Chapter Thirteen

396 12 1
                                    

Third Person POV

UNEDITED

KINABUKASAN din ay muli siyang dinala ni Marc sa bahay nito upang makipag usap kay Donya Aurora.

"Well all's well that ends well," nakatawang wika ng matandang babae. "Naging maganda ang resulta nang pagpapanggap ninyo ni Derrick na magkasintahan, hija."

"In one way or another, Mama, talagang nakatakdang maging manugang ninyo si Lesllie," ani Marc na ang mga mata'y kumikislap sa pagkatitig kay Les.

"Kailan niyo gustong magpkasal mga anak?"

"Hangga't maari ho ay isang buwan mula ngayon," sagot ni Les. King maghihiganti siya ay hindi kailangang patagalin. Baka hindi niya kayang mahulog pa nang mahulog ang loob niya ng husto kay Marc.

"Isang buwan!" bulalslas ng Donya.

"That is too soon para sa preparsyon,"

"Payag ako sa isang buwan, Mama," sang ayon ni Marc na ang tingin ay kay Les at makahulugan.

"I don't think I could last any longer with a very desirable fiancee.." hindi naituloy ni Marc ang sasabihin dahil siniko siya ni Lesllie na pinamulahn ng mukha sa gustong tukuyin. Natatawa na lang ang matandang babae.

"Oh well kung iyan ang gusto ninyo. Siguro naman ay mag o-overtime ang mga mananahi ni Anya. Tatawagan ko siya ngayon, hija, at baka bukas ay pumunta tayong dalawa roon upang masukatan ka."

Isang tango lang ang isinagot ng dalaga. Concious sa mga bisig ni Marc na nasa mga balikat niya.

"Hello, dear sister," si Derrick na kararating lang. Hinalikan sa pisngi si Les. "Congratulations," nakangising wika nito.

"T-thank you, Rick,"

"Hindi lang kita basta kaibigan, hipag pa. I'll make you a handsome best man, di ba, Marc?" Tinapik nito ang balikat ng kapatid na ngumiti.

"And while we are busy, samantalahin mo ang pantisi-chicks Derrick . I haven't deal with you yet," seryosong wika nito bagaman kumikislap ang mga mata. Tumawa lang si Derrick.

---

Ang sumunod na mga araw ay naging busy ang dalawa sa paghahanda sa mga kakailanganin sa kasal. Hindi pumayag si Les na mag leave sa trabaho kaya sa umaga parehong inaasikaso ng dlawa ang paglalakad.

"Gusto mo ba ang singsing na ito, Baby?" Tanong ni Marc na dinampot mula sa maraming mga boxes ng alahas ang isang diamond studded band ring.

"Hindi ba masyado namang mahal ito Marc?" Nalula siya sa halaga ng singsing na napili nito.

"You're worth it, baby," masuyong wika nito. "The prettiest and the loveliest bride ever."

Si Lesllie ay gustong umiyak ng sandaling iyon.

Kung nagkataong matagal pa ang preparasyon sa kasal at pumayag siyang mag leave sa trabaho ay baka manghina na ang loob niya.

May ikakasal bang parang namatayan! Si Coreen nang dalhin niya rito ang invitation card. Sinadya niyang ibigay ang invitation sa kaibigan nang hindi makasama si Marc. 10 days from now on ikakasal na sila.

"Oh Coreen," at tuluyan na siyang napaiyak sa kaibigan.

"Hey.." nagtatakang hinapit ni Coreen ang kaibigan. "May problema ba? Were you pressured in this wedding."

Umiling si Lesllie, inabot ang tissue sa box na nasa mesa at nagpahid ng mga mata.

"I love him, Coreen. I love him so much na mas gugustuhin ko pang mamatay na lang ngayon," oahikbi niyang sinabi na tila bata.

Her Beloved EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon