him that much."
Napangiti si Derrick sa puntong yun. "Knowing my brother, natiyak kong na-shock mo siya sa ginawa mo," nilingon si Les at hinawakan sa mga palad. "Kaibigan pa ba kita Les?"
"Of course, I am your friend, Rick," Ngayon pa ba naman niya papakawalan si Derrick gayong umaayon lahat sa plano niya?
"And what are you going to do with the money he gave you?"
Nagkibit ng mga balikat si Les. "Ipi-frame ko. Imagine kung gaano kadaling maging milyonarya!" Sinabayan niya ito ng malakas na tawa. "Hayaan mong mag puyos sa galit ang kapatid mo, Rick."
"Natutuwa ako at hindi ka napadala kay Marc , Les," ngumisi si Derrick. "I'll show him that he can't manipulate me."
May naalala si Les sa mga sinabi ni Marc at tinitigan ng matagal si Derrick bago mag salita. " Bakit ganoon nalang ang galit ni Marc na malamang may relasyon tayo, Rick? Ano ang ibig niyang sabihing hindi ako ang uri ng babaeng gusto niya para sayo?"
Matagal bagi sumagot si Derrick. Tumingin sa labas ng pinto at saka nagsalita. "Ang alam ni Marc ay girlfriend kita, Les. It made him believe that,"
BINABASA MO ANG
Her Beloved Enemy
RomanceRevenge is the only thing she wants. But not to be his kept woman.