Third Person POV
“D-DERRICK!” bulaslas ni Lesllie. Although, wala naman talaga silang relasyon ng binata ay hindi niya maiwasan ang hindi mapahiya. Mabilis na tumalikod pabalik sa pinanggalingan niya si Derrick.
“Derrick, wait…” akma niya itong susundan nang pigilan siya ni Marc.
“Hayaan mo na siya.” Utos nito
“Bitiwan mo ako, ano ba! Hindi mo ba nakikita ang ginawa mo?” Alam niyang nakuha na niya ng husto ang atensyon ni Marc. Pero hinihingi ng delicadeza na dapat niyang sundan si Derrick. Isa pa, aasahan ni Marc na iyon ang gagawin niya.
Sarkastikong ngumisi si Marc. “Ano ang ginawa ko? Ang ipakita sa iyong wala ka naman talagang pagtingin sa kapatid ko?”
“By forcing yourself on me! Dapat mahiya ka, Mr. Dela Fuente! Lalo lumapad ang ngisi ni Marc.
“So back to Mr. Dela Fuente again, ha, Leslllie. And may I remind you that I didn’t force you. You kissed me back.”
“Oh!”
Muli siyang kinabig ni Marc. Hinawakan sa baba at tinaas. “Iwan mo si Derrick, Les. Sa pagkakataong ito’y gagawin mo ang mga sinabi ko sa iyo,” matigas ang tinig nitong nag-uutos.
“You’re kisses spoke volumes, baby. Derrick won’t be able to meet your passion Lesllie. He lacks experience.”
“Oh, yes, you’re so experienced na ang isang simpleng halik ay binibigyan mo ng kung ano-anong kahulugan. Bilang isa ng expert sa mga babae, dapat ay alam mong human instinct ang ginawa kong pagganti,” pagalit na sinabi niya. Napahiya siya.
Hindi na niya ngayon maintindihan kung aarte pa siya o talagang nagagalit siyang totoo. Nakalimot at napatangay siyang talaga at hindi siya umaarte roon.
Nagkibit balikat si Marc. “I don’t think na mapapalinawagan mo si Derrick sa nakita niya sa atin. So you see, Lesllie, sinasaktan mo lang ang kapatid ko. At patuloy mo siyang sasaktan kung hindi mo siya lalayuan ngayon,”
“Nasaan ang delicadeza mo Marc?”
Tumaas ang mga kilay ni Marc at amuse nginitian siya. Aren’t we on the same boat, Baby?”
Hindi kaagad nakasagot si Lesllie roon. Delicadeza wise, sa bahagi niya, ay malinis ang kunsensiya niya. And of course, hindi niya masasaktan si Derrick sa paraang ibig tukuyin ni Marc. Hindi totoo ang relasyon nila. Bagaman nagtataka siya sa galit na nakita niya sa mukha ni Derrick.
“Sinadya mong gawin ito para Makita ni Derrick ,” akusa niya.
“Kaya itanim mo sa diyan sa isip mo na hindi ako papayag na ipagpatuloy mo ang kalokohan mo sa kapatid ko.”
“Hindi dahil sa hindi mo ako gusto para kay Derrick kundi gusto mo ako para sa sarili mo!”
“Bingo!” Bahagya pa nitong ikiniling ang ulo. “At hindi ko itinatanggi, Lesllie. Why, you’re a very desirable woman. At hindi ako titigil hanggang hindi ka nagiging akin!”
Walang masabi si Lesllie kundi nakatitig lang kay Marc. Sa ibang pagkakataon ay dapat niyang ikagalak ang possessiveness sa tinig nito. Pero alam niya kung ano ang nagging epekto nito sa buhay niya, nilang mag-anak.
Lahat ng nangyayari ay ayon sa palano niya. Maliban lamang sa isang bagay, ang totoong naapektuhan siya kay Marc.
Dear lord, she really have wanted him to hold her and kiss her forever.
----
“Ano ang gusto mong sabihin ko sa nakita ko kanina?” ani Derrick sa galit na tinig. Sandali nitong sinulyapan ng matalim si Lesllie at pagkatapos ay itinuon na aang maga mata sa daan.
BINABASA MO ANG
Her Beloved Enemy
RomanceRevenge is the only thing she wants. But not to be his kept woman.