CHAPTER 14

174 2 0
                                    


This will be Maxine's POV lang.

-----------------------------------------

6 years later...

It's been six years when i leave Philippines. Maraming nagbago. Six years akong tumira dito sa ibang bansa pero kahit ganon nakakausap ko naman sila Stella pag hindi sila busy. Sila pa ang tumatawag sakin.




Ganon din si Mommy Kat. Noong umalis ako, si Mommy Kat ang tumulong sakin para makaalis agad ng bansa at umuwi kila Mommy. Ikinuwento ko sa kanila ni Daddy ang lahat at dahil doon nagalit din sila kay Austin. At dahil doon napagusapan namin na hindi sabihin kay Austin kung anong lagay ko at kung nasaan ako.



At lalo na buntis ako noong umalis ako. Sosorpresahin ko sana si Austin noon na buntis ako pero ako pa pala ang nasorpresa. Buntis din si Clarize at siya ang ama. Ang sakit sakit. Akala ko magiging masaya na talaga kami. Akala ko tuloy tuloy na pero hindi pa din pala. Pero wala na akong magagawa doon. Nandon na eh. Hindi na yon maaalis.




At ang mas masakit pa ay yung pagtalikod niya sa sorpresa ko para puntahan si Clarize. Para kamustahin kung ayos lang yung baby nila. Ni hindi niya na inisip na nandoon ako. Nakalimutan niyang kausap niya ako. Hindi niya inisip yung mararamdaman ko na asawa niya. Sobrang sakit.



Pagdating namin dito kila Mommy kinuwento ko din sa kanila lahat. Nagkatampuhan pa sila ni Mommy Kat dahil sa ginawa sakin ni Austin pero syempre ayoko namang magkaaway sila lalo na magkaka-apo na sila kaya naman ginawa ko ang lahat para magkabati sila.




Nagbook pa si Mommy Kat ng flight papunta sa'min para kamustahin ako ng personal at para magbati sila ni Mommy. Pero pagkalipas lang ng ilang araw lumipat kami sa bahay ng kapatid ko dahil nasabi ni Mommy Kat sa'min na baka magbook ng flight papunta sa'min.





Tumira kami doon sa kapatid ko hanggang sa makapanganak ako. Kahit mahirap kinaya ko para sa anak ko. Hindi ako nagpakita ng kahinaan. At nandyan din naman ang pamilya para pagaanin ang loob ko noong mga panahong yon na lagi akong umiiyak dahil kay Austin.



Nagpapasalamat ako sa kanila dahil hindi nila ako hinayaan sa mga panahong yon. Sobra Sobra ang pasasalamat ko sa kanila. At syempre lalo na nang lumabas ang dalawang magaganda kong anak.



Yes, dalawa sila. Dalawa silang ibinigay sakin. I gave birth to twins. Hindi nga kami makapaniwala na dalawa pati sila Mommy at Mommy Kat. Pero happy sila na dalawang magaganda ang apo nila.



They spoil them with what they want pero kahit na ganon ay sinasabihan ko pa rin sila na hindi lahat lahat ay maibibigay sa kanila at naiintindihan naman nila yon. At mas pinapaintindi ko pa habang tumatanda sila.




Matalino at mapagmahal ang dalawa. Matalino naman kasi ang ama nila. Kahit tanga sa pag-ibig. Lagi nila akong pinagsisilbihan sa umaga pag nauuna silang magising.



Kahit hindi ko naman sila inuutusan ay ginagawa nila pag alam nilang may ginagawa ako o kaya naman ay pag naglalambing sila. At masaya akong dumating sila sa buhay ko nang mga panahong sobrang lungkot ko.

"Chali! Talia! Come in here!"tawag ko sa dalawa habang nag-aayos ng gamit namin dito sa kwarto.



Ilang saglit pa ay may dalawang bulinggit na tumatakbo palapit sa akin. Tumayo sila sa harap ko.



"Maayos na ba ang mga gamit niyo sa bagpack niyo?"tanong ko habang nagaayos pa rin.



"Yes po Mommy."sagot ni Talia.



TORTURE OF LOVE [Completed]Where stories live. Discover now