CHAPTER 23

120 2 0
                                    


Medyo warning 'to.

______________________

Nagtama ang paningin namin ni Austin ngunit agad din siyang nag iwas at tumingin nalang muli ng damit sa closet niya.. Nasaktan naman ako sa ginawa niya ngunit wala akong magagawa. Nainis ata ito. Sino naman ang hindi maiinis sa sobrang mature ko? Tss


"Pupuntahan ko lang sila baka nagugulo nila si Ate."paalam ko at hindi na hinintay ang sagot nito.


Lumabas ako at nagpunta sa kwarto kung saan siya pinatuloy nila Mommy. Pagpasok ko nandoon ang dalawa at nakatabi kay Ate. Nagkukwentuhan sila.


"Babies."tawag ko ng atensyon nila. Agad naman silang lumingon sa direksyon ng pinto kung nasaan ako.



"Mommy, hindi po kami matutulog do'n. You guys are fighting. Dito nalang po kami kay tita-mommy."ani ni Chali.


"Yes po mommy, usap muna po kayo ni Mommy sabi ni tita-mommy."sangayon nama  ni Talia.

Nilingon ko naman si ate at nginiwian. "Mag usap nga muna kayo. Pinapakita niyo pa sa mga bata ang away niyo."sabi niya lang.


"Hindi naman eh. Ang kulit niya sabi ko dito nalang ako sa'yo matutulog."nakangusong depensa ko pa sa sarili.


"Tigilan mo nga ang pagseselos mo. Tatamaan ka sa'kin. Tabihan mo na ang asawa mo. Ang dami mo'ng arte gusto mo din naman."sabi pa niya.

"Sira na ulo mo!."inis na sabi ko naman. "Kukuha lang ako ng gatas ng dalawa para makatulog sila."paalam ko pa.


Katulad nga ng sinabi ko ay nagtimpla ako ng gatas nila sa baba at dinala iyon sa kanila. Humalik pa ako sa kanila bago nagpaalam na pupunta na sa kwarto.



"Hoy! Usap lang ah! Wag na kung ano-ano ang gagawin."sabi pa nito bago ko mabuksan ang pinto. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit tinawanan lang ako. Sira talaga.



"Tita-mommy, ano pa po gagawin kung hindi sika mag usap?"rinig ko pa'ng tanong nila Chali bago ako nakalabas.

Napailing-iling nalang ako habang naglalakad papunta sa kwarto ni Austin. Pagpasok ay hindi ko naman siya nakita. Sa tingin ko ay nasa banyo dahil rinig ko ang tubig.

Naghanap nalang ako ng damit ko na pang bihis pagkatapos kong maligo mamaya pagkatapos ni Austin. Kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan.

Naupo lang ako sa kama at hinintay siya na matapos. Ilang saglit pa ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng banyo kaya agad akong napatingin doon. Hindi ko naman inaasahan na nakabihis na siya.

What? Nababaliw ka nanaman Maxine! Anong gusto mo? Nakahubad siya?

'O-oo.'biglang sagot sa isip ko. Fvck.

Naiinis sa sariling pumasok ako sa banyo ng hindi siya tinitignan ngunit ramdam ko ang pagsulyap sa'kin. Sinara ko ang pinto at inilock iyon.



"Fvck! Ano ba'ng problema mo Maxine? Siraulo ka ba? Bakit gusto mo makitang hubad siya? Na nakatapis lang na lumabas ng banyo? Haist!"sabi ko sa sarili habang ay sinisikap na hinaan ang boses para hindi niya marinig sa labas.


Ngunit mali ata ako nang magsalita siya mula sa labas. "Hey, are you okay? May kausap ka ba dyan?"tanong niya parang siraulo. Sino naman ang kakausapin ko dito sa banyo?


TORTURE OF LOVE [Completed]Where stories live. Discover now