Third Person POV
TITIG NA TITIG si Marc sa mukha ng TV newscaster na nasa screen.
She saw this a young woman in dark ethic ang kulay ng balat. Very exotic ang dating.A seductive siren in a very dignified voice and appearance. A raven-darked hair na hindi niya maimagine kung hanggang saan ang haba dahil sa tuwing nakikita niya ito sa TV ay laging nakapusod sa likod ng buhok. He guessed her age to be around twenty two and twenty three.
At isiping ang pangalan ng batang TV newscaster ay variation ng hinahangaan niyang dating TV personality. Lesllie. Lesllie Tantunco.
And she had a sexy smile. And those dark eyes seemed to hide many secrets. And he hated her for enticing his younger brother! Alam niyang kinukuwartahan ng babaeng ito ang kapatid niyang si Derrick.
"AND THAT is all for tonight," nakangiting wika ng pinakamagandang newscaster sa buong television.
"Good evening..." Nag-dim ang ilaw at makikita sa TV screen ang mga pangalan ng mga taong involve sa thirty minutes news program na iyon. Si Lesllie ay nagliligpit ng mga gamit at inalis ang microphone sa colar ng tailored suit niya.
"As usual Les..." salubong ng camera man sa kanya. Mangunguna na naman sa rating ang news program mo" may paghangang wika ni Bench.
"Thanks to you all," nakangiti niyang sagot. "Alam na alam mong iwasan ang masasama kong anggulo."
"Na para bang may pangit siyang anggulo" sabat naman ni Celyn, ang isa sa mga new writer nila.
"Osige na, sige na" natatawang wika ng dalaga. "Sagot ko hapunan natin mamya!"
Nagtawanan ang mga naroong kasama sa studio.
"Dinadaan mo naman sa ganyan na para bang binobola ka lang namin" si Bench uli. "Bakit ba eh tinalo natin ang ibang channel sa rating dahil sa iyo ah""Hindi lang dahil sa akin kundi dahil sa ating lahat, lalo na sa mga mahuhusay nating mga reporter at camera men" She waved her hand at tuloy-tuloy na ang dalaga palabas ng studio. Nagulat pa siya ng salubungin siya ng receptionist.
"Ipinatatawag ka ng big boss, Les"
"Bakit? Nandidito paba si Mr. Salazar in this hour?" Nagtatakang tanong ng dalaga. Malapit na ang alas-siete ng gabi at karaniwang alas-singko palang ay wala na sa building ang big boss."Nagulat nga rin ako eh". sagot ng receptionist na nagkipit balikat. "Baka makatanggap ka nanaman ng increase. Balita ko eh pina parate ka ng ibang mga TV station eh."
"You're kidding. Knowing Mr.Salazar ay hindi nito gagawin iyon" nakangiti niyang sagot at lumiko patungo sa office ng Executive Vice President. At dahil gabi na ay bakante na ang mga mesa ng secretary nito.
Isang warning knock ang binigay niya at pagkatapos ay marahang itinulak ang pinto. Sumilip. Nakaupo sa likod ng desk nito si Mr. Salazar.
"Come in Lesllie"
"Good evening, Sir Kailangan niyo daw po ako."
"Sit down Lesllie." Itinuro ni Mr. Salazar ang upuan sa harap ng chrome desk nito. Nasa aktong uupo na ang dalaga nang mapunang hindi nag iisa si Mr. Salazar sa silid.Sa bandang kaliwa sa may bintana ay may isang lalaking nakatayo. Nagsalubong ang mga kilay ng dalaga na napasinghap nang humarap ang lalaki at tumingin sa kanya.
Si Marc Dela Fuente! A well known businessman. Rich ang ruthless. Thirty three years old society playboy. Sandali lang ang pagkabigla ng dalaga. Isang lihim na ngiti ang pinakawalan niya. At long last, we've finally met, Marc Dela Fuente.
"Les I want you to meet my inaanak si Marc Dela Fuente" nilingon nito si Marc na humakbang na papalapit. Sumunod ang mga mata ni Lesllie and tried to appear relax and composed.
"Hello, Miss Tantunco" wika nito sa malamig na tinig. Inilahad ang kanang kamay at iniabot sa kanya. Wala sa loob na tinanggap ito ng dalaga.
Mahigpit ang ginawang pakikipag kamay ni Marc sa kanya at pakiramdam niya'y may init na nanulay sa mga braso niya patungo sa katawan. Marahan niyang binawi ang kamay pero hindi ito binibitawan ni Marc at matiim na nakatitig.
Cold. As if freezing her very soul.
"Nice meeting you, Mr.Dela Fuente" bahagya siyang nautal, to her dismay. At ng hilahin niya uli ang kamay ay binitiwan ito Marc. She almost sigh her relief.Sa loob ng eleven years ay hindi niya ito kinalimutan. She was wishing na sana magkatagpo sila. Yes, he was handsome. Pero nakalimutan niya kung gaano kagandang lalaki ang kaharap niya. He was twenty two when she last saw him. And she was twelve years old. At sana'y hindi siya nito makilala. Ayaw niyang matandaan siya ni Marc.
"Isang malaking karangalang makilala ang overnight superstar ng news room." wika nito. Hindi matiyak ni Lesllie kung papuri o sarcasm ang nasa tinig nito. Ang mga mata ay nanunuri sa pagkakatitig sa kanya.
A little smile came from her lips at ibinaling ang tingin sa big boss ng station. "May iba pa ba kayong kailangan, Mr.Salazar?"
"Wala naman, hija. Talalga lamang gusto kitang ipakilala dito sa inaanak ko. Matagal ka na niyang gustong makatago ng personal."
"And I thought you were just telegenic pero nagkamali ako. Higit kang maganda kaysa personal Miss Tantunco. No wonder na number one ang news program mo." Pinaglakbay nito ang mga maya sa mukha niya. Umiwas ng tingin si Les.
"Thank you Mr. Dela Fuente" Matabang niyang sagot. Ipinahihiwatig ng tinig na bale-wala sa kanya ang compliment na binitiwan ni Marc. Tumingin kay Mr.Salazar. "Palabas na ako Sir, nang ipinatawag ninyo ako. At ngayong nagkakilala na kami ni Mr.Dela Fuente ay maari na siguro akong umuwi" itinago niya sa magalang na tinig ang animosity sa dibdib niya.
"Of course, hija."
"And I want to offer you a ride home,Miss Tantunco. Pauwi narin lang ako.
"Thankyou Mr. Dela Fuente, pero dala ko ang kotse ko" pagkasabi noo'y lumakad si Les patungo sa pinto. Binuksan at lumabas"Well, old boy she wasn't taken by you" nangingiting wika ni Mr. Salazar. "Kauna-unahang babaeng ipinakilala ko sa iyo na hindu kumislap ang mga mata"
Tumaas ang mga kilay ni Maec at paismid na ngumiti.
"She's playing hard to get, Ninong. At ala kong kilala niya ako. Imposi leng hindi nabanggit ni Derrick na magkapatid kami.""Ano naman ang masama kung siya ang kinalolokohan ngayon ng kapatid mo, Marc. Binata naman si Derrick.
"Derrick is only twenty, Ninong, at kasalukuyang nag-aaral. Mula nang mamatay ang Papa ay ako na ang tumayong ama sa kapatid ko. I cannot allow some gold digger na akitin ang kapatid ko. Kailangang magtapos ng medisina sa ibang bansa si Derrick" determinadong wika nito.
"Hindi naman yata tamang pag-isipan mo ng masama si Lesllie, hijo" pagtatanggol ni Mr. Salazar kay Les
Naningkit ang mga mata ni Marc doon. "Isang kilalang jewerly store kasama sa billing bank card ni Derrick, Ninong. At alam mo ba kung magkano ang halaga ng alahas na binili ng kapatid ko? " Sinabi nito ang halaga kay Mr. Salazar at napasipol ito.
"At natitiyak kong ibinigay sa kanya ni Derrick ang alahas dahil sa loob ng anim na buwan siya ang laging kasama ni Derrick sa mga lakaran."
"Kailangang ilayo ko sa kanya si Derrick" mariing wika nito. "At sa paraang alam ko" makahulugang dugtong nito kasabay ng pang ngiti.
BINABASA MO ANG
Her Beloved Enemy
RomanceRevenge is the only thing she wants. But not to be his kept woman.