Third Person POV
“Saan mo gustong kumain tayo?” Tanong ni Marc
Umiling si Les. “I’m tired. Wala ako sa mood na kumain sa labas. Ihatid mo nalang ako sa bahay. And from there you can take taxi home.”
“But I want to…”
“Please,” giit niya
Nagkibit ng mga balikat si Marc at binilisan ang pagpapatakbo ng kotse. Pagdating sa townhouse ay kasamang bumaba si Marc at sumunod sa kanya.
“Invite me in,” utos nito ng buksan ng dalaga ang pinto.
Isang buntong hininga ang kunwang pinakawalan niya. “I’m really tired, Marc. Gusto ko nang magpahinga. May meeting pa ako sa istasyon bukas ng umaga. Goodnight and thank you again for the roses.” Akma nitong isasara ang pinto subalit pinigilan ni Marc at mabilis na pumasok sa loob at isinara ng paa ang pinto.
“You can’t get away from me so easy, Lesllie,” wika nito sa seryosong tinig.
Humakbang si Les sa center table at inilapag roon ang mga bulaklak at bag. Pagkatapos ay nilingon si Marc na muntik na niyang mabangga dahil nasa likod niya ito. Nawalan siya ng panimbang subalit maagap nahapit ni Marc ang baywang niya.
Napatukod ang mga palad niya sa dibdib nito.
“Sorry..” bulong niya
“I am not,” ganting bulong nito. Ang mga mata’y nasa labi niya. Alam ni Les na hahagkan siya nito pero hindi siya umiwas. Bale wala kung gagawin niya iyon, in fact, she longed for it. Bumaba ang mga labi ni Marc, finding hers unerringly. Her sigh faded into the air.
Then he explored the curves of her lips and parted it and his tongue searched her mouth na para bang doon nagmumula ang buhay.
Sa pakiramdam ni Les ay hindi lamang ang mga labi niya ang angkin ni Marc sa mga sandaling iyon. Hindi lamang ang katawan niya ang nakakulong sa mga bisig nito kundi pati na ang puso niya. Her imprisoned heart was beating widely.
It was madness. Hindi siya dapat makadama ng ganito. Simula pa lamang ay ginusto na niyang mahulog ang pagtingin ni Marc sa kanya, pinlanong akitin ito sa disimuladong paraan. Sa paraang hindi tulad ng ginagawa ng mga naging girlfriend nito. Pero bakit sa palagay niya’y siya ang nahuhulog sa bitag ni Marc.
He filled with flame. He possed her na hindi niya matiyak kung iyon pa ba sarili. Patuloy siya nitong hinahagkan, with a fiery passion na dapat na niyang ikatakot.
A spinning eternity had passed bago siya binitiwan nito. Ganoon pa man ay kailangan niyang manatili sa mga bisig nito dahil tila hindi gustong gumana ang mga binti niya.
Itinaas ni Marc ang mukha niya at tinitigan.
“Be mine tonight, Les,” he whispered huskily. Ilang sandali muna ang lumipas bago napasok ng husto sa isip ni Lesllie ang sinasabi ni Marc. Doon nanlaki ang mga mata niya at mabilis na kumawala. Naupo sa pinakamalapit na sofa.
“P-please, Marc,” halos walang tinig na lumabas sa bibig niya, “I--- haven’t broken it off with Derrick.”
Ilang sandal ang lumipas bago sumagot si Marc.
“Considered it off today, Les,” humakbang ito palapit. Hinawakan siya sa mga balikat at itinaas , almost roughly. “I want you, Les! I want you now and I know you want me too,” his voice is passionate hunger.
Kumawala siya. Binigyan ng distansiya ang pagitan nilang dalawa.
“Hindi, Marc. Hindi tama. Of course, hindi mo gustong gawin ito sa sarili mong kapatid. Let us be decent and give time to break it off formally with him,”
Tumiim ang mga mata ni Marc. Sandaling nag isip.
“You will have until tomorrow, Baby,” may warning sa likod ng tinig nito. “Iyon lamang ang oras na ibibigay ko sa iyo.”
Isang marahang tango ang ibinigay niya. Sandali siyang tinitigan ni Marc na tila hindi madesisyunan kung lalapitan siayng muli o tuluyan ng lumabas. Nakahinga siya ng maluwag nang humakbang ang lalaki patungo sa pinto and closed the door behind him. Pumikit siya at isinandal ang sarili sa sofa. May ngiti sa labi niya.
“Malapit ka nang magbayad sa pagkakautang mo Marc Dela Fuente,” bulong niya. Nagmulat ang mga mata at tumitig sa kisame. Pagkatapos ay dinama ang mga labi. Pilit niyang itinatanim sa isip na ang nararamdaman niya kay Marc ay normal.
“You’re handsome, a good kisser and definitely a very experienced lover. Natural lamang na matangay ako,” rason niya sa sarili. “Isang simpleng lust.”
Hindi nga ba at nahalikan na rin siya ng unang naging boyfriend niya and that she was also thrilled by his kisses. Ganoon lang iyon.
Pagkatapos ay nadako ang isip niya kay Derrick. Paano niya puputulin ang isang relasyong hindi naman talaga umiiral? Ginawa lang niyang dahilan iyon upang umalis si amrc at iwan siya. Sa paasion na nakita niya kay Marc ay baka kung saan sila umabot. At baka hindi niya magawang tutulan ang sariling katawan.
---
Sa Taxi pauwi ay si Les ang laman ng isip ni Marc. Sa buong buhay niya’y wala pa siyang babaeng pinag interesan ng ganito kasidhi. At hindi niya akalaing sa mismong girlfriend ng kapatid niya. Nasaan naba ang delicadeza niya?
Well, he knows for sure na walang pag ibig si Derrick kay Les. Kilala niya ang kapatid. Derrick’s relationship with Lesllie is one of those things when one is young. At si Les ay sinasamantala ang pagiging galante ni Derrick. And he wouldn’t feel guilty na agawin si Les kay Derrick.
Una, napakabata pa ng kapatid para matutuhang pakibagayan ang isang tulad ni Les angd plus the fact that Les is almost four years older. Pangalawa, the woman is gold digger. Pamgatlo, gold digger or not, he wants her for himself.
Lord, but he never wanted a woman in his life tulad ng nadarama niya para kay Lesllie.
Ibabahay niya si Les. Provide her with all the things in the world money can buy. Kapalit ng maganda at nakakabaliw nitong katawan.
To be continued….
A/N:
Sorry for the long wait guys. I was so busy and malapit na ang Prelims namin I need to review. Babawi nalang ako promise. And lastly is Happy 1K guys! Maraming salamat. Try ko mag Ud ng isa pang chapter ngayong araw J
BINABASA MO ANG
Her Beloved Enemy
RomansaRevenge is the only thing she wants. But not to be his kept woman.