--------------------------------------
"Anong bang mga bibilhin?"tanong sa'kin ni Silver na nagtutulak ng cart.
Kasama nanaman namin siya. Nandito kami ngayon sa Grocery dahil inutusan kami nila Mommy. Kasama din namin yung dalawa dahil ayaw nila magpaiwan.
"Eto nakalista naman."pinakita ko pa sa kanya ang papel na ibinigay sa'kin ni Mommy kanina.
"Meat muna tayo tapos vegetables, tsaka tayo magpunta sa mga in-cans."aniya at tinulak na ang cart. Kasama naman niyang nagtutulak yung dalawa.
Sumunod naman ako agad sa kanila at kinuha ang mga nakalista sa listahan. Hindi naman kami nagtagal doon at sa gulay na kami. Konting gulay lang ang kinuha namin dahil konti lang kami at hindi din kami laging naggugulay.
Ilang saglit pa nang nasa Can goods na kami ay nagpaalam sila Silver na kukuha sila ng pagkain ng dalawa. "Babe alis muna kami ha."paalam ni Silver at hinawakan ang kamay ng dalawa palayo.
Wala naman akong nagawa kundi itulak ang Cart kung saan ako kukuha. Naglalakad-lakad ako habang hindi nakatingin sa mga delata. Nang bigla akong may mabunggo ng cart dahil hindi ako nakatingin sa daan.
"Ohmyghad! I'm sorry. Hindi kaai ako nakatingin sa daan."nagpapanic na ani ko.
Nakayuko pa ito at tinitignan ang paa niya. Nakasuot lang ito ng simpleng t-shirt at cargo short. Hindi siya mapayat pero hindi din siya mataba. Sakto lang.
"It's okay-"parang tumigil ang mundo ko nang makita kung sino ang nasa harap ko. Ang laki ng pinagbago niya. Hindi ko akalain na mas maaga kaming magkikita.
"A-austin."mahinang ani ko. Kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan. Hindi ko alam sasabihin ko.
"Maxine."gulat ding aniya. "You're here.. You're totally here. Where have you been? Why did you left?"nakakalokong tanong niya. Makikita mo talaga yung saya sa mukha niya dahil nakita niya ako.
"I uhm-"hindi ko na naituloy nang dumating si Silver. Oh
"Babe, madami kming kinuha. Ikaw nman magbabayad diba?"nakangiting ani ni Silver ngunit agad na nawala nang makita niya kung sino ang nasa harap ko. Omg! Tapos babe pa ang tinawag niya sa'kin.
"Oh, you're with someone."ani ni Austin. Biglang napalitan ng lungkot ang mga mata niya.
"Mommy, i want chocolate."sabat pa ni Chali at lumapit sa'kin. Napatingin din si Austin sa kaniya.
Hindi nakatakas sa mata ko ang nakakaloko niyang mahinang pagtawa. "And kids."
"Silver."makahulugang tingin ang binigay ko sa kanya na agad naman niyang naintindihan. Bumalik sila sa kung saan sila nagtungo kanina. "Uhmm.."hindi ko alam ang sasabihin ko.
"So have kids now. After you left me alone, you have kids and someone."natawa pa ito. "It's so stupid of me to wait for you while you're there with someone, and happy with your kids. A happy family."madadama mo talaga ang lungkot sa boses niya.
Anong sabi niya? Happy family? Akala niya ba'ng si Silver ang Daddy nung dalawa?
"Austin.. i-it's not what you think."pilit kong magpaliwanag sa kaniya kung ano talaga ngunit pinahinto niya ako.
YOU ARE READING
TORTURE OF LOVE [Completed]
RomanceMaxine dreamed of a beautiful wedding and a good husband. But unfortunately she was arranged marriage. It's her luck and bad luck because she wed to her ultimate crush. And the bad luck, her crush hates her. Would their marriage work or get worst?