Chapter Six

376 21 1
                                    

Third Person POV

"HINDI BIRO ang halaga ng mga alahas para ibigay lamang sa isang babae Derrick!" hiyaw ni Marc sa kapatid.

Pagalit na ibinagsak ni Derrick ang tasa ng kape sa platito. "Ikaw lang ba ang may karapatang mag regalo sa mga babae, Derrick. Pera ko ang ginamit ko. I work for it!"

"At hindi ba pera ko rin naman ang ginagastos ko?" ganti ni Derrick. "Mana ko mula kay Papa."

"Hindi mo pa pera iyon dahil wala pa sa iyo." halos magdikit na ang mga kilay ni Marc sa galit. " At alalahanin mo ang nakalagay sa testamento ng Papa, You cannot have the money, kung hindi mo tatapusin ang pag dodoctor."

Nagtagis ang mga ngipin ni Derrick. Totoo ang sinabi ng kapatid niya. "Huwag mo akong pakialaman, Marc. Nag aaral ako at hindi bumababa ang mga grades ko."

"Tama ka. Pero sa palagay mo ba ay mananatili akong walang kibo rito habang winawaldas mo ang pera sa babaeng iyon? She's a goldigger Derrick, hindi mo ba naiisip iyan?"

"She deserved those jewerlies!"

Yes! Sa kailalimang bahagi niya'y gustong sang ayunan ni Marc ang sinabi ng kapatid. Nai-imahgine niya sa leeg ni Lesllie ang emerald choker. Natitiyak niyang lulutang ang ganda ng dalaga. Bahagyang ipinilig ni Marc ang ulo anong nangyayari sa kanya. Nagagalit siya sa kapatid dahil sapagbibigay nito ng mamahaling alahas kay Lesllie pero kasabay noon ay naiisip niyang bagay sa dalaga ang mga emeralds. He must be crazy and out of his mind.

Muli niyang binalingan ang kapatid. " Huwag mong ubusin ang pasensiya ko, Derrick," hes aid in deadly calm. "Isa pa uling walang kakuwenta-kwentang pag-gasta at mawawala ang mga bank cards mo."

Nanlaki ang mga mata ni Derrick. Malakingf abgay kapag nawala ang bank card nito. "Hindi mo magagawa iyan!"

"Want me to try?" Hamon niya. "Hindi kita kailanman hinigpitan sa pera, Derrick. Pero ang gumasta ng higit sa kinjakailangan mo at bumili ng alahas upang iregalo lang sa isang babaeng sadyang sinasasamantala ang kalokohan mo ay hindi ko mapapalampas!"

"Damn you, Marc! Hiyaw ng binata sabay ytalikod.

Isang buntong hininga ang narirnig ni Marc mula sa liko niya, Si donya Aurora.

"Aren't you being too hard with your brother Marc?"

"Naipakita ko na sa inyo ang halag ng mga alahasna binili niya sa jewerly store para sa babaeng iyon at ikaw mismo ay nagulat sa halaga"

"Is this the same woman?"

"She's verry pretty, Marc kahit ako'y naakit na panoorin ang news program niya gayong hindi naman ako interesado sa mga balita. Hindi ako nagtataka kung mahumaling ang kapatid mo sa kanya. How old is she?"

"Twenty three ang sabi ng Ninong. And yes she's very pretty," sang ayong ng binata. He couldn't help remembering the softness of her lips and the warmth of her body. Inilayo niya ang isip roon. "Pero makamandag ang ganda, Mama," dadag niya.

----

Dumilim ang mukha ni Lesllie nang sa pagparada niya sa loob ng town house ay mapuna ang nakaparadang Mercedes Benz. Pabagsak niyang isinara ang pinto ng kotse niya. Pagtapat niya sa kotse ni Marc ay bumukas ang pinto ng sasakyan at lumabas ang binata.

"Gusto kitang makausap," salubong ni Marc

"Wala akong alam na dapat nating pag usapan, Mr. Dela Fuente," sagot niya sa pinakamalamig na tinig at nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod si Marc.

"Pwede bang tigilan mo ang kakatawag sa akin ng Mr. Dela Fuente sa akin, masakit sa tainga," naiiritang wika ni Marc

"You're older," simpleng sagot niya at ipinasok ang susi sa susian. Natawa si Marc ng malakas sa sagot niya.

Her Beloved EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon