Third Person POV
NAALIMPUNGATAN si Lesllie sa tunog ng door chime niya sa pinto sa sala. Ibinaon niya ang mukha sa unan sa pagbabaka-sakaling mag sawa ang kung sino man ang nasa pinto at umalis.
Subalit patuloy ang musical chime at sa wari'y alam nitong may tao sa loob at determinandong maghintay haggang sa pagbuksan.
"Damn!' bulong niya
Inaantok pa siya at kapag ganito lamang na wala siyang air sa TV nakakatulog siya ng ganito kahaba. Halos nakapikit pang sinulyapan ang relo sa tabi ng night lamp.
9:00 am! Ipinikit niyang muli ang mga mata. Hinablot niya ang silk robe sa may sofa at ipinatpng sa suot niyang teddy at lumabas. Tuloy-tuloy sa malakung pinto ng condo niya matapos alisin ang dalawang lock ay binuksan ang pinto.
"Good morning.."
Bahagyang napasinghap si Lesllie sa nabungaran. He stood tall and dark at halos okupahin na nito ang buong pinto. Nakatitig sa kanya ang mga mapanuring mga mata as if daring her.
His mouth twisted at the corner of arrogance. Bumaba ang mga mata niya sa designer's sportshirt nitong kulay puti hanggang sa kulay brown na khaki pants.
"Tinitigan mo ba ng ganyan ang lahat ng bumibisita sa iyo?" May amusement sa tinig ni Marc na nagpabalik ng mga mata ni Les sa mukha nito.
"A-are you sure na tamang pinto ang kinatok mo?" Gusto niyang sipain ang sarili dahil sa pagkautal niya.
"I seldom make mistakes, Miss Tantunco" kalmanteng wika ni Marc. Hinagod ng tingin ang dalaga sa suot nitong silk ribe na hindi msn nakatali sa baywang kaya nakahantad kay Marc ang maiksi at manipis niyang teddy exposing part of her breast and long shapely legs.
Mula sa mga binti niya ay muling tumaas ang mga mata ni Marc at huminto sa dibdib niyang namumula pa dahil sa pagkakadapa sa unan.
Pinamulahan si Lesllie at mabilis na pinasalikop ang robe.
"Now we're even, Mr. Dela Fuente," aniya sa matalim na tinig. "Ano ang kailangan mo sa akin ng ganito kaaga?"
"I wish to hell that all women could look like you in the morning..." halos pabulong na wika ni Marc na hindi pinansin ang pag-angil niya. Itinuon ang mga mata sa nakasabog na buhok ni Lesllie. "...fresh, without makeup..." yumuko sa paanan niya." and barefoot" amuse nitong idinugtong.
"Wala kang..." hindi natapos ni Lesllie ang sasabihin dahil sa isang iglap ay nasa loob na ng unit niya si Marc.
"You can change while I'll fix myself a cup of coffee," at kaswal na lumakad ito patungo sa maliit na kitchen na para bang ito ang may ari ng unit.
Nang lingunin siya nito uli at hagurin ng tingin ay mabilis siyang humakbang patungo sa silid niya. Ibinagsak niya ang pinto at ini-lock. Of course hindi siya papasukin ng lalaki sa silid pero nakadama siya ng sekyuridad sa ginawa.
There was something about the man, a latent sensuality na hindi niya gustong malaman. Natatakot siya ritong hindi-mawari. Hindi ang pisikal na pananakot ang nasa isip niya dahil natitiyak niyang hindi gagawin ni Marc iyon. But she could feel it in her bones that this man is dangerous.
And she even thought na kaya niyang harapin si Marc Dela Fuente!
Kinalma niya ang sarili at marahang tumayo. Pumasok sa banyo at inayos ang sarili. Pagkatapos ay magbihis. Isang floral cotton dress ang napili niya. Isinuot ang bedslippers, took a deep breath at muling lumabas.
Nasa sala na si Marc at nakaupo sa mahabang sofa at ibinaba sa platito ang tasa ng kape.
