CHAPTER 3

204 10 0
                                    


Maxine's POV

Habang nanonood ako at kumakain ng chips dito sa sala nakarinig ako ng ingay sa labas kaya napatingin ako sa pintuan at may mga grupo ng lalaking papasok kasama si Austin.






Hindi ko nalang sila pinansin at nagtuloy sa panonood. "Hi Mrs. Reagan,"bati sakin ng pinaka bwisit sa kanila.





Tumango lang ako."Ang sungit mo nanaman Mrs. Reagan baka pumangit ka niyan,"natatawang aniya pa.





Napalingon ako sa kanya. "Tss,"anas ko."Pwede bang tigilan mo ako,"inis na sabi ko.







"Bakit naman? Inano ka ni Pareng Austin?,"tanong niya at umupo sa tabi ko.






Umupo ako ng maayos at nilingon siya."Kailan ka pa naging chismoso?,"takang tanong ko.






"Ngayon lang Mrs. Reagan,"pamimilosopo niya.






"Aish! Tigilan mo talaga ako Chander. Wala ako sa mood makipagbiruan sa’yo,"inis na sabi ko.







"Bakit ba ang sung-,"





"Tigilan mo na Tuazon,"sabat ni Austin na nakatingin lang samin.





Tss"Sige pero dito muna ako sa tabi mo," paalam pa niya.






Ngiting-ngiti naman ito nang lingunin ko. hmmm? Mukhang biglang nasa mood ako ah. HaHaHa





"Seriously Chander? Sabihin mo nga sakin. May gusto ka ba sakin?,"nakangising tanong ko.






Nilingon naman niya ako ng may seryosong emosyon. "Ano naman kung meron Mrs. Reagan?,"ngisi rin niya na naka pagpawala ng ngisi ko.



Hindi ako nakasagot at nanood nalang ulit."Hihiwalayan mo ba si Pareng Austin para sakin?,"tanong pa niya.






"Stop it Chander,"saway ko.





"Bakit naman? May gusto-,"





"Tuazon,"sabat ni Austin na seryosong-seryoso habang nakatingin kay Chander.






Ayokong isipin na nagseselos siya pero hindi ako mapakali dahil sa ipinapakita niyang emosyon habang nakatingin samin.





"I'm just kidding bro,"natatawang sabi ni Chander. Napahinga naman ako ng maluwag.
"Napakaseloso ng asawa mo."bulong pa niya sakin. Nang biglang may nagsalita ulit.







"Chander Tuazon!"sigaw niya.Napahagikgik naman tong katabi ko.







Hindi ko nalang sila pinansin at Naisipan ko nalang na umakyat sa kwarto kaya nagpaalam na ako."Aakyat na’ko sa kwarto ko."paalam ko at tumayo.







"Hatid na kita Mrs. Reagan,"sabi bigla ni Chander. Kinindatan naman niya ako. Siguradong inaasar niya lang si Austin sa ginagawa niya.







"Sabing tigilan mo Tuazon,"sabat ulit ni Austin na nagpangiti kay Chander.






"Alright Alright,"natatawang ani Chander at bumalik na sa upuan nito.






Hindi na’ko nagsalita at naglakad nalang paakyat sa hagdan.






"I'm just kidding bro. Don't take it seriously masyado kang seloso."rinig ko pang sabi ni Chander bago ako naka-akyat.






TORTURE OF LOVE [Completed]Where stories live. Discover now