CHAPTER 13

166 3 0
                                    

Mag seven months na pala 'tong story na'to kaso hindi ko lang naituloy...

Hi! I'm sorry for unpublishing this story of mine. Nagkaproblema lang kaya ayon. Hehe Are you guys still gonna support me? Or meron pa ba yung mga sumusuporta?

_________________________

Maxine's POV

Days and weeks had passed and i still feel the same. Sa tuwing umaga deretso ako sa banyo dahil parang hinahalukay yung tyan ko. Minsan pa ngang sa kalagitnaan ng gabi ako bumangon para lang sumuka. At syempre lagi ding nagigising si Austin para bantayan ako.





Lagi akong naghahanap ng pagkain. Para kasing lagi akong nagugutom at lagi naman akong binibigyan ni Austin. Pero lagi din kaming nag-aaway kasi minsan hindi niya naibibigay yung gusto ko. Minsan pa hindi ko siya pinapandin kasi naiinis ako sa mukha niya katulad nalang ngayon.





"Hon, come on. It's already lunch."aya niya sakin habang nanonood ako ng t.v.





Hindi ko siya pinansin at tinutok lang ang atensiyon ko sa pinapanood ko. Ilang saglit pa ay umalis siya sa tabi ko at naglakad papunta sa kitchen. Bumalik naman siya tabi ko na'ng may dalang pagkain at inilapag yon sa table sa harap namin.





"Hon, kain na. Kanina ka pa nanonood dyan."





Umiling lang ako at hindi siya nilingon. Hindi ko alam. Basta ayoko siyang kausapin ngayon. Bahala siya sa buhay niya.





"Bakit ba hindi mo nanaman ako pinapansin? Kanina lang okay naman tayo ah."may pagka iritang ani niya.






Kumunot naman ang noo ko at nilingon siya saka tinaasan ng kilay. Nagkipagtitigan ako sa kanya at saka ako bumalik sa panonood.





Nang biglang may tumawag sa'min galing sa labas. Agad naman kaming napalingon sa pinto at nakita sila Mommy Kat na papasok.





Tumayo ako at sinalubong sila nang hindi pinapansin si Austin na napailing-iling nalang.




"Mommy! Dad!"magiliw na ani ko at yumakap sa kanila. Matagal na din nung huli ko silang nakita.




"Hi dear, Sorry ngayon lang ulit kami nakabisita sa inyo. Naging busy kasi kami eh"sabi ni Mommy nang kumalas sa yakap.




"Okay lang po. Namiss ko po kayo."sabi ko.


"Namiss din namin kayo."sagot niya.



Lumapit din sa'min si Austin para yumakap sa kanila.



"Mom, kamusta?"tanong niya.


"We're good son. Kayo?"


"I'm okay but this woman here is not."turo pa niya sakin.



Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin. Ako? Bakit ako?!


"Why? May sakit ka ba hija?"nag-aalalang tanong nila.


Agad naman akong umiling. "Wala po. Naiinis lang talaga ako dito sa anak niyo."anas ko at inirapan pa si Austin.



He tsked. "Have you eaten mom? I cooked lunch. Let's eat."aya ni Austin sa mga ito na tumango naman.




Nakangiwi akong sumunod sa kanila sa kitchen habang si Austin ang kumuha ng dapat na pagkain ko sa table at pinatay ang t.v.




Kahit ayoko ay umupo nalang ako sa upuang nakatapat kay Mommy. Tumabi sakin si Austin at inilapag sa harap ko ang platong may laman na pagkain.



TORTURE OF LOVE [Completed]Where stories live. Discover now