CHAPTER 10

194 3 0
                                    

Ey! Wazzup! Ako lang to?

Thanks to my sister! Dahil sa kanya nakapagtype ako. Mas maganda kasing seryoso ako para makapag-isip then nagaway kami kaya ayan na! Daldal ko.

Good evening everyone!💖

------------------------

Maxine's POV

Nagdaan ang ilang araw hindi nagbago ang pakikitungo sakin ni Austin. He's sweet and caring to me. Minsan lumalabas sila ng mga barkada niya pero mas madalas nandito siya sa bahay kasama ako.





Wala kaming ginagawa kundi ang manood, kumain at ..alam niyo na yon.  Minsan nga naiisip ko kung wala na ba talaga si Clarize sa isip niya. Pero siguro nga wala na.






"Hon, here's your food."napabaling naman ako kay Austin at kinuha ang pagkain ko sa kanya.






It's already lunch and we're eating in front of the t.v. Gusto kasi naming manood habang kumakain. Umupo siya sa tabi ko at nagsimula na kaming kumain.







Matapos kumain inabutan naman niya ako ng tubig. Kinuha ko yon at agad na ininom. Saka ako bumaling ulit sa pinapanood namin.







Dumaan ang mahigit isang oras natapos ang pinapanood namin at sakto namang dumating sila Mommy Kat. Nagtaka namin kami agad dahil ngayon nalang sila ulit bumisita sa'min.






"Hi, How are you here?"tanong sa'min ni Mommy nang makalapit siya.





"Okay lang naman po kami Mommy. Bakit po ngayon lang kayo bumisita dito."sabi ko at humalik sa pisngi niya pati kay Daddy. Ganon din naman ang ginawa ni Austin.







"Nandito kami para sabihin sa inyo na magbabakasyon kayo sa isang resort, it's private resort na ang may ari is friend namin ng Mommy mo."paliwanag ni Mommy.






"Bakit po?"tanong ko.





"Nakalimutan niyo na bang malapit na ang wedding anniversary niyong dalawa?.. by the way,hift namin to ng Mommy mo. Bukas na kayo pupunta so you should pack your things later."paliwanag pa niya.





Napatango nalang ako sa sinabi niya. Nagkwentuhan pa kami hanggang sa naisipan na nilang umuwi dahil may gagawin pa daw ang mga ito.







Nandito kami ngayon ni Austin sa kwarto para mag-ayos ng gamit na dadalhin namin bukas pero hindi naman niya ako tinutulungan.






"Austin! Tulungan mo na ako dito."pilit ko sa kanya.






Tumayo siya galing sa pagkakaupo sa kama at lumapit sakin. Akala ko tutulungan niya ako pero yumakap lang siya sakin mula sa likod ko.




"Ano ba Austin! Tulungan mo ako sabi ko."inis na ani ko at pilit na inaalis ang pagkakayakap niya sakin pero talagang mahigpit iyon.





"Hon."malambing na aniya at hinalik-halikan ang leeg ko.





"Ano ba Austin!"pilit ko paring inaalis ang pagkakayakap niya sakin hanggang sa natalo ako at nagpaubaya na sa kanya. Kaya naman hindi namin naayos ang gamit namin.






Nagising ako ng may humahalik sa leeg ko at agad na napairap. Tumingin siya sakin at hinalikan ako sa labi.







"Good evening Hon."bati pa niya sakin.






TORTURE OF LOVE [Completed]Where stories live. Discover now