"Very pretty," wika nito. Hinagod siya ng tingin "I'm glad na hindi mo ipinusod ang buhok mo. I knew it was silky straight and beautiful." he said huskily.
Bagaman may bahagi ng dibdib ni Les ang nasisiyahan sa compliment ay hindi niya iyon pinag ukulan ng pansin. Ang isang tulad ni Marc ay sanay sa mga salitang ganoon at lagi niyang isinasaisip na lahat ng babae ay na overwhelmed sa ganoong mga papuri.
"What can I do for you, Mr. Dela Fuente?" pormal niyang tanong at sinikap na itago ang bahagyang panginginig ng tinig.
"You can call me Marc, Lesllie. Hindi kailangang maging pormal tayo sa isa't isa."
"Mga kaibigan ko lang ang tinatawag ko sa pangalan nila, Mr. Dela Fuente. And you are not my friend."
Tumaas ang kilay ni Marc sa sinabi niya. "Hindi mo itinuturing na kaibigan mo ang nakatatandang kapatid ng boyfriend mo, Miss Tantunco?"
"Sinabi sa akin ni Derrick na nagagalit ka sa kanya na nakikipagkita siya sa akin. Pinagbawalan mo siyang dalawin at puntahan ako at inutusan mo siyang putulin ang ano mang relasyon mayroon kami. So don't beat around the bush, Mr. Dela Fuente. What do you want?"
Tumiim ang mukha ni Marc. "Well mabuti naman at sa iyo na nanggaling ang mga salitang yan. Stay away from my brother, Miss Tantunco. Bukod sa bata pa si Derrick ay hindi ikaw ang babaeng nais kong pag ukulan ng pansin ng kapatid ko."
Nag init ang mukha ni Les. "What do you have against me, Mr. Dela Fuente?"
May malisyang hinagod ng tingin ni Marc si Lesllie. "You're beautiful at natitiyak kong ginagamit mo ang ganda mong iyan upang maakit ang pagiging walang muwang ni Derrick. Hindi siya sanay sa isang tulad mo, Miss Tantunco."
"You are underestimating your brother, Mr. Dela Fuente."
"Higit kong kilala si Derrick kaysa sa iyo. And I command you to stay way from him!"
"And If I don't?"
Naningkit ang mga mata ni Marc sa hamon sa tinig niya, "Huwag mo akong piliting gawin ang isang bagay na pareho nating pagsisisihan." May banta sa ilalim ng tinig nito.
"Ipapa-salvage mo ba ako?" Bahagyang ikiniling ni Lesllie ang ulo sa naghahamon ding tinig.
"I might just do that," patuloy ni Marc na gumalaw ang adam's apple. Pagkatapos ay tumaas ang isang sulok ng mga labi. "And since you don't believe in beating around the bush, I'll get straight to the point."
"Magkano ang katumbas ng kalayaan ng kapatid ko, Miss Tantunco? Kasabay noon ang pagdukot nito ng tseke sa bulsa ng sportshirt at iniabot kay Lesllie. "Blangko at may pirma ko ang tseke. Ilagay mo ang halaga ng gusto mo."
Tumaas ang kilay ni Lesllie sa amusement. Tinitigan ang tseke sa kamay nito. "Are you willing to pay me a millions, Mr. Dela Fuente?"
Nakita niya ang pagtiim ng mga bagang ni Marc at paggalawan ng mga muscle sa mukha nito. Dinukot nito ang ballpen sa bulsa at sinulatan ang tseke.
"Five million. At inaasahan kong ni anino mo ay hindi na makikita ni Derrick!" Matapos iwan sa center table ang tseke ay tumayo si Marc at humakbang patungo sa pinto at lumabas.
Sa nanginginig ng mga tuhod ay naupo si Lesllie. Tinitigan ang tsekeng nasa mesa. Nalampasan niya ang easy round. At titiyakin niyang maghaharap silang muli ni Marc Dela Fuente!
BINABASA MO ANG
Her Beloved Enemy
Storie d'amoreRevenge is the only thing she wants. But not to be his kept woman.