Chapter Five

407 22 2
                                    

Third Person POV

"SUNDUIN na ho ninyo ang Papa at Mama, Mang Hener," utos ng 12 years old na si Lesllie sa driver matapos siyang ibaba nito sa mismong gate ng mansion nila.

Sinundo siya ng driver mula sa school. Ang magulang naman niya'y nasa simbahan upang ayusin ang mga preparasyon sa kasal ng Ate Wendy niya.

Sinulyapan muna Lesllie ang papalayong kotse bago pumasok sa nakabukas na gate ng masion. Natanaw niya ang nakaparadang kotse ng fiance ng Ate Wendy niya. Ang mga Dela Fuente ay isa mga pinakamayaman sa bayan ng San Ignacio

Nagsalubong ang kilay ni Les mapuna ang isang maid na nakadikit ang ulo sa nakaawang na malaking pinto. Sa inyo nito ay parang pinapakinggan nito ang mga nag uusap sa loob.

Nagulat pa ito ng marahan siyang tumikhim.

"N-nandiyan ka na pla Señorita Lesllie," ang medyo nailang na wika ng maid halatang nahuli muli sa panunubok.

Pagkatapos ay napahiyang ngumiti nilingon ang loob ng bahay.

"Nag------nagtatalo ang Ate Wendy mo at Señorito Marc."

Hindi siya kumibo at lalampasan na lang sana ang nakakairitang maid at papasok na sa loob ng bahay nang na pahinto siya sa paglalakad. Narinig niya ang boses ng Ate niya.

"You cannot do this Marc!" May himig histerya ang tinig ng Ate niya mula sa loob. Nagkatitigan si Lesllie at ang maid.

"Ikuha mo nalang ako ng juice at sandwhich, Delma," pormal nitong utos sa katulong. Hindi niya gustong marinig nito ang pinag-aawayan sa loob ng Ate Wendy niya. Bagaman hindi niya matiyak kung ano pa ang narinig ng katulong bago siya dumating.

"At sa likod ka dumaa," pahabol niya.

Gusto niyang maupo sa garden set at hintayin ang meriendang hiningi pero tila na estatwa siya sa pagkakatayo, lalo na nung muling marinig ang mga tinig mula sa loob.

10 days nalang at ikakasal na ang kanyang Ate kaya nagtatakang bakit  sa mga ganitong panahon pa nag tatalo ang dalawa.

"I'm Sorry, Wendy," mariing wika ni Marc. At nahihimigan ang galit  sa likod ng tinig nito. "Hindi na magbabago ang pasya ko."

"Pero hindi ba at ang pamilya mo ang mapilit na magpakasal tayo?" Nangunot ang noo ni Les sa pakikinig. May panic sa tinig ng Ate niya.

"I never wanted this wedding in the first place, Marc," patuloy ng dalaga at alam ni Lesllie na umiiyak na ang kapatid niya.

"Tama ka. Pero sa nangyari ay natitiyak kong isang malaking pagkakamaling makasal tayo."  

"Hindi mo magagawa sa akin ito. Paano ako? Ano ang ihaharap ko sa mga tao? Paano ang kahihiyang sasapitin ng pamilya ko?"

"Tell them the truth," malupit ang salitang iyon sa pandinig ni Les. "Good-bye, Wendy..."

"Marc...." narinig ni Les ang paghagulhol ng iyak ng kapatid at sa pakiramdam niya'y higit sa sakit ang nadarama niya sa sandaling iyon.

Nagulat pa siya sa biglang pag-awang ng malaking pinto. Hindi niya namalayan ang pag hakbang palabas ni Marc. Nagsalubong ang mga kilay nitong sinulyapan siya sandali. Pagkatapos ay walang salitang nagtuloy-tuloy sa nakaparadang sasakyan .

Wala na si Marc ay nakatanaw parin si Les sa labas ng gate ng bahay. Umalis ito. Hindi ba matutuloy ang kasal? Pano ang Papa niya kung sakaling hindi na magkasundo pang muli ang magkasintahan bago sumapit ang takdang araw ng kasal?

Her Beloved EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon