Merry Christmas guys! :*
Third Person POV
SA LOOB ng dalawang araw ay hindi siya tinawagan ni Marc. Pagkatapos ng nangyari sa kanila. And she was beginning to wonder kung wala na itong balak na makipagkita sa kanya. Kung magkaganoon man ay nasayang na lahat.
Ang mga plano niya na mahulog ang loob ni Marc sa kanya. Balewala ba ang ibinigay niyang puri sa kanya?
Pero noong umuwi siya nang hapon kinabukasan mula sa bahay ng kaibigan niya ay dinatnan na niya si Marc sa parking lot ng townhouse.
Nakasandal sa kotse nito at may hawak na kalumpon ng mga malalaking at naggagandahang rosas in crimson colors.
"Hi," nakangiting bati nito.
"Hello," tipid ang ngiting iginanti niya. "What are you doing here?"
"I'm just checking on you baby, you know dalawang araw tayong hindi nagkita. I missed you baby." Malumay at malambing ns tugon nito.
"I'm glad you're here, Marc," aniya at binujsan ang pinto at pinatuloy ang binata.
"Did you miss me too, Les?" Seryosong tanong nito.
Iniwasan ni Les ang tanong nito. Sa halip ay lumakad patungo sa may estante at binuksan ang isang drawer doon.
"Naiwan mo ito," inabot niya ang jewerly box.
"Para sa iyo iyan. Hindi ko binabawi ang anumang bagay na ibinigay ko na," seryoso paring sinabi nito. Ang mga mats ay nakatitig sa kanya.
"Kabayaran ba ito sa pagkakaloob ko ng sarili ko sayo, Marc?" Hindi niya maiwasang lagyan ng sarcasm ang tinig.
Humugot ng malalim na paghinga si Marc.
"No, hindi Les and I'm sorry, I really am," wika nito sa sinserong tinig.
Nanlaki ang mga mata ni Les. Si Marc Dela Fuente ay humihingi ng dispensa! Sandali lang siyang natigilan. Inilapag sa mesa malapit sa binata ang kaheta.
"Apology accepted. Pero hindi ko parin matatanggap ito,"
"Not even as ab engagement ring?" His voice soft and gentle.
Which is unusual sa isang tulad nito.
"E-engagement ring?" Nautal niyang ulit. Ginapgap ni Marc ang palad niya at dinala sa bibig niya at banayad na hinagkan.
Pinigil lang ni Lesllie ang sarili upang huwag bawiin ito. Tila apoy sa balat niya ang mga labi nito.
"I love you, Lesllie. Maniwala ka. And I want to marry you."
"W-what!"
"Kinausap ko na ang Mama tungkol sa atin at kahit si Derrick. I was so happy na hindi magawang komprontahin ang kapatid ko sa babaeng tinatago niya sa likod ko. At gusto kang makausap ng Mama, Les, para pag usapan ang tungkol sa kasal natin." dere deretsong sinabi ni Marc sa hindi makahumang si Lesllie.
Muling mahigpit na pinisil ni Marc ang palad niya na tila ginigising siya mula sa isang hypnotic trance.
"I have though and checked my feelings for you, Les. Kung bakit ako nagagalit akong malamang girlfriend ka ni Derrick. Hindi dahil sa alahas na inaakala kong ibinibigay niya sayo. Subconsciously ay ginawa ko lang dahilan ang mga iyon para makaharap ka, makausap ka. I have been intrigued by you kahit hindi ko pa man nalalamang magka kilala kayo ni Derrick."
Si Lesllie ay gustong tumawa ng malakas. Hindi siya nabigo, afterall. At higit pa sa inaasahan niya!
Marc Dela Fuente wanted to marry her! Siya, si Lesllie Tantunco, ang kapatid ni Wendy.
Ang babaeng tinalikuran nito ilang araw bago ang nalalapit nilang kasal.
Ang lalaking naging sanhi ng kamatayan ng kapatid at atake sa puso ng ama ay sa kalaunan ay ang ina.
Sinalubong niya ang mga mata ni Marc at mula roon ay kitang-kita niya ang karapatan at kagalakan sa sinasabi.
Ganoon din ang pag asam. And somehow, sa kaibutaran ng dibdib niya ay may masakit siyang nadarama pero sinaksak niya iyon sa kailaliman pa.
"Will you marry me, Les?"
To be continued...
A/N:
Kamusta ho? Malapit na yung gitna ng story na ito. Sana subaybayan niyo sila. :) Pahinging comments wag lang yung Ud na please. Para sipagin naman ho akong mag update. Btw Merry Christmas ulit. Pengeng aguinaldo Hehehe. XOXO :***
BINABASA MO ANG
Her Beloved Enemy
RomansRevenge is the only thing she wants. But not to be his kept woman.