Third Person POV
MARAMING tao sa mansion ng mga Dela Fuente nang dumating sina Derrick at Lesllie. Sa mesa ni Donya Aurora agad dinala ni Derrick si Les at ipinakilala.
"Ma, this is Lesllie Tantunco. Les, ang Mama ko. Hello, Tito Daniel ," bati ni Derrick kay Mr. Salazar na nasa mesa rin ng ina.
"Happy Birthday," bulong ni Les na sinabayan ng halik sa pisngi ng matandang babae. Pagkatapos tinapunan ng tingin si Mr. Salazar. "Good evening, Sir."
"You're stunning, Les, nakangiting sagot nito.
"I've met you finally, hija. At talaga ka nga palang maganda," wika ng matanda na hinawakan sa kamay ang dalaga at hinagod ng tingin. "Hindi kataka-takang sinusuway nitong si Derrick si Marc."
"Walang katuturang pagsuway, Mama," si Marc na lumapit. Sa kamy nito'y may hawak na kopita ng alak. "Hi, Les."
"Hello, Mr. Dela Fuente," pormal niyang sagot kasama ng pilit na ngiti. Hindi niya pinansin ang pag dilim ng tingin ng binata sa pormal niyang pagtukoy. Sa halip, she tried to steady her breathing. The devil was handsome in his formal attire.
Si Marc ay humakbang palapit sa kapatod. "Okay lang ba Derrick, kung isasayaw ko si Lesllie?"
"Oh I'm so sorry," si Les bago pa nakasagot si Derrick sa kunwaring apologetic na tinig. "But Derrick promised me the first dance,"
Bahagyang ikiniling ni Derrick ang ulo kay Marc at ngumisi na tila ikinatutuwa nito ang pagkapahiya ng kapatid. Hinawakan sa siko ang dalaga at inakay sa gitna ng bulwagan. Naiwang halos magdikit ang mga kilay ni Marc at sinundan ng tingin ang dalawa.
---
Sa dancing floor ay lihim na tumatawa si Les sa anyo ni Marc. "Don't ever let your brother dance with me Derrick. Kahit mapudpod pa ang sapartos mo ay huwag mong bigyan si Marc nang pagkakataong makalapit sa akin."
Nagsalubong ang mga kilay ni Derrick. "Isn't it strange? Normal lamang na isayaw ka ni Marc kahit na nga ba alam ng lahat na girlfriend kita. Bakit?"
Nagkibit siya ng balikat. "Dinala mo ako rito pwes, sundin mo ang mga gusto kong mangyari. Umakto kang tila inlove na inlove sa akin. Anyway, iyon naman ang sinasabi mo sa kanila, di ba?"
Natawa si Derrick roon. "Hindi mahirap gawin iyon Babe. Lalo na at gusto kong inisin si Marc. Plus the fact you're so delactable today," bahagya nitong inilayo ang dalaga at hinagod ng may malisyang tingin ang hapit na sa katawang silk yellow dress na lalo lamang nagpatingkad sa morena niyang kulay.
"Lecher!" Anused niyang wika,
"Can't blame me. Totohanin kaya natin ang relasyon?"
"Go to hell, Derrick!" Hinaluan niya iyon ng malambing na tawa at saka idinikit ang katawan sa binata nang mapansing malapit lang sa tabi nila si Marc na may kapartner sa isang modelo.
Banayad na hinagkan ni Derrick ang buhok niya at bumulong. "May naamoy ako, Les. What is it with you and Marc?"
"You're overdoing it. Isa pa, may pakiramdam akong sadya mong gustong inisin o matawag ang pansin ni Marc sa kakaibang paraan, Hindi dahil iyon ang gusto ko kundi may pansarili kang dahilan." dudang bulong ni Derrick. Inilapit ang mga labi sa mukha niya.
"Gusto kong makaganti sa mga insulto ng kapatid mo sa akin. At tumigil ka ng kakatanong, O, gusto mong malaman ni Marc na ibang babae ang pinagbigyan mo ng alahas na iyon?" Bulong niya at mataktikang iniwas ang mukha rito.
"I smell blackmail," natatawang sagot ni Derrick."At mula sa isang kaibighan, for that matter."
"Shut up!" bulong niya, "at higpitan mo ang yakap sa akin."
BINABASA MO ANG
Her Beloved Enemy
RomanceRevenge is the only thing she wants. But not to be his kept woman